You are on page 1of 9

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Sta. Mesa, Maynila

EPEKTONG DULOT NG K-POP SA PERSONALIDAD NG MGA PILING MAG-


AARAL NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS- STA. MESA,
MAYNILA TAONG PANURUAN 2014-2015:ISANG PAG-AARAL

Mga Mananaliksik:

Agbayani, Jian Carlo


Borillo, Ma. Chelsea
Colmo, Ma. Carlota
Eliang, Mary Joyce
Lorzano, Jaddie
Mardo, Jacin
Pasno, April Glory
Rodriguez, Ruselle Anne
ECE 1-3

Bb. Maylack A. Malaga

ENERO 2015
KABANATA I
SULIRANIN AT SANLIGANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA

Ang bansang Pilipinas ay tanyagsa pagkakaroon ng mga magaganda, kakaiba at


malikhaing kasanayan sa larangan ng musika. Biniyayaan ang mga Pilipino ng mga
magagandang talento sa pag-awit at maging sa paggawa ng mga awitin. Sa kadalihanang ito,
hindi maipagkakailang mahilig ang karamihan ng mga Pilipino sa pakikinig ng iba’t-ibang klase
ng musika hindi lang ang mga matatanda, maging ang mga kabataan. Sa paglipas ng panahon,
nagbabago o nadadagdagan ang mga uri ng musika na pinakikinggan ng mga kabataan. Dahil na
rin sa teknolohiya, nagagawang mapakinggan ng mga kabataan maging ang mga musikang
nagmumula sa ibang bansa na naglalaman ng ibang wika.

Ang bagong henerasyon ay nakatuon at nakalantad sa iba’t-ibang uri at kategorya ng


musika. Sa paglipas ng panahon, ang musika ay napapaunlad at ginagawang mas nakakaaliw pa
kaysa dati. Mula sa katutubong uri patungo sa modernong uri ng musika kung saan ang mga
kabataan ngayon lalo na ang mga mag-aaral ay tila nahuhumaling at nagkakaroon pa ng mga
iidolohin. Isa sa naging patok at pumasok dito sa ating bansa ang pagkahilig ng mga kabataan sa
KPOP o ang Korean Pop Music.

