Professional Documents
Culture Documents
4th Periodical Exam Sa Esp 9
4th Periodical Exam Sa Esp 9
Department of Education
Division of Albay
Bical National High School
Salvacion, Sto. Domingo, Albay
Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagkakatao 9
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin and pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.
1. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a. Bokasyon c. Propesyon
b. Misyon d. Tamang direksyon
2. Bata pa lamang si Sofia ay may interes na sa pagbabasa ng mga educational book, pagguhit, ay minsang
pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad nang siya ay sumali sa mag paligsahan sa paaralan at nanalo. Kaya
pagdating ng araw na pipili na siya ng kurso ay hindi na siya nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng
ang ideakanyang propesyon, ang maging journalist. Alin sa sumusunod na pansariling salik ang nagging daan
upang makamit ni Sofia ang tagumpay ng kaniyang piniling hanap buhay?
a. Hilig c. Kasanayan
b. Pagpapahalaga d. Mithiin
5. Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailagan na gamitan mo ito ng SMART. Ano ang kahulugan
nito?
a. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound
b. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
c. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
d. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
6. Alam ni Jade ang kanyang galling sa Matematika. Ang kahusayan niya sa pagkalkula ay namana niya sa kanyang
ama. Ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha niya sa kanyang ina. Apat na buwan bago ang
kanilang pagtatapos sa Junior high ay mayroon na siyang ideya kung ano ang pipiliin niyang kurso sa Senior
High. Suportado rin siya ng kanyang mga magulang lalo’t siya naman ay bukas pagdating sa komunikasyon sa
mga nais niyang kuning propesyon. Kahanga-hanga si Jade dahil siya ay may matatag na loob na magpasya para
sa kanyang sarili. Anong pansariling salik ang nagging tuntungan niya sa pagili ng kursong kanyang kukunin?
a. Kasanayan c. Hilig
b. Mithiin d. Pagpapahalaga
7. Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga naging puhunan ng kaniyang mga magulang sa negosyong ipinundar
simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay maginhawa at nakapagtapos lahat
ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging bukas-palad ng kaniyang mga magulang. Sa
kaniyang propesyon ngayon dala niya ito lalo na kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag
nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang naging gabay ni Alfred sa pagpili ng kurso?
a. Hilig
b. pagpapahalaga
c. katayuang pinansyal
d. kasanayan
8. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung:
a. Nagagamit at naiibabahagi nang tama at may kahusayan bilang pagpapahayag n gating
pagkabukodtangi.
b. Nagagampanan nang may balance ang mga tungkulin sa pamilya, trabaho, pamayanan, atbp.
c. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagmayabang sa iba.
d. Lahat ng nabanggit
9. Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa sumusunod ang maaaring makatulong sayo?
a. Pagpili ng kurso ayon sa talent, hilig, at kakayahan.
b. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtayo ng negosyo
c. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
d. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro, at kaibigan.
10. Ang sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang –alang upang maging matagumpay ang isang tao bilang
kabahagi sa mundo ng paggawa maliban sa:
a. Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayang mayroon siya.
b. Ayon sa demand na kailangan sa paggawa
c. Ang kaniyang hilig,talento,at kakayahan
d. Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya, at lipunan
11. Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa sumusunod ang maaaring makatulong saiyo?
a. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro at kaibigan
b. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
c. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng negosyo
d. Pagpili ng kurso ayon sa talenot, hilig at kakayahan
12. Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o
galling sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong
nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos
at iba pa?
a. Hilig c. Pagpapahalaga
b. Kasanayan (Skills) d. Talent
e.
13. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-
mundo (lifeworld) na ang latunin ay makipag-ugnayan sa isa’t isa at isa at makipagtulungan?
a. Makialam c. Makiangkop
b. Makisimpatya d. Makipagkasundo
14. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay an paglilingkod sa Diyos at kapwa.Ano ang maibibigay nito
sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
a. Kaligayahan c. Kaligtasan
b. Kabutihan d. Kapayapaan
15. Kung isasabay mo ang iyong mga pangarap, alin sa sumusunod ang maaaring makatulong sa iyo?
a. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
b. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng negosyo
c. Pagpili ng kurso ayon sa talento, hilig, at kakayahan
d. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro, at kaibigan
16. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa
nalalapit na Seniior high School?
a. Making sa mga gusto ng kaibigan
b. Huminto na muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
d. Humingi ng tulong na malapit sa iyo
17. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at makibahag sa buhay-sa-
mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan?
a. Makiangkop
b. Makialam
c. Makipagkasundo
d. Makisimpatya
18. Alam ni Stephenie na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang
na suportahan siya. Kaya ang kaniyang ginawa ay naghanap siya ng scholarship sa kanilang munisipyo at iba
pang institusyon ay unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalala upang maging gabay
niya. Ano ang pansariling salik ang isinagawa ni Stephnie?
