You are on page 1of 1

MAIKLING KASAYSAYAN NG BARANGAY BAGONG SIKAT

Noong unang panahon ang Barangay Bagong Sikat ay nasasakop sa dalawang


Barangay, hilagang bahagi ay kabilang sa Barangay Bancao Bancao at ang kanlurang bahagi
naman ay kabilang sa Barangay Cuyito, Noong 1970 ang barangay Bagong Sikat ay kinilalang
Liberty dahil sa Liberty Mining Corporation. At noong Marso 23, 1981 ang Liberty ay
pinalitan ng sariling pangalan at ito ay naging kilalang Barangay Bagong Sikat, isa ito sa
mga Coastal Barangay sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Taong 1980 ay mabibilang lamang dito ang mga nanirahan at halos iilan lang ang
kabahayan sa tabing dagat, wala pang kuryente sa tabing dagat at napakahirap ang daanan,
ang lahat ng kalsada ng Barangay Bagong Sikat ay pawang mga lubak-lubak na halos di
madaanan ng sasakyan at hirap sa pagpasok ang ano mang uri ng sasakyan,
Sa panahong iyon ang mga baybayin naman ng Barangay Bagong Sikat ay
napakaganda at malinis, presko ang hangin at malilim dahil malalaking puno ng Bakawan.
Dinadayo ito ng mga taga Centro ng siyudad upang doon maligo at magpahangin dahil sa
panahong iyon ay wala pang mga kabahayan na nakatayo sa tabing dagat, halos wala ring
duming nakikita.
Dumarami ang mga tao sa Lungsod ng Puerto Princesa, mula sa ibat-ibang lugar at sa
kawalan ng lupang matitirikan ay doon na lamang nag tayo ng kanilang tahanan sa baybayin
at maging sa karagatan . Ang dating malinis ay unti-unting nadudumihan at sa tuluyang
pagdami ng tao ay napuno ang baybayin ng kabahayan ang Barangay Bagong Sikat.

 Mga Pista/Selebrasyon at Petsa


:Foundation Day :sa tuwing ika- 23 ng Marso
: Barangay Fiesta :sa tuwingika-13 ng Mayo
Pisikal na Anyo
 Lokasyong Pangheyograpiya (Geographical Location)
Ang Barangay Bagong Sikat ay napalilibutan ng mga sumusunod na barangay:

Hilaga (North) : Barangay Maunlad at Milagrosa


Timog (South) :Karagatan/Barangay Mangingisda
Silangan (East) : Barangay Bancao-Bancao
Kanluran (West) : Barangay Maunlad

ALBERTO M. ALIB
Punong Barangay

You might also like