Naging matunog sa atin ang mga Koreano na tila hindi na rin maintindihan ng ibang tao
kung anong meron sa K-POP na ito. Ano nga ba ang KPOP? Ayon sa Wikipedia, ang KPOP ay
isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hip hop, pop, rock at R&B na nagsimula sa
Timog Korea. Karagdagan pa dito, ang K-POP ay kasalukuyang popular sa kamalayan ng mga
kabataan sa buong mundo at ito’y nagbunga ng laganap na interes sa pananamit at kilos ng mga
hinahangaang grupo ng mga Koreano pati na rin ang mga solong mang-aawit. Mula sa
kahulugan, mahihinuhang patuloy na umuusbong ang K-POP sa bansa at kitang-kita naman sa
kasalukuyang mga kabataan na hindi mapigilan ang pagkahumaling sa kanila, lalo pa’t
karamihan mga kabataan ang dahilan ng pagsikat nila. Ang K-POP ay biglang dumating sa
bansa, nakisalo at nakibahagi sa kultura at talagang pinasok ang industriya ng musika. Sa bawat
sulok, may mga kabataan na ang pinag-uusapan ay tungkol sa KPOP. Hindi rin maikakaila na
nagkalat ang mga poster ng mga grupong Koreano na ibinibenta, at maging ang album nila ay
may ipinagbibili rin dito sa atin. Hindi lang ang mga mukha nila ang nagkalat sa kung saan,
maging ang kanilang mga boses ay pinakikinggan saan mang dako ng bansa.
Taong 2009 nang magsimulang pumatok ang isang kanta ng isa sa Korean Group. “I
Want nobody, nobody but you”, ‘yan ay lirikong mulasa kantang “Nobody” na pinasikat ng
Wonder Girls. Binubuo ang grupong ito ng limang kababaihanna sumasayaw at kumakanta. Ang
kantang ito ay naging bukambibig ng halos lahat ng Pilipino noon, mapa bata man o matanda at
nakikiindak pa sa saliw ng kantang ito. At mula sa taong 2009 hanggang sa kasalukuyan ay
patuloy pa rin ang pagdami ng grupong Koreano na patuloy din ang panghihimasok sa bansa.
Ang Superjunior, EXO, 2ne1, Girl’s Generation at marami pang iba ang kilala at pinaguusapan
ng mga Pilipino lalo nang mga kabataan.
Isang malaking katanungan para sa karamihan kung bakit nga ba nahilig ang kabataan sa
KPOP. Bakit nga ba marami na ang nagbago sa panahon ngayon? Bakit nga ba tinatangkilik ng
mga kabataan ang ibang salita o ang banyaga pag dating sa musika? Bakit mas gusto nilang
pakinggan ang ibang musika kesa sa sarili nating musika? Sa ganitong sitwasyon, malaki ang
epektong dulot nito sa Pilipinas at maging sa bawat kabataan. Epektong makasisira ba o
makabubuti ba ito saaraw-araw na buhay ng mga kabataan?Makaaapekto ba ito sa pananamit,
kaayusan sa sarili, at maging sa pananalita at personalidad? Ang mga ‘yan ang mga katanungan
naglalayong masagot ng pananaliksik na ito.
Layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na mabatid kung bakit ganoon na
lamang kainit ang naging pagtanggap ng mga Pilipino sa K-POP. Layunin din nito na mailahad
ang mga maaaring maidulot nito sa ekonomiya at industriya ng bansang Pilipinas maging sa mga
kabataan na tumatangkilik nito. Matukoy din kung paano nagsimula ang impluwensyang
Koreano mula noon hanggang sa kasalukuyan. At higit sa lahat, nilalayon ng pag-aaral na ito na
maging daan upang mamulat ang mga kabataan sa mga bagay na maaari nilang kahinatnan sa
pagtangkilik ng musikang banyaga.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang Korean Pop, o mas kinikilalang K-POP, ay isang malawakang pagkahiligsa mga
produktong koreano. At dahil ang kanilang musika ay kinilala na sa Asian Market, pati na rin sa
worldwide level, ang KPOP ay sukdulang kinilala ng mga koreano, mapa hindi koreano.
Ang kasaysayan ng KPOP ay makabuluhan dahil sa biglaang pagkalat ng kpop music sa
radyo na siyang tumulong para pormahan ito. Dalawampung taon bago lumago ang industriya ng
South Korea galing sa mahirap na bansa.
Ang paglabas ng Seo Tai-ji & Boys sa taong 1992 ang nagsimula ng popular na musika
ng Timog Korea, na may pinaghalong rap rock at techno. Popular din noong 1990s ang mga
Hiphop duos kagaya ng Deux. Ang pagkabuo ng pinakamalaking industriya ng talento ng Timog
Korea, ang S.M. Entertainment, noong 1995 ng isang Koreyanong negosyante na si Lee Soo
Man, ay naging daan upang mabuo ang kauna-unahang grupo ng mga babaeng mang-aawit at
pati na rin ng mga lalaking mang-aawit. Sa mga huling taon ng 1990s, ang YG Entertainment,
DSP Entertainment, at JYP Entertainment ay biglang sumulpot sa industriya at naglabas sa
