You are on page 1of 1

High Zoociety

Ni: Virgilio Almario (Rio Alma) Samantala, matatalinong kuwago'y naghihilik,

Malalaki nga ang mata'y lagi namang pikit;

Masdan mo ang tagak sa likod ng kalabaw, Marahil, bagong paraiso ang laman ng
panaginip.
Parang birheng-birheng manang

Na di madapuan ng langaw
Di tulad ng buwayang laging abala
Sa ibabaw ng karosa patungong simbahan;
Sa paghanap ng kahit butiking mabibiktima,

Bundat na'y lagi pa ring nakanganga.


At ang mga dekadenteng gansa sa gilid ng lawa,

Maluluma ang mga donyang nakahilata


Pero higit na mag-ingat sa hunyango't ahas
Habang ibinibilad ang kuko at muta.
Na sa damuhan ay nagkalat;

Tuwing maghuhunos ng kulay at balat,


Hayun ang mga maryakaprang paawit-awit!
Pakay ay kay-hirap madalumat.
Parang mga binibining umiikot ang puwit,

Sa bulwagang hitik sa masalapi't makikisig;

At ang mga burukratang unggoy

Sa tuktok ng mala-palasyong kahoy,

Pulu-pulutong kung magpulong

Kung paanong mas lalapad and papel at


tumbong.

Naghahari't matitikas na oso't agila,

Nagkikikil lang ng kuko't pangil tuwing umaga

Para isakmal sa karne't isuob na barya

Kaya tumatambok ang tiyan at bulsa.

You might also like