You are on page 1of 1

Capalaran, John Dextin January 28, 2020

12 - Ecru Dekada 70’ Reflection

Ang kwento na ito ay kwento ng isang ina na may limang anak na lalaki, dito ay ipinakita
ng ina kung paano sya maging ina sa kanyang mga anak at kung paano nya ito bibigyan
ng gabay. Lumaban sya para sa kalayaan ng bansa sa pangaalipin ng mga kano. Itoy
panahon pa ni Former President Marcos ng magdeklara sya ng Martial Law dahil di
umano ay grabe na ang nangyayari sa bansang Pilipinas, may mga kabi kabilang
pagsabog, karahasan at patayan na sya rin naman ang may gawa.

Ang panganay na anak na lalaki ay nakisama sa mga raliyista at grupo ng mga


tumataligsa sa ating pangulo, ngunit sya ay nahuli at pinagbubugbog. Ang pangalawa
naman sa panganay ay naging US Navy kaya nagalit ang kanilang panganay dahil gusto
ng panganay ay maging maka pilipino sila. Ang writer naman sa pamilya nila na pangato
ay nagsusulat tungkol sa pagmamahal sa bayan. At ang pang apat ay pinatay sa hindi
alam na dahilan at may bunso pa silang kapatid.Ang magkakapatid ay nag samasama
noong burol ng kanilang kapatid at kalaunay nakalaya din ang panganay. Nasubok ang
tatag ng kanilang pamilya at ang magkakapatid ay nag dadamay damay parin sa isat isa
at nagmamahalan kahit anong problema ang mangyari.

Dito ay nakita ang pagmammahalan ng isang totoong pamilya. Ina lang ang
makakaintindi sa lahat ng sitwasyon na ating dadaanin. Sya rin ang tutulong kung paano
tayo mahubog bilang totoong tao.

Napakita dito ang mga karahasan ni Marcos noong kanyang panahon at kung anong nga
nangyari sa mga tao habang sya ang presidente. Ngayon ay sanay wag na tayong mag
bulagbulagan pa at itama natin ang mga maling nagagawa ng kasalukuyang
administrasyon. Ikaw, bilang mamamayan ng bansang pilipinas ay kaya mong baguhin
ang mga mali na iyong nakikita at itama ito para sa nakararami.

You might also like