publiko ng madaming-madaming mga bagong talento. Ang mga grupo tulad ng S.E.S., Fin K.L,
H.O.T, Sechs Kies, G.o.d., Fly to the Sky at Shinhwa ay naging matagumpay noong 1990s. Sa
dekada ring ito sumikat ang hip hop at R&B sa Korea, na nagdulot ng Kasikatan ng mga mang-
aawit katulad ng Drunken Tiger. (Wikipedia, 2009)
Ngayon, ang paghubog ng mga talento ang ginagawang estratehiya para sumikat ang mga
girl groups, boy bands at solo artistssa industriya ng K-pop. Para masigurado ang mataas na
posibilidad ng pagsikat ng isang talento, may mga ahensiyang tumutulong as kanila na
nagbabantay at nag-aalaga ng kanilang karera, na halos gumagastos ng mahigit $400,000 para
lamang makapag-hubog at makapaglabas ng bagong talento sa industriya. Sa pamamagitan ng
apprenticeship na ito na umaabot ng dalawang taon o mahigit, gumaganda ang mga boses ng
mga talentong ito, natututo sila ng iba’t ibang sayaw, napapaganda ang kabuuan at hugis ang
kanilang katawan, at nakakapag-aral ng iba’t-ibang wika.
Madami na ang mga pinakasikat na mga grupo ng K-pop katulad ng BoA, TVXQ,
SS501, BIGBANG, KARA, Girls' Generation, BEAST, MBLAQ, 2PM, Super Junior, SHINee,
2NE1, at EXO na nagsismulang pasukin ang industriya ng musika sa Japan. Ang mga kasapi ng
mga grupong ito ay nakikipanayam at kumakanta na din ng Hapones.
Ang impluwensiya ng K-pop ay lumalabas na rin sa Asya, katulad ng Amerika, Canada,
at Australia. Noong 2001, si Kum Bum Soo ang naging kauna-unahang Koreyanong mang-aawit
na nasali sa U.S Billboard Hot 100 Chart sa kanyang kantang “Hello Goodbye Hello”. Noong
2009, ang Wonder Girls, isa sa mga pinakamatagumpay sa industriya ng musika sa Asya, ay
napasama din sa Billboard Hot 100 Singles Chart sa kanilang mga kantang “Tell Me”, “So Hot”
at “Nobody”. Upang mas mapalaki ang mundo ng K-pop, madami na sa kanila ang
nakikipagtrabaho na din sa mga artista ng ibang bansa. Marami ang mga pumupunta sa United
States, at kumakanta o sumasayaw kasama ang mga artista ng United States katulad ng Jonas
Brothers. Bukod pa rito ay mayroon ding mga nakikipag-usap at nakikipag-kontrata sa mga
producers na tulad nina Kanye West, Teddy Rilet, Diplo, Rodney Jerkins, Ludacris, at Will.i.am.
Sa taong 2011, ang K-Pop ay naging popular na sa Japan, Malaysia, Poland, Mexico,
Philippines, Indonesia, Thailand, Taiwan, Singapore, France, Ireland, China, Canada, Brazil,
Chile, Colombia, Argentina, Russia, Spain, Germany, Sweden, Romania, Croatia, Australia,
Vietnam, United Kingdom at United States.
KPOP sa PILIPINAS
Walang duda na ang apat na naggagwapuhang mga lalaki na kinikilalang F4 ay talagang
nakakuha ng atensyon at hilig ng mga Pilipino. Ang Jewel in the Palace at Boys Over Flowers ay
nagpabago ng balangkas ng Pilipinas at nakagawa ng impluwensiya sa mga Pilipino. Sa pagtagos
ng sikat na medya at ang malayang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga dayuhang produkto ay
nagdala ng Korean Wave sa bansa. Mula noong 2003, ang mga koreanovela ay naging mahalaga
sa medya ng Pilipinas. Ang hallyu ay ang biglaang pagkalat ng industriya ng korea sa Asya.
Karagdagan, ang Kpop ay popular din sa Japan, China at Taiwan.
Nahilig ang mga Pilipino sa koreanovela, gayunpaman, noong Hunyo 29 ay nasaksihan
ng mga pilpino ang Korean music videos (MVs) sa MYX Music Chanel. Mulanoon, ang Kpop
ay naging isang midyum sa medya at naging mahalaga sa nasabing channel, at nakagawa ng
fandom lalo na sa mga kabataang Pilipino. At dahil may Korean wave, karamihan ng mga
kumpanya ng musika ay nagpakalat ng mga Korean albums sa bansa at ilan rito ay nagingbest
sellers sa mga tindahan. Ilan sa mga KPOP groups (katulad ng bumisita sa Pilipinas para
magtanghal), nagkaroon din ng higit na dalawang libong Kpop fans ang nagtipon-tipon para sa
kauna-unahang Philippine Kpop Conventionna ginanap sa Pilipinas noong ika-10 ng Disyembre
2009. Maraming fan clubs at mga organisasyong nagtulong-tulong para gawin ang Philippine
KPOP and Committee, at simula noon ay daan-daang proyekto ang naisumite.
BALANGKAS TEOROTIKAL
Ang pananaliksik na ito na may paksang EPEKTONG DULOT NG K-POP SA
PERSONALIDAD NG MGA PILING MAG-AARAL NG POLITEKNIKONG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS- STA. MESA, MAYNILA TAONG PANURUAN 2014-
2015:ISANG PAG-AARALay naka-angkla sa ilang mga teorya o ideya na naging batayan ng
pagaaral.

