You are on page 1of 6

PANG–URI- Salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip

Kaurian ng Pang-uri

a. Panlarawan – nagsasaad ng anyo, hugis at katangian ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

Si Manny Pacquiao ay bantog na boksingero

Mabait si Marlou

b. Pamilang – pang-uring ginagamit sa pagbilang, ito ay tiyak o di-tiyak na bilang.

Kaantasan ng Pang-uring Panlarawaan

a. Lantay. Walang tinutukoy kundi ang katangian ng pangngalang inilarawan. Dito ang pang-uri ay nasa
payak na anyo.

Halimbawa:

Sariwang isda ang dala ni Mokong mula sa Dagupan

Magaling si Joshua

b. Pahambing. May dalawang uri ng pang-uring pahambing.

1. Magkatulad o patas na paghahambing

2. Di-magkatulad

Magkatulad o patas na paghahambing

Ito ay gumagamit ng mga panlaping /sing/ kasing/ magsing/ tulad/ gaya/ kahawig/ kawangis at kamukha.

Halimbawa:

Magkasimputi si Lorna at Adel

Magkamukha si Danica at Junea

Di-magkatulad
Ito ay nagbibigay ng diwa ng pagtanggi o pagsalungat. Ginagamit ng salitang lalo, higit, kaysa, di-gaano,
di-lubha, di-totoo, mas at kaysa

Halimbawa:

Mas matanggad si Erika Mea kesa kay Erika Jean at Erika Venus

Higit na malaki ang trak kaysa dyip

c. Pasukdol. Ginagamit ang mga panlaping ka-, pinaka-, pagka-, napaka-, at ang mga salitang lubha, ulo
at hari

Halimabawa:

Pinakamatangkad si Mayor sa lahat

Lubhang mainit ang ulo ni Jesah Leen

KAILANAN NG PANG-URING PANLARAWAN

a. Isahan – makikilala ang isahang kailanan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pantukoy na si, ang, isa
at siya

halimbawa:

Si Queenia ay mapagmahal

Si Bert ay masunurin

Ang sanggol ang pinakamasayang anghel sa pamilya

b. Dalawahan – makikilala ang dalawahang kailanan sa pamamagitan ng paggamit ng salitang


pandalawahan at ng mga panlaping ka-, mag-, magka-, at magkasing-,

Halimbawa:

Ang magkasintahan ay naglolokohanan

Magkasintalino sina Esther at Sonia

c. Maramihan – makikilala ito sa pamamagitan ng pangmaramihang pantukoy, pamilang, at panghalip.


Maaaring ito ay gagawin sa pamamagitan ng:
Pantukoy na mga, pamilang at panghalip

halimbawa:

Ang mga mag-aaral sa CAED-1A ay pawang masisipag

Ang mga matapang na kawal ay nangagsidating

Pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat, pag-uulit ng isang pantig ng unlapi, at ang paggamit ng mga
pang-uri tulad ng lahat, panay, iba-iba at sari-sari.

Halimbawa:

Lahat ng sumali sa paligsahan ay maliliit

Panay na kabutihan ang ipinakita ni Jennifer

Iba’t-ibang kultura ang aming pinag-aralan

Kaanyuan ng Pang-uring Panlarawan

a. Payak - Ito ay mga likas na salita at walang panlapi

Halimbawa:

Buhay payat pula itim

b. Maylapi - Ito ay binubuo ng mga salitang ginagamitan ng mga panlaping magkauri.

Halimbawa:

Mabait maginoo mabuhangin iyakin

c. Inuulit - Ito ay maaaring payak na inuulit at may unlaping ka-, ma-, o may

Halimbawa:

Makintab-kintab sunod-sunod karapat-dapat

Gabi-gabi baku-bako kaaya-aya

d. Tambalan - Ito ay binubuo ng pinagtambal na dalawang payak at pang-uri

halimbawa:

agaw-buhay tawang-aso

Mga uri ng pang-uring Pamilang


a. Patakaran. Ito sy binubuo ng mga sumusunod na likas at payak na anyo:

Wala - - - - - 0

Isa - - - - - - 1

Sandaan - - 100

Sanlibo - - - 1,000

Sanlakas - - - - -10,000

Sangyuta - - - - -100,000

Sang-angaw - - