You are on page 1of 20

PAMUMUHAY NANG

WALANG RABIES

Mga larawan ni Mary Faye D.V. Matuguinas


UNANG BAHAGI

Mahahalagang
Impormasyon
tungkol sa Rabies
POINTS FOR DISCUSSION
For Grades 4 – 6

• Ano ang virus?


• Ano ang ibig sabihin kapag walang lunas ang isang sakit?
• Ano ang mammal?
• Ano ang ibang hayop na pwedeng magkaroon ng rabies?
• Ano ang mga hayop na hindi magkakaroon ng rabies?

For Grades 7 – 10

• Ano ang virus?


• Bigyan diin na iba ang virus sa bacteria. Ang mga sakit o
karamdaman na dulot ng bacteria ay maaaring magamot ng
antiobiotics ngunit ang sakit na sanhi ng virus ay magagamot ng
antivirals. Subalit, walang gamot o lunas ang rabies kaya ito ay isa sa
mga pinaka nakamamatay na sakit sa mundo.

Page 1
Ano ang RABIES ?
• Nakamamatay na sakit sanhi ng
rabies virus.
• Naaapektuhan nito ang utak at
wala itong lunas.
• Naisasalin ito sa iba sa
pamamagitan ng laway galing sa
may rabies na hayop o tao.
• Ito ay sakit na puwedeng
makuha ng mammals.

1
POINTS FOR DISCUSSION
For Grades 4 – 6

• Base sa larawan tukuyin ang pathogen, host at mode of


transmission.
• Bukod sa kagat, ano ang ibang paraan na maaaring malapatan ng
laway ng hayop ang tao?

For Grades 7 – 10

• Base sa larawan tukuyin ang pathogen, host at mode of


transmission.
• Bukod sa kagat, ano ang ibang paraan na maaaring malapatan ng
laway ng hayop ang tao?

Page 2
PAANO NAKUKUHA
ang rabies?
1. Papasok ang virus sa katawan sa
pamamagitan ng laway ng hayop na
may rabies.

2. Bahagyang magpaparami
ang virus sa lugar ng kagat at
aakyat ito sa utak.
2
POINTS FOR DISCUSSION
For Grades 4 – 6

• Ano ang salivary gland?


• Ano ang mapaparalisa?

For Grades 7 – 10

• Ano ang salivary gland?


• Bigyang diin na sa central nervous system lamang dumadaan ang
virus at hindi sa dugo o circulatory system.

Page 3
PAANO NAKUKUHA
ang rabies?
3. Magpaparami
ang virus sa utak at
kakalat sa ibang bahagi
ng katawan gaya
ng salivary glands.
Magpapakita na ng
sintomas ng rabies ang
nahawaan matapos ang
1 – 3 buwan.

4. Mapaparalisa ang
biktima hanggang
tuluyang mamamatay
isang linggo matapos
magpakita ng sintomas.

3
POINTS FOR DISCUSSION
For Grades 4 – 6

• Ipaliwanag na kaya natatakot sa hangin, tubig at liwanag ang


pasyente ay dahil sa pag atake ng virus sa utak. Ito ang nagsasanhi ng
pagiging sensitibo sa iba - ibang bagay ng may sakit na rabies.

For Grades 7 – 10

• Ipaliwanag na kaya natatakot sa hangin, tubig at liwanag ang


pasyente ay dahil sa pag atake ng virus sa utak. Ito ang nagsasanhi ng
pagiging sensitibo sa iba - ibang bagay ng may sakit na rabies.

Page 4
Ano ang SENYALES
ng rabies?

Pananakit ng ulo Takot sa tubig

Takot sa hangin
4
Takot sa liwanag
POINTS FOR DISCUSSION
For Grades 4 – 6

• Bigyang diin na marami ang parehas na senyales ng rabies sa mga


hayop at tao.
• Bigyan rin diin na hindi parating agresibo ang tao o hayop na may
rabies.

For Grades 7 – 10

• Bigyang diin na marami ang parehas na senyales ng rabies sa mga


hayop at tao.
• Bigyan rin diin na hindi parating agresibo ang tao o hayop na may
rabies.