Media Dependency Theory. Ayon sateoryang ito ni Sandra Ball-Rokeach and Melvin Defleur
(1976), habang dumedepende ang tao sa media upang matugunan ang kanilang mga
pangangailangan, mas nagiging dominante ang media sa buhay ng tao na siyang nagiginga
pangunahing dahilan upang maimpluwensyahan ang kanilang pamamaraan pamumuhay.
Binibigyang-diin na ang tao ay nagkakaroon ng mahalagang relasyon o koneksyon sa pagitan ng
media. Sinasabing umaasa ang tao sa media sa kadahilanang napupunuan nito ang mga
pangangailangan, kagustuhan at pansariling layunin nito na hindi nakakamit sa ano pa man
bagay. Dulot naman ng matinding paggamit ay nagreresulta ito sa matinding pangangailangan sa
puntong naaapektuhan na rin nito ang ating personal at kultural na aspeto.Sa ginawang pag-aaral
ni Joseph D. Straubhaar tungkol sa Dependency of Third world Media, lumabas na ang mga
maliit na bansa ay may limitadong merkado kung kaya’t hindi nito masuportahan ang sarili niya.
Ginawa niyang halimbawa ang Belgium at The Netherlands na European countries. Hindi sapat
ang resources nito para makapagprodyus ng buong iskedyul ng multiple channels. Kung kaya’t
nagiging dahilan ito ng mga industrilisadong bansa na mapasok ang mahihinang bansa. Gamit
lamang ang media ay napapasok na ng ibang bansa ang iba’t ibang aspetong
pambansa.Nailalapat ang punto ng teorya sa pagaaral dahil naipapakita nito ang proseso ng
paggamit ng kabataang Pilipinong tagahanga sa media upang malaman ang KPOP at kung paano
nagiging dependent sa media ang mga kabataan.
Cultural Proximity Theory. Isinasaad ng teoryang itona ang mga tagapanood o audience ay
nakakahanap ng pagkakatulad sa kung ano ang napapanood nila. Isa sa mahalagang tinitingnan
ay ang linggwahe o wika na ginagamit.Ngunit ayon kay Straubhaar, “…they go beyond language
to include history, religion, ethnicity (in some cases) and culture in several senses: shared
identity, gestures and nonverbal communication; what is considered funny or serious or even
sacred; clothing styles; living patterns; climate influences and other relationships with the
environment.” Sa sinabing ito ni Straubhaar, binigyang-diin niya na hindi lamang wika ang
tinitingnan o napapansin ng mga manonood. Maging ang kultura at paraan ng pagkilos ay
nagbibigay aliw sa mga taong nanonood. Naiimpluwensiyahan din nito ang pamamaraan ng
pamumuhay, pananamit, at paraan ng pag-iisip ng mga tao.

