You are on page 1of 2

kalakalang galeon

Ang monopolyong kalakalang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol


sa Maynila at sa Acapulco ay tinawag na Kálakaláng Galeón. Noong
1565, si Andres de Urdaneta ay naglayag mula Cebu papuntang
Acapulco at dito niya natuklasan ang ruta mula sa Karagatang
Pasipiko papuntang Mexico. Ipinangalan ang kalakalang ito sa
malalaking barkong galeón na karamihan ay ipinagagawa ng
pamahalaang Espanyol sa lalawigan ng Cavite at sa iba pang bahagi
ng Filipinas sa pamamagitan ng sapilitang pagtatrabaho ng libo-
libong katutubong Filipino.
Bago pa dumating ang mga mananakop na Espanyol, ang mga
Filipino ay mayroon nang pakikipagkalakalan sa mga bansang Tsina,
Hapon, Siam, India, Cambodia, Borneo, at Moluccas. Ipinagpatuloy
ng pamahalaang Espanyol ang relasyong pangkalakalan sa mga
bansang ito, kung kayâ’t ang Maynila ay naging sentro ng komersiyo
sa Silangan. Isinara ng mga Espanyol ang mga pantalan ng Maynila
papunta sa ibang bansa maliban sa bansang Mexico. Dito nagsimula
ang kalakalan ng Maynila at ng Acapulco, na tinawag na Kalakalang
Galeon.

Naging sanhi din ito ng talamak na korupsiyon sa gobyerno.


Napabayaan din lalo ang mga probinsiya dahil ninais ng mga opisyal
na lumahok sa kalakalan. Ang Kalakalang Galeon ay nagtapos noong
1815, ilang taon bago lumaya ang bansang Mexico mula sa
pananakop ng Espanya noong 1821.

You might also like