You are on page 1of 1

SUMINTAC, EARL PHILIPPE CEASAR S.

FILIPINO I
BS Mar. E II - ALPHA

FIRE PREVENTION MONTH

Ngayong taon ay ika-50 Fire Prevention Month, na may temang


“Kaalaman at Pagtutulungan ng Mamamayan, Kaligtasan sa Sunog ay
Makakamtan.” Umapela ang Bureau of Fire Protection (BFP), na nangunguna
sa mga programa, sa mamamayan, mga lokal na opisyal, mga eskuwelahan,
mga kumpanya, at mga komunidad na maging alerto, mapagmatyag, at
makiisa sa kampanya ng ahensiya upang maiwasan ang mga sunog.

Ang BFP ng Department of Interior and Local Government ay itinatag sa


bisa ng Republic Act 6975 upang mapigilan ang mga mapaminsalang sunog
sa mga gusali, bahay, kagubatan, sasakyan, nakadaong na barko at pasilidad
ng industriya ng petrolyo; at ipatupad ang Fire Code of the Philippines. Ang
Special Rescue Unit nito ay binubuo ng mga bombero na sumailalim sa
espesyal na pagsasanay upang magsagawa ng mga rescue operation, at
magkasa ng wastong pagtugon, hindi lamang sa mga sunog, kundi maging sa
mga kalamidad at iba pang emergency. Ang programa nito ay nagkakaloob
ng mas maraming fire truck sa mga lokal na pamahalaan.
Ang laban kontra sa mapaminsalang sunog ay hindi lamang
responsibilidad ng mga bombero; ang mga opisyal at mamamayan ay
hinihikayat na makibahagi sa mga programa upang maprotektahan ang mga
buhay at mga ari-arian. Karamihan sa mga sunog ay nangyayari sa bahay,
partikular na sa matataong lugar, at sa lugar ng trabaho, na kadalasang dahil
sa maling pagkakabit ng kuryente, kawalan ng insulation, at octopus o sala-
salabat na koneksiyon, na maiiwasan kung alam ng mga tao kung paano
makaiiwas sa sunog.
Ang Marso, simula ng tag-init, ay may mataas na tala ng sunog, ang ilan
ay nauuwi pa sa trahedya. Mahigit 8,000 sunog ang naitala sa bansa noong
nakaraang taon. Ang mga sumusunod na paraan ay inirerekomenda: Ilagay
ang numero ng telepono ng pinakamalapit na istasyon ng bombero sa
telepono; bawasan o tuluyang alisin ang combustible materials sa
pamamagitan ng paglilinis; itago ang posporo sa lugar na hindi maaabot ng
mga bata; iwasang ilapit sa kurtina ang gasera at kandila; huwag mag-imbak
ng mga kemikal na madaling magliyab, gaya ng gasolina, alcohol, at pintura,
sa loob ng bahay; regular na inspeksiyunin ang mga electrical installation;
iwasang mag-overload sa outlet ng kuryente; huwag papalitan ng alambre o
barya ang mga nasirang fuse; huwag magpapabaya sa sinindihang sigarilyo;
at laging ihanda ang first aid kit.

You might also like