You are on page 1of 11

Mga Elemento ng Pelikula at

Gabay sa Pagsulat ng Suring


Pelikula

Mr. John Kier D. Aquino


I. Kuwento/Banghay (Story/Plot)

 Ang pelikula ay isang kuwento – may simula, gitna, at


wakas. Isulat sa rebyu ang sa tingin mong
pinakamahalagang eksena sa iyo. Maaari ring ibuod
ang buong kwento. Huwag lamang ibibigay ang
kapana-panabik na mga eksena lalo na ang wakas ng
kuwento.
II. Karakter (Bida/Kontrabida)

 Magkomento kung naging epektibo ba ang karakter


ng aktor/artista sa pelikula. Ihambing din ang dating
pinagbidahang pelikula ng bida/artista. Naging mas
maayos ba ang pagganap? Banggitin din ang ibang
natatanging pagganap ng ibang karakter/artista sa
pelikula.
III. Lunan at Panahon (Setting)

 Bigyang pansin din ang lugar na pinagdausan ng


pelikula. Angkop ba sa kuwento? Naging matipid ba o
magastos sa produksyon? Naging makatotohanan ba
ang depiksyon sa panahon?
IV. Sinematograpiya

 Ito ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit


ang kamera na isinasaalang-alang ang mahusay na pagpili
ng lokasyon at paggamit ng ilaw. Ang magagandang
lokasyon o ang mga angkop na lugar para sa mga eksena
ang siya ring nagpapatingkad sa imortalidad ng pelikula.
Subukang magkomento tungkol sa sinematograpiya ng
pelikula. Ano-anong eksena ang tumatak sa isip mo dahil
sa mahusay na paggamit ng kamera, ilaw at lokasyon?
V. Iskoring ng Musika

 Ang iskoring ang nilalapat na musika, instrumental man o


may liriko sa pelikula. Instrumental kung walang liriko o titik
ng awitin, ginagamit ang gitara, piano o isang buong
orkestra. Samantala, uso naman ngayon ang paggamit ng
mga sikat na awitin bilang musika rin ng pelikula. Kadalasan
ito na rin ang titulo ng pelikula o ang mang-aawit ang siya
ring bida sa pelikula, tulad ni Sarah Geronimo.
VI. Editing

 Nangyayari ito kapag tapos na ang syuting o aktuwal na


rekording ng pelikula. Ang editor ang nagtatahi ng
pagkakasunod-sunod ng eksena, kuwento at kabuuan ng
pelikula. Kapag ginagawa kasi ang pelikula hindi batay sa
pagkakasunod-sunod sa iskrip kundi sa maraming aspekto –
badyet ng pelikula, oras ng nagsisiganap, mahihirap-
madadaling eksena, at marami pang iba.
VII. Kabuuang Direksyon / Kahusayan
ng Direktor

 Hinuhusgahan ang kabuuan ng pelikula dahil sa husay ng direktor.


Siya ang kapitan sa produksyon ng pelikula, ang utos at kumpas
niya ang nasusunod sa syuting at maski sa usapin ng teknikal,
iskoring, sinematograpiya at editing. Ngunit hindi niya pag-aari ang
buong pelikula. Ang scriptwriter pa rin ang maestro ng naratibo at
ang prodyuser ang nagmamay-ari ng buong produksyon at
komersyal na aspekto ng pelikula. Ang direktor ang dakilang
interpreter ng script at artistikong tagapamahala ng prodyuser.
VIII. Tema

 Tumutukoy ito sa pangkalahatang konsepto ng palabas at


ang inaasahang epekto nito sa manonood. Halimbawa
kung ang tema ng pelikula ay tungkol sa karahasan sa
kababaihan, layunin nito na pukawin ang atensyon ng
madla tungkol sa isyung ito at magsilbing tulay upang
makapagnilay o kumilos ang manonood.
IX. Rekomendasyon

 Sa kahuli-hulihan, banggitin ng tagasuri kung papasa ba


ito sa panlasa ng nakararami. Irerekomenda ba itong
panoorin ng lahat? Kung hindi lahat, sino kaya ang
magkakainteres sa pelikulang ito? Banggitin din ang
pinakamalakas na puntos ng pelikula at ang kahinaan
nito. Ano ngayon ang magiging rating mo sa pelikula?
X. Repleksyon

 Ilahad dito ang naging epekto sa iyo ng pelikula. Paano


makakatulong sa iyo ang pelikula? Anong damdamin ang
nangibabaw sa iyo habang pinapanood ang pelikula. Ano
ang iniwang marka o mensahe sa iyo ng pelikula? Anong
aral sa buhay ang iyong nakita sa pelikula? Ilahad pa ang
iyong personal na opinyon hinggil sa pelikula.

You might also like