Intercultural Transformation.Ayon sa pagpapakahulugan ni Young Yun Kim sa teoryang ito,


nagaadjust ang mga tao sa pagbabago ng kultura kung saan lumalawak ang mga pananaw ng tao,
at natututo sila ng panibagong kaalaman at pagkilos. Nagkakaroon ng malakihang pagbabago sa
kanilang personalidad at nagkakaroon ng maraming pagpipilian. Mahihinuha sa sinabi ni Kim na
kung lantad ang tao sa iba’t-ibang kultura ay maaari na nitong mabago ang tao. Sa pamamagitan
lamang ng media at komunikasyon ay napakadali na lang na maisagawa. Dagdag pa ni Kim na
makapangyarihang paraan ito upang mapalaganap ang kultura ng bawat isa.Nagagamit ang ideya
ni Kim sa pag-aaral dahil naipapakita nito kung ano ang epekto ng Kpop sa mga kabataan.
BALANGKAS KONSEPTUAL
EPEKTONG DULOT NG K-POP SA PERSONALIDAD NG MGA PILING
MAG-AARAL NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS – STA.
MESA, MAYNILA TAONG PANURUAN 2014-2015: ISANG PAG-AARAL

INPUT PROSESO OUTPUT

Mga mag-aaral sa Epekto ng K-Pop sa pagkilos


Paggawa ng
Politeknikong ng mga mag-aaral(Cultural
kwestyoner
Unibersidad ng Proximity Theory)
Pilipinas

Babae at Epekto ng K-Pop sa istilo ng


pananamit ng mga mag-aaral
Lalaki Pagsagot ng mga (Media Dependency Theory)
tagatugon sa
kwestyoner

Edad 16
pataas
Epekto ng K-Pop sa mga
lengwahe at salitang binibigkas ng
mag-aaral (Intercultural
Transformation)

Walang partikular na
taon at kolehiyong
pinanggalingan
Pigura 1.0

Makikita sa Pigura 1.0 na ang napiling respondent ng mga mananaliksik ay mga mag-aaral mula sa
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ang mga nasabing respondent ay babae at lalaki na nasa edad 16 pataas
ngunit walang particular na taon at kolehiyong pinanggalingan. Ang mga mananaliksik ay gagawa ng mga
kwestyoner kung saan may ilang katanungan tungkol sa kung ano nga ba ang epekto ng K-Pop sa mga mag-aaral na
tutugunan ng mga respondent sa pamamagitan ng pagsagot nito. Inaasahan ng mga mananaliksik na sa pamamagitan
ng nasabing serbey gamit ang kwestyoner ay matutuklasan kung ano nga ba ang epekto ng K-Pop sa pag-uugali ng
mga mag-aaral, sa istilo ng pananamit ng mga mag-aaral at sa pagbibigkas ng ibang salita at lenggwahe. Ang serbey
na isasagawa ng mga mananaliksik ay magreresulta kung ano nga ba ang epekto ng K-Pop sa mga mag-aaral ng
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito na may paksang “EPEKTONG DULOT NG K-POP SA
PERSONALIDAD NG MGA PILING MAG-AARAL NG POLITEKNIKONG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS – STA. MESA, MAYNILA TAONG PANURUAN 2014-
2015: ISANG PAG-AARAL” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:
1. Ano ang K-pop?
2. Bakit patuloy na tinatangkilik ng mga mag-aaral ng Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas
ang K-POP?
3. Paano nakakaapekto ang pagtangkilik sa K-pop sa personalidad ng mga mag-aaral ng
Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas batay sa mga sumusunod:
a) Pagkilos
b) Pananamit
c) Pananalita
4. Gaano kalaki ang dulot ng personalidad ng mga mag-aaral ng Polyteknikong Unibersidad ng
Pilipinas na tunamatangkilik sa K-POP sa ibang mag-aaral?
HAYPOTESIS
Ang mga inaasahang kasagutan mula sa mga piling mag-aaral ng PUP na may paksang
“EPEKTONG DULOT NG K-POP SA PERSONALIDAD NG MGA PILING MAG-
AARAL NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS – STA. MESA,
MAYNILA TAONG PANURUAN 2014-2015: ISANG PAG-AARAL”
1. Ang K-pop ay isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hip hop, pop, rock at
R&B na nagsimula sa Timog Korea. Ang K-pop ay naging popular sa kultura ng mga kabataan
sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes sa pananamit at estilo ng mga iniidolong
grupo ng mga Koreyano at mga mang-aawit. (Wikipedia, Nobyembre 2014)
2. Tinatangkilik ng mga mag-aaral ng Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas ang K-POP dahil
sa pagsikat ng mga palabas na Korean drama sa telebisyon na nanghihikayat sa mga tao. (Media
Dependency Theory)
3. Naaapektuhan ng K-POP ang personalidad ng mga mag-aaral ng Polyteknikong Unibersidad
ng Pilipinas ang mga sumusunod:
a. Pagkilos: Ginagaya nila ang ilan sa mga pagkilos ng kanilang mga iniidolo kaya hindi
nila naiiwasang madala nila ito sa paaralan.
b. Pananamit: Ginagaya ng mga mag-aaral ng Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas
ang mga pananamit ng kanilang iniidolo na nagpapakita ng kanilang paghanga rito.(Ayon sa
Intercultural Transformation Theory)
c. Pananalita: Dahil sa pagnanais ng mga taong intindihin ang kulturang Koreano, pinag-
aaralan nila ang kanilang salita. (Ayon sa Cultural Proximity Theory). Bukod pa roon, dahil sa
madalas nilang paggamit ng media na nagpapakita ng K-POP ay hindi nila naiiwasang magaya
ang mga pananalita nito. (Ayon sa Media Dependency Theory)
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang maihatid ang mgaimpormasyon na
pawang katotohanan lamang sa makakabasa nito. Sa nanaliksik na ito, walang dinaragdagang
mga impormasyon at walang pinapanigan.Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga
mananaliksik ay makakakalap ng impormasyon na makatutulong sa kanila upang maunawaan
ang nararamdaman ng mga kabataang nahuhumaling sa K-POP. Makatutulong din ito sa
pagsasakatuparan ng mga mananaliksik sa kanilang panlipunang tungkulin na makatulong sa
kapwa.
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong din upang makontrol ang paghuhumaling ng mga
kabataan sa K-POP at hindi na umabot pa sa hindi magandang dulot nito. Para naman sa mga
kabataang hindi interesado sa K-POP, ang pananaliksik na ito ay nakatutulong sa pagmulat ng
mga mata nila upan maintindihan ang pananaw ng mga nahihilig sa K-POP at magbigay respeto
sa pananaw na ito. Maging ang mga magulang ay makikinabang sa pag-aaral na ito sapagkat
nabibigyan sila ng impormasyon sa kasalukuyan nauuso sa mga kabataan. Isa sa mga bagay na
nakaaapekto sa pag-aaral ang K-POP. Makatutulong ito sa pagkakaroon ng ideya ng mga
magulang upang disiplinahin ang kanilang mga anak at makontrol ang paraan ng pagtangkilik ng
mga kabataan sa KPOP upang hindi ito maging sagabal sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Para sa mga mambabasa, mabibigyang kasagutan ang isang malaking tanong para sa
nakararami kung paano biglang umusbong ang musika ng mga Koreano sa ating bansa na
karamihan ay mga kabataan ang nahuhumaling. Malilinawagan ang mga tao hingil sa tunay na
epekto ng musikang ito sa mga kabataan sa kasalukuyan.

