You are on page 1of 2

“DROGA AT PAGGAWA NG MASAMA”

Magandang tanghali po sa inyong lahat narito ako upang ipahayag ang aking
opinion o saloobin tungkol sa paglaganap ng droga sa ating bansa at kung paano
natin ito maiiwasan lalong lalo na sa mga kabataan. Paano nga ba talaga
maiiwasan ito ng mga kabataan ngayon? Ano nga ba talaga ang dapat nating
gawin bilang isang kabataan na nagsisikap na makatulong sa mga kabataang
nalulong na sa mga masasamang gawain?
Dapar natin silang hikayating maging activ sa lahat ng mga aktibidad at turuang
maglibang ng iba’t ibang laruan o kaya’y hikayatin natin silang maglaro ng mga
online games gaya ng mobile legends, pubg at iba pang laruin ng mga kabataan
ngayon at hikayatin natin silang dumalo sa mga gawain sa inyong church.
Ako bilang isang kabataang saksi sa mga kabataang nalulong sa mga masasamang
gawain lalong lalo na’t sa mga kabataang gumagamit ng binagbabawal na gamut
upang mawala ang kanilang problema sa buhay na kahit mahirap sila’y kaya nila
itong iwaksi dahil sa paggamit nila ng pinagbabawal na gamut kahit hindi
makakain ng tatlong beses sa isang araw ay kaya nila ito dahil sa paggamit nila ng
droga ay naiibsan ang kanilang kagutuman at problema sa buhay dahil sa mulat
sila sa buhay ay kailangan nila ng libangan upang mawala agad ang mga ito.
Napakahirap nga siguro para sakanila ang iwasan ang paggamit nila dito dahil sa
nakasanayan na nilang gawin ito. Ngunit bakit nga ba may ilan paring kabataang o
halos karamihan na sa mga kabataan ngayon ay nasasangkot na sa mga
masamang gawain? Marahil sa hirap ng kanilang buhay ay nagagawa nila ito
upang mabuhay pa ng matagal at maibsan ang kanilang kumakalam na sikmura.
Ngunit sa mga kabataang nahuhuli ng mga pulis ay dinadala sa DSWD at
tinuturuang magbagong buhay at pinagaaral pa nila ang mga ito. Dahil sa tulong
na nabigay ng DSWD sakanila ay dadalhin nila ito hanggang sa tumanda sila at
hindi na gagamit pa ng mga pinagbabawal na gamot.
Ano nga ba ang pwede nating gawin upang mahikayat natin silang iwasan ang
paggamit ng pinagbabawal na gamot at paggawa ng masasamang gawain? Dahil
sa pagkaluklok ng pangulong si Rodrigo Duterte na dating mayor ng Davao city ay
maraming mga kabataang nagbagong buhay dahil sa pinatupad niyang
makukulong lahat ng gagamit o papatayin nila ang mga ito. Dahil sa mga hakbang
na ginawa ng mga kapulisan ay nabawasan ang mga gumagamit sa ating bansa at
karamihan sa mga kabataang napapabalita ngayon ay nahihilig na sa mga larong
pang internet. Maraming salamat po sa inyong lahat sa pakikinig sa aking
talumpati at kung ito po ay hindi niyo nagustuhan humihingi na lamang po ako ng
paumanhin sa inyo. Maraming salamat po ulit at magandang tanghali po sa
inyong lahat.

You might also like