a. Katayuang pinansyal c. Mithiin
b. Hilig d. Pagpapahalaga
19. Malungkot si Charlie dahil hindi niya mapilit ang kaniyang mga magulang sa gusto niyang kursong Engineering at
mag-aral sa isang Unibersidad sa Maynila. Sa kaniyang pagsasarili, naisip niyang ito ang magandang daan tungo
sa magandang pangarap para sa kaniyang sarili at pamilya. Anong pansarilig salik ang isinaalng –alang ni Charlie
sa kaniyang naging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan?
a. Katayuang pinansyal c. Pagpapahalaga
b. Mithiin d. Kasanayan
20. Hindi lingid sa kaalaman ni Justine ang mga nagging puhunan ng kaniyang mga magulang sa negosyong
ipinundar simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay maginhawang
nakapagtapos lahat ng pag-aaral sa koleheyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging bukas-palad ng kaniyang
mga magulang. Anong pansariling salik ang nagging gabay ni Justine sa pagpili ng kurso?
a. Hilig c. Katayuang pinansyal
b. Pagpapahalaga d. Kasanayan
e.
21. Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay ay may angking likas na
kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalangang gampanin na dapat mong
gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob saiyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa
pagtungtong mo sa Senior High School?
a. Pahalagahan at paunlarin
b. Pagtuunan ng pansin at palaguin
c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihan ng lahat
d. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
22. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasya at malayang pagsasakilos
ng kaniyang pinili at ginusto nang may pananagutan ditto?
a. Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan
b. Kahusayan sa pagsusuri at malinong pag-iisip
c. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
d. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
25. Ang sumusunod ay mga bagay na dapat isaalng-alang upang maging matagumpay ang isang tao bilang kabahagi
sa mundo ng paggawa maliban sa:
a. Ang kaniyang hilig, talent, at kakayahan
b. Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya, at lipunan
c. Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayan mayroon siya
d. Ayon sa demand n kailangan sa paggawa
II. Word Puzzle: Tukuyin ang hinihinging salita batay sa kahulugang ibinigay. Isulat sa kahon ang sagot.
PAHALANG
PABABA
2 12
7 6 3
4
9
11
5 13
1510
14
III. Panuto:Tukuynin kung alin ang angkop na track o strand para sa kursong kukunin ayon sa talent,
kakayahan, at hilig para magtagumpay sa iyong mithiin. Pumili sa kahon.
3. Hilig na ni Anna ang magbenta ng mga kakanin. Sa tuwing papasuk siya sa paaralan lagi siyang may dala nito at
ibinibenta niya sa mga kamag-aral pati na sa kaniyang guro tuwing reces.
4. Mahilig magluto si Jamjam ng kahit ano, minsan nga nageekspirimento pa siya para sa mga ihahain na putahe sa
kanilang hapag kainan.
5. Magaling sa matematika si Joy. Kahit noong nasa elementarya pa lamang siya ay siya na ang pinipili ng kanyang
guro para maging kalahok sa mga paligsahan. Palagi niyang nakukuha ang unang parangal kaya hangang hanga
ang kaniyang guro sa kaniya pati na ang kaniyang mga magulang at kaibigan.
6. Si Jonathan ay nagtrabaho bilang kahera at stockman sa negosyo ng kanyang tiyuhin na si Ka-Felix. Ang
kaalamang mayroon siya sa namana niya sa kaniyang lola Monika na may angking galing at talino sa negosyo.
7. Bata pa lang si Benjie ay hilig na niyang gumupit at ilang gawain na may kaugnayan sa pagpapaganda. Pangarap
niyang magkaroon ng isang Beauty Parlor pagdating ng araw.
8. Kapag bakasyon laging sumasama si Noel sa talyer ng kanyang tiyuhin sa Maynila para tumulong doon. Tuwang
tuwa siya sa kanyang ginagawa doon kaya kahit paminsan minsan lang siya bigyan nito ng bayad sa kangyang
mga naitulong sa talyer nito.
9. Makikita lagi si Isabel at ang kanyang mga kalaro na nagkukumpulan sa ilalim ng punong kahoy, at makikitang
siya ang gumaganap na guro at ang kanyang mga kalaro ay siya naming mag-aaral niya. Ang hilig na ito ni Isabel
ay hindi nawala hanggang siya’y magdalaga.
10. Gusto ng tatay ni Janice na maging abogado at maging sikat na mamahayag siya pagdating ng araw ngunit siya
ay mahiyain at ang hilig niya ay gumuhit at magpinta na taliwas sa mga kakayanan ng isang abogado at
mamahayag.