You are on page 1of 17

ALAMAT NG LANSONES

Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman,


walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw
ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat
gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at
kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa
bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.

Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan.
Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya
pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng
lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na
mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para
lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong
kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita
ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason.
Kumain na kayo." At nawala ang babae.

Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At
naroon nga ang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.
ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng


isang kakaibang lalaki. Ito ay isang engkanto. Masarap mangusap ang lalaki at
maraming kuwento. Nabihag ang babae sa engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto
na buhat siya sa lupain ng mga pangarap, at hindi sila maaaring magkasama.
Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.

Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila.
Nang magpaalam ang engkanto, hindi nakatiis ang babae. Ayaw niyang paalisin ang
lalaki. Maghigpit niyang hinawakan ang kamay ng lalaki para huwag itong makaalis.
Pero nawala ang lalaki, at sa matinding pagkabigla ng babae, naiwan sa kanya ang
kamay nito. Nahintakutan ang babae. Dali-dali niyang ang kamay sa isang bahagi ng
bakuran.

Kinaumagahan, dinalaw niya ang pook na pinagbaunan ng kamay. Napansin niyang


isang halaman ang tumutubo. Makaraan ang ilang buwan, tumaas ang puno na
may malalapad na dahon. Nagkabunga rin ito na may bulaklak na itsurang daliri ng
mga kamay. Ito ang tinatawag na saging ngayon.
ALAMAT NG MANGGA

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si
Ben. Nagmana siya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw,
isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay,
ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang
matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng
damit.

Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-


asawa na pagalingin ang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang
ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating
ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang
bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami
ang nakikinabang ngay
ALAMAT NG MAKOPA

Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong
o batingaw silang nagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng
mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar.
Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang
lugar na malapit sa gubat.

Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan


hanggang maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong.
Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon
ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong.

Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao.
Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may
bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at
tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang
makita ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon
ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng puno.
Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng kanilang kasaganaan.
Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na
bungang hugis kampana ang mga taong-bayan.
ANG ALAMAT NG HIPON

Noong unang panahon, ang mundo ay sagana sa likas na yaman. Walang puno ang hindi hitik sa bunga. Walang ilog ang
hindi puno ng isda. Ang mga hayop sa gubat ay naglipana din. Dahil dito ang mga tao ay laging may mga piging. Ito ay
alay nila bilang pasasalamat kay Bathala. Lahat ng tao, bata man o matanda, lalake at babae, ay tumaba. Tumaba sila ng
tumaba hanggang sa tuwing maliligo kahit na pa tatlong tao lang sa sapa ay umaapaw agad tubig.
Ngunit may isang bata ang may bulate kaya lagi siyang walang gana. Habang lumolobo ang mga binti ng ate nya at
nagkakagilit-gilit ang leeg ng kuya niya, siya ay lumaking seksi. Ang pangalan niya ay Ipong.
Maganda si Ipong. Huwag lang haharap. Dahil kung anong ganda ng katawan ay siya namang pagkaimpakto ng mukha.
Ang labi niya ay isang dipang kapal. Ang ilong nya ay matangos naman ngunit bukaka ang mga butas. Ang mga mata
niyang banlag ay animo'y laging gulat.
Isang araw naglalakad si Ipong papuntang piging ng may bigla siyang nakasalubong na babaeng humihingi ng limos. Ito
na yata ang pinakamatabang babae na nakilala niya. Dahil sa pandidiri ay nilayuan niya ito pero ang pulubi ay humabol at
nagmakaawa.
"Aba'y lintek na babaeng ito! Ang langis mo! Paano na ako magugustuhan ni Pedro nyan!" ani ni Ipong sabay hawi ng
buhok.
Nang biglang lumindol at nawala ang matabang babae, isang diwatang ubod ng ganda ang lumitaw sa harap niya.
"Ako si Minervie! Ang dyosa ng dagat! Dahil sa kasamaan mo, parurusahan kita! Simula ngayon, hindi ka na maglalakad
sa lupa. Ikaw ay magiging isang nilalang sa karagatan.."
Biglang lumiwanag ang paligid at si Ipong ay naging hipon. Hanggang ngayon, makikita sa likod ng hipon ang bulate na
nagmistulang sumpa nung hibi pa si Ipong.
Alamat Ng Pinya

Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog. Maraming nagsasabi na ito
raw ay magaling na pantunaw lalo na kapag bagong kain tayo. Kung bakit maraming mga mata at kung bakit pinya
ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat.
Sa isang malayong pook ng lalawigan don nakatira ang mag-inang si Aling Osang at si Pina na kaisa-isang anak.
Palibhasa bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtatrabaho ng lahat ng gawaing
bahay. Ang katuwiran ng ina ay "maliit pa naman si Pina." Marahil ay paglumaki na ay gagawa rin siya. Kung kaya
ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin kay Aling
Osang.

Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na nito ang katamaran. Kaya sa malimit na
pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa'y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya
na ang gumagawa.
Hanggang isang araw si Aling Osang ay nagkasakit at halos na nakahiga na lamang. "Naku! ang nanay ko, bakit ka
nagkasakit?" ang tanong ni Pina. "Ewan ko nga ba," ang wika ng ina, sabay utos na kung puwedeng ipaglugay nito
ang nanay. Sinunod naman nito ang utos ng ina at sa ilang saglit ay inihain na ito ni Pina, ngunit mamait-mait
sapagkat ito'y sunog. Ganun pa man ay natuwa na rin ang ina pagkat kahit papaano siya'y napagsilbihan ng anak.
Tumagal ang sakit ni Aling Osang ngunit nagrereklamo na si Pina na pagod na raw ito sa paglilingkod sa ina.
Isang umaga, si Pina'y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok. "Saan kaya naroroon
ang sandok?" ang sambit nito.
"Hanapin mo, naririyan lamang yan," ang sagot ng ina.
"Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh ! Talagang wala!" ang muling sabi ng anak.
"Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata ng makita mo ang hinahanap mo! ito talagang anak ko,
walang katiyaga-tiyaga," ang sabi naman ng ina.
"Marami naman kayong sinisermon pa" ang wika ng anak sabay panaog. Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa
silong at baka nahulog.
Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya na parang bula na naglaho at walang
nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang.
Hinanap ng ina ang anak ngunit talagang hindi na nakita.
Isang araw, sa may bakuran ay mataman na nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya ng makita nito ang
tumubong halaman sa malapit sa kanilang tarangkahan. Dinilig niya ito at inalagaan araw-araw. Di nagtagal at
nagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. tuloy naalala nito ang sinabi niya sa kanyang anak.
At bigla na lang nawala ang kanyang maal na anak ng mga sandaling iyon.
Ang Alamat ng Papaya

Si Payang ay anak ng isang mayamang mag-asawa mula sa Laguna. Ipinagkasundo siya ng ama't ina sa
anak na binata ng pinakamayamang angkan sa kanilang lalawigan.

Lingid sa mga magulang ay may nobyo na ang dalaga. Ito si Pepe, isang magsasaka.

Nagpasyang magtanan sina Pepe at Payang upang hindi mag-kahiwalay. Ngunit natuklasan iyon ng ama
ni Payang at ipinahabol sa mga tauhan ang dalawa.

Nang abutan sila ay ipinabugbog ng ama ni Payang si Pepe sa dalawang tauhan nito at iniwang duguan.
Si Payang naman ay sapilitang iniuwi sa kanilang bahay at ikinulong sa sariling silid.

Isang matanda ang nakatagpo kay Pepe. Sa pag-aaruga nito ay unti-unting bumalik ang lakas ng binata.

Ngunit huli na. Nalaman ni Pepe na namantay si Payang sa lungkot at sama ng loob.

Nagluksa ang binata at halos araw gabing umiyak. Nang tuluyang gumaling si Pepe ay agad tinungo ang
libingan ni Payang.

Sa libingan ni Payang ay may nakita si Pepe na halamang tumubo malapit sa puntod. Tila nababantay
ang halaman sa ulilang puntod ng dalaga.

Inalagaan ni Pepe ang halaman hanggang mamulaklak at mamunga. Nang mahinog ang prutas nito ay
kanyang tinikman. Nasarapan siya sa lasa nito. Naalala ni Pepe ang nobyang si Payang dahil sa punong
iyon.

Ang bunga ng puno ay tinawag niyang Payang. Nang lumao


Alamat Ng Ampalaya

Noong unang panahon, sa bayan ng mga gulay, ang lahat ay may kanya kanyang katangian.
Ang kalabasa ay may kakaibang tamis, ang kamatis ay may asim at makinis na kutis, ang luya ay may
kakaibang anghang, ang labanos ay may sobrang kaputian, ang talong ay may lilang kulay, ang mustasa
ay luntian.
Ngunit may isang gulay na may kakaibang anyo. Ito ay si ampalaya. Siya ay may maputla at may lasang di
maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si ampalaya kundi ikumpara ang sarili sa ibang gulay.
Isang araw, nagplano si ampalaya na kuhanin ang taglay na katangian ng ibang gulay. Nang sumapit ang
gabi, naisakatuparan nya ang balak. Isinuot nya ang taglay na katangian ng lahat ng gulay.
Tuwang tuwa si ampalaya sakapagkat ang dating di pinapansin ay pinag kakaguluhan na ngayon.
Ngunit walang lihim na di mabubunyag, napagkasunduan ng lahat ng gulay na sundan ang kakaibang
gulay.
Dito nila nalaman na ang magandang gulay ay walang iba kundi si ampalaya. nagalit ang lahat at si
ampalaya ay iniharap sa diwata ng lupain.

Bilang parusa, ang balat ni ampalaya ay kumulubot at ang lasa sa loob ng kanyang katawan ay
naging mapait na dulot ng pag hahalo halo ng lasa ng ibang gulay.
Ang Alamat ng Maya

Ibong Maya

Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa
niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina.
Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop
ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng
bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata
ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang
mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng
taguan, wala rin si Rita roon.

Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa
loob. Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag
ngayong maya.

You might also like