You are on page 1of 1

Ortillo, Merry Jell T.

BS Architecture 5-1

Reaksyon sa “Ang Lihim ng Pamilyang Rizal”

“Ang Lihim ng Pamilyang Rizal” ay isang dokumentaryo na gawa ng I-Witness sa


pangunguna ni Howie Severino noong 2011. Ipinakita rito ang pinagmulan ng ina ni Jose Rizal
na si Teodora Alonzo kasabay ng mga sikreto ng pamilya nito na hanggang sa ngayon ay pilit
itinatago.

Nagsimula ang dokumentaryo sa pagsisiyasat at pagtuklas kung bakit iniwanan ni Rizal


na blangko ang sanga na sanay maguugnay sa pinagmulan ng kanyang ina sa ginawa niyang
family tree. Nagsaliksik at natagpuan nila ang lumang bahay na dating pagmamay-ari ng lolo ni
Rizal na si Lorenzo Alonzo de Alberto. Ito ay ginigiba at pinipira-piraso na upang mailipat sa
Bataan. Ayon sa may-ari ng naturang bahay na si Gerry Alberto, apo sa tuhod ni Jose Alonzo,
wala raw umanong koneksyon ang bahay kay Jose Rizal dahil hindi naman raw doon ipinanganak
o lumaki si Teodora Alonzo. Ito raw ay ipinanganak sa Sta. Cruz at ang bahay na iyon ay
pagmamay-ari ng kapatid nito sa labas na si Jose Alonzo. Ayon kay Dr. Bimbo Sta. Maria,
president ng United Artists for Cultural Conservation and Development (UACCD), si Lorenzo
Alonzo de Alberto ay ikinasal noon sa isang batang babae na nagngangalang Paula Florentino.
Ngunit makatapos ang sampung-taon may kinakasama na itong nagngangalang Brigida Quintos
dahil sa hindi raw magkaanak sina Lorenzo at Paula. Naging anak nila sila Narcisa, Teodora,
Gregorio, Manuel, at Jose. Ngunit may mga nagsasabi na si Jose ay tunay na anak nina Lorenzo
at Paula. Maaaring may mga kaganapan raw noon na nagtulak sa mga magkakapatid na
magkasundo na palabasin na tunay na anak si Jose at silang apat ay mga bastardo’t bastarda.
Maaaring itong mga istorya na ito ay isa sa mga rason kung bakit may hidwaan na namamagitan
sa pamilya ng mga Alberto at ng mga Rizal. Maaaring nakadagdag pa rito ang ibang mga usap-
usapan noon na sila Jose Alonzo at Saturnina ay nagkaroon ng relasyon at nagbunga ng isang
anak na ipinakilala na lamang na nakababata nilang kapatid ni Rizal na si Soledad. Maraming
pwedeng maging ugat ng di pa maipaliwanag at itinatago na sikreto ng pamilya at ilan lamang ito
sa mga nakalap ng I-Witness.

Nakakapukaw pansin na may mga ganitong isyu ang istorya ng buhay ng isang bayani
gaya ni Jose Rizal. Hindi naman kasi lahat ng bayani na mayroon tayo ay may ganito kang
mahahagilap na kaalaman patungkol sa kanilang pamilya at pinagmulan. Hindi rin naman
nakapagtataka na may mga pangyayaring di inaasahang dumating sa kanilang pamilya dahil sila
ay mga ordinaryong tao pa rin. Lubos pa rin akong humahanga sa ating pambansang bayani dahil
sa kabila ng pangyayaring ito na maaaring kahit papaano ay nakaapekto sa kanya noong siya ay
bata pa, ay naging isang mabuting ehemplo pa rin sya sa mga kabataan at nagpakita ng
pagmamahal sa bayan kahit sa murang edad pa lamang. Hindi binulag ng sama ng loob o galit
sa mga pangyayari noon ang kanyang puso bagkus dahil na rin siguro ito sa lubos na
pagpapaunawa at pagmamahal ng kanyang ina na si Teodora.

You might also like