KAHULUGAN NG MGA SALITA


o K-POP- isang klase ng musika na nagmula sa Timog Korea at binubuo ng electropop,
hip hop, pop, rock at R&B.
o Hallyu- ang biglaang pagkalat ng industriya ng Korea sa Asya.
o Fandom-ay isang termino na ginagamit upang sumangguni sa isang grupo na may komon
na interesr binubuo ng mga tagahanga na nailalarawan sa pamamagitan ng isang
pakiramdam ng makiramay at pakikipagkaibigan sa iba na nagbabahagi ng isang
karaniwang interes.
o Korean Wave- isang neolohismo tumutukoy sa pagtaas sa popularidad ng South Korean
Culture mula pa noong 1990s.
o Neolohismo-ay isang bagong termino, salita, o parirala, na maaaring nasa proseso ng
pagpasok sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang-araw araw
na wika.
o Media- paraan ng paghahataid ng impormasyon o balita sa maraming tao sa ibat ibang
lugar sa pamamagitan ng telebisyon radyo o internet.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pananaw ng isang daan na piling
mag-aaral mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa lungsod ng Maynila. Ang
pananaliksik na ito ay nakatuon sa paghahanap ng epekto ng Korean Pop o mas kilala sa tawag
na K-POP sa mga mag-aaral kung saan deskriptibong pamamaraan ang gagamitin sa pagkuha ng
impormasyon. Maging ang dahilan ng pagkakahumaling ng mga kabataan sa K-POP ay
tatalakayin din sa pananaliksik na ito.
Ang opinyon ng mga kabataan na hindi mag-aaral ng nasabing paaralan at hindi
nabibilang sa mga napiling respondante ay hindi nasasaklaw ng pag-aaral na ito pati na rin ang
paghahambing na K-POP sa iba pang industriya ng musika.

You might also like