Page 5
Ano ang SENYALES
ng rabies?

Matamlay o Nangangagat ng
Agresibo kung anu-ano

Matinding
paglalaway Takot sa liwanag 5
POINTS FOR DISCUSSION
For Grades 1 – 3

• Bakit importante na dumadaloy ang ginagamit na tubig pang hugas ng


sugat?
• Bakit kailangan 15 minuto hugasan ang sugat?

For Grades 4 – 6

• Bakit importante na dumadaloy ang ginagamit na tubig pang hugas ng


sugat?
• Bakit kailangan 15 minuto hugasan ang sugat?

For Grades 7 – 10

• Bakit importante na dumadaloy ang ginagamit na tubig pang hugas ng


sugat?
• Bakit kailangan 15 minuto hugasan ang sugat?

Page 6
Ano ang DAPAT GAWIN
kapag NAKAGAT ng
hayop?

HUWAG KUMUNSULTA
SA ALBULARYO O
MAGPATANDOK

1. Hugasan agad ang sugat ng



sabon at dumadaloy na tubig
ng 15 minuto. 6
POINTS FOR DISCUSSION
For Grades 1 – 3

• Bigyan diin na ang pinakaimportanteng kelangan gawin kapag nakagat


o nakalmot ng hayop ay magsabi sa mga magulang o ibang nakatatanda
upang madala sa pinakamalapit na treatment center.

For Grades 4 – 6

• Saan ang pinakamalapit na treatment center?


• Bakit hindi dapat kumunsulta sa albularyo o magpatandok?
• Bakit hindi pwede ang traditional medicine tulad ng bawang?

For Grades 7 – 10

• Saan ang pinakamalapit na treatment center?


• Bakit hindi dapat kumunsulta sa albularyo o magpatandok?
• Bakit hindi pwede ang traditional medicine tulad ng bawang?
• Ano ang gagawin sa pasyente sa Animal Bite Treatment Center?

Page 7
Ano ang DAPAT GAWIN
kapag NAKAGAT ng
hayop?

2. Pahiran ng
tintura de yudo
(tincture of iodine) o
anumang gamot na
pangsugat.

3. Kumunsulta
agad sa doktor o sa
pinakamalapit na
Animal Bite Treatment
Center (ABTC).

HUWAG KUMUNSULTA SA
ALBULARYO O MAGPATANDOK 7
POINTS FOR DISCUSSION
For Grades 7 – 10

• Bakit hindi dapat patayin agad ang hayop na nakakagat?


• Bakit kelangan sumangguni sa Municipal Agricultural Office o City
Veterinary Office upang hulihin ang hayop?

Page 8
Ano ang DAPAT GAWIN
sa NAKAKAGAT na
HAYOP?

1. Huwag patayin ang



hayop! Sumangguni sa
Municipal Agriculture Office
o City Veterinary Office
upang hulihin ito.

8
POINTS FOR DISCUSSION
For Grades 7 – 10

• Anong senyales ang kelangan obserbahan habang nakakulong o tali


ang aso? (Refer to discussion on Page 5)
• Paano alagaan ang suspected rabid dog?
• Bakit kelangan sumangguni sa Municipal Agricultural Office, City
Veterinary Office o Provincial Veterinary Office kapag namatay o
nagkasakit ang aso?
• Saan ang pinakamalapit na beterinaryo dito?
• Ano ang gagawin sa aso kung ito ay namatay?
• Ano ang gagawin sa aso kung hindi ito namatay pagkatapos ng 14 na
araw?

Page 9
Ano ang DAPAT GAWIN
sa NAKAKAGAT na
HAYOP?
2. Itali o ikulong ang
hayop at obserbahan
sa loob ng 14 na
araw. Tignan kung
magbago ang ugali
nito o kung mukha
itong may sakit.

3. Kapag namatay
ang hayop sa loob
ng 14 na araw,
sumangguni sa
beterinaryo upang
masuri kung may
rabies ito.
9

You might also like