You are on page 1of 2

Sarah Shine Torres Impormatibo at Nanghihikayat

11 STEM-2 na Talumpati

Balik Tanaw

Cellphone, tablet, Ipad, laptop. Iilan lamang ito sa mga gadyet na


ginagamit. Mga gadyet na idinidikdik sa atin ng Sistema ngunit pilit nilalayo
satin ng ating mg magulang.Kaya ako’y napapaisip, “Paano kaya namuhay
ang ating mga magulang noong wala pang teknolohiya?”, “Ganito rin baa
ng kanilang pamumuhay? O mas nagging produktibo sila noon?” “Ano kaya
ang pakiramdam na mabuhay sa sibilisasyon?”.

Kapatagan, mga karwahe, gubat at ilog na kay gandang pagmasdan.


Halos saang sulok makikita ang mga taniman. Mga batang naglalaro pa ng
tumbang preso at piko. Mga tawana’y maririnig sa palengke habang nag-
uusap ang magkumare. Mga burol na puwede pang paliparan ng
saranggola. Mga gubat na mahangin at paboritong lugar para maglaro ng
tagu-taguan. Mga panahong tayo’y nasasabik sa paparating na sulat.
Maamoy ang mga sobre at Makita ang sulat kamay ng ating mahal sa
buhay. Mga panahong maaari pang maglaro sa mga kalsada at umakyat at
magpabitin-bitin sa mga puno. Mga panahong gusto kong ibalik. Mga
panahong baka hindi na maibabalik. Mga panahong hindi na mararanasan
ng susunod na henerasyon. Ang panahong pinoproblemahan lang ng mga
kabataan ay kung paano matulog sa hapon, hindi ang kanilang caption.
Ang panahon ng totoong dalagang pilipina at hindi lang sa kanta.

Tayo’y magbalik tanaw sa mga panahong wala na’t hindi na


maibabalik. Mahirap ng makamit dahil sa ganid ng mga tao. Mga
kayamanang gusting maangkin, hindi na isinaantubili ang mga
konsekwensiya. Korapsiyon ditto, krimen doon. Mga nagagawa ng sakim,
hindi na mahulaan. Ang sobrang katalinuhan ay nakakasama.
Teknolohiyang sana ay makakatulong sa ating umunlad, nakakatulong din
para tayo’y mapabagsak. Mga bata’y imbis maglaro at makihalubilo sa
ibang bata’y naglalaro ng tablet at Ipad. Mga tao sa hapag hindi na nag
uusap. Telepono nalang ang inaatupag. Mga kabataan marami nang alam
at ginagawang kabolastugan. Mga gusali’y nakatayo sa dating taniman.
Makapal na usok sinisira ang mundo. At ito’y kagagawan ng mga tao. Mga
modernong tao. Mabuti ang layunin ng teknolohiya, pero hindi maayos ang
dulot nito sa karamihan. Hindi ito ang gusto kong maabutan ng mga
susunod na henerasyon. Dapat ngayon palang isabuhay na natin ang sinabi
ni Dr. Jose Rizal, “Kabataan ang pag asa ng bayan”. Tayo’y kumilos habang
hindi pa nahuhuli ang lahat. Ibalik natin ang nakaraan at haluan ng
kasalukuyan. Tayo’y magbalik tanaw at ibalik ang ating dating pananaw.

You might also like