You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon

La Salle University, Ozamiz City

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasaang:
a. Nakakikilala sa kumunikasyong berbal,
b. Nakagagawa ng isang presentasyong gamit ang komunikasyong berbal,
c. Nakapapaliwanag sa kahalagahan ng komunikasyon.
II. Paksang Aralin: Komunikasyong Berbal
Teksbuk: Diwa ng Wika at Panitikan 7
Ni: Eugene Y. Evasco
Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Nina: Mag-atas, R. et al
www.wikipedia.com

III. Kagamitan: kagamitang biswal, cellphone

IV. Pamaraan: Paglalahad

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Paghahanda

Magandang hapon, grade 7! Magandang hapon din po, Bb.


Centizas!

Kamusta naman kayo sa hapong ito, klas? Mabuti naman po!

Masaya akong marinig iyan, klas.

Ngayon, handa na ba kayo sa bagong paksa na ating tatalakayin? Opo!

Kung ganoon, ipakita niyo sa akin na kayo’y handa na. Ayusin (Gagawin ng mga mag-aaral)
ninyo ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat sa sahig.

Bago ang lahat klas ay nais kong ipakilala ang aking mga
alituntunin.

1. Makinig nang mabuti.


2. Iwasan ang makipagdaldalan sa katabi.
3. Marunong rumespeto.

Maliwanag ba klas? Opo!


1. Pagbabalik-aral

Klas, noong nakaraang tagpo ay tinalakay ninyo ang bugtong. Ang bugtong po aygumagamit ng
Ano nga ulit ang bugtong, klas? talinghaga, o mga metapora sa
pagsasalarawan ng isang partikular
na bagay.
Tama!
Ngayon, upang matukoy ko kung talagang naunawaan niyo nga
an gating tinalakay noong nakaraan, may inihanda akong gawain
para sa inyo.

(Ipakikita ng guro)

Panuto: Tukuyin ang sagot ng bawat bilang. Mga Posibleng Sagot:

1. Kung kalian ko pinatay humaba ang buhay. 1. Kandila


2. Hindi linggo, hindi pista, nakaladlad ang bandera. 2. Sampayan
3. Tumakbo si Tarzan, bumuka ang daan. 3. Zipper
4. Dalawang batang itim, malayo ang nararating. 4. Mga mata
5. Maliit na bahay, puno ng mga patay 5. Posporo

(Tumawag ang guro ng ilang estudyante para sagutin ang (Sinimulan ng sagutin ng mga
katanungan.) estudyante ang katanungan.)

Okay klas, sa inyong ginawang Gawain, kayo ay nakakuha ng


limang puntos.

Dahil diyan klas, dapat kayong bigyan ng lasalyanong palakpak. (Nagpalakpakan)

2. Pagganyak

May ipapakita ako rito, klas.

(Ipapakita ng guro)

Ano ba ang hawak ko, klas? Ang hawak niyo po ay isang


cellphone.

Tumpak!
Ano ba ang gamit ng cellphone, klas? Ang cellphone ay ginagamit sa
pangkomunikasyon.

Ano ba ang komunikasyon para sa inyo? Ang komunikasyon ay isang


paraan upang magkaunawaan ang
dalawang tao.

Magaling!
Alam niyo ba klas na may uri ng komunikasyon? Hindi po!

Gusto niyo bang malaman ang isa sa mga uri nito? Opo!
Mabuti naman.

3. Paglalahad ng Bagong Aralin

Ngayong hapong ito ay tatalakayin natin ang Komunikasyong


Berbal.

Nais kong making kayo nang mabuti dahil pagkatapos ng


talakayan kayo ay inaasahang:

a. Nakakikilala sa komunikasyong berbal,


b. Nakagagawa ng isang presentasyon gamit ang komunikasyong
berbal, at
c. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng komunikasyon.

Maliwanang ba, klas? Opo, titser!

B. Pagtatalakay

Araw-araw sa ating buhay ay gumagamit tayo ng wika sa Opo naman, titser.


pangkomunikasyon?

Kung ganoon, ano ba para sa inyo ang komunikasyon? Ang komunikasyon ay paraan ng
paghahatid ng mensahe sa bawat
tao.
Mahusay!
Kailan ba natin masasabi na may komunisayon? May komunikasyon kapag may
isang bagay na nagpapalitan ng
impormasyon o mensahe sa bawat
tao.
Magaling!
Ano ba ang intrumentong, gagamitin natin sa komunikasyon? Ang instrumentong gagamitin ay
ang wika.

Tumpak!
Klas, upang lubusan niyong maunawaan ang tungkol sa
komunikasyon, narito ang kahulugan nito.

Komunikasyon

a. Paraan ng paghahatid ng impormasyon


b. Pagbabahagi ng mga kaisipan
c. Pagbibigay ng saloobin buhat sa isang tao patungo sa iba pang tao

Basahin sabay-sabay (Babasahin)

Ngayon naman, matapos nating bigyang kahulugan ang Ang komunikasyong berbal ay ang
komunikasyon, paano niyo naman mabibigyang kahulugan ang pagpapalitan at pakikipag-usap,
komunikasyong berbal? pasalita man o pasulat.

Tumpak! May ideya kayo, klas.


Ngayon, para maintindihan niyo talaga ito, may kahulugan akong
ipapakita sa inyo.

Komunikasyong Berbal
- Ang pagpapalitan at pakikipag-usap sa pamamagitan ng
pagsasalita at pasulat na pagpapahayag.

Maaari bang basahin sabay-sabay. (Babasahin)

Nauunawaan ba? Opo!

May mga katanungan pa ba kayo? Wala na po.

C. Paglalapat

Pasikatan

Mekaniks:

1. Ang klase ay ipapangkat sa lima.


2. Bawat pangkat ay magkakaroon ng presentasyon ukol sa temang
pagbibigayan at pagpapatawad.
3. Bubunot ng isang gawaing paghahandaan.
4. May limang minuto para sa pag-eensayo at tatlong minuto para sa
presentasyon.

Rubriks:

Batayan Napakahusay Mahusay Di gaanong


(5 puntos) (3 puntos) mahusay
(2 puntos)
1. Nilalaman Naipaliwanag at Naipakita ang Di gaanong
naipakita ang lahat lahat na dapat nakita ang
ng dapat tunguhin lamanin ng dapat
ng proyekto. proyekto lamanin ng
ngunit kulang proyekto at
sa paliwanag. dapat na
ipaliwanag.
2. Kaisahan Lubos na Nagpamalas Di gaanong
ng pangkat nagpamalas ng ng kaisahan nagpamalas
kaisahan ang bawat ang bawat ng kaisahan
miyembro sa miyembro sa ng bawat
pangkat. pangkat. miyembro
sa pangkat.
3. Naging maayos, Maayos ang Di gaanong
Presentasyon maliwanag at presentasyon maayos ang
mahalaga ang subalit kulang presentasyo
kabuuang sa n at kulang
presentasyon. mahahalagang ang mga
datos. datos.
4. Malinaw at ankop Malinaw ang Di gaanong
Kaangkupan sa paksa ang mga malinaw
ng presentasyon. impormasyon ang mga
impormasyon subalit kulang impormasyo
sa n na nais
kaangkupan. ipahiwatig.

Pagpapahalaga

Klas, may pagkakataon ba sa inyong buhay nakung saan wala Opo!


kayong kumunikasyon sa isang tao?

Ano ba ang nangyari? Nawalan kami ng komunikasyon


dahil nagpalit po ng numero ang
kaibigan ko kaya hindi ko na siya
na kontak.

Naiparating mob a sa kanya ang nais mong ipahayag? Hindi po!

Ano ang nangyari sa inyong relasyon? Naputol po ang aming


komunikasyon kaya hanggang
ngayon wala na kaming balita sa
isa’t isa.

Kung ganoon, mahalaga ba, para sa inyo ang komunikasyon? Opo naman!

Bakit, klas? Mahalaga ito upang


magkaunawaan ang bawat tao.

Napakahusay!

V. Takdang-aralin

Panuto: Sa isang short bondpaper, sumulat ng isang liham para sa


inyong mga magulang upang iparating ang inyong pasasalamat at
pagmamahal. Siguraduhing mababasa ito ng inyong mga
magulang at palagdaan ito. Ipasa ito ngayong ika-19 ng Hunyo
taong 2015, Byernes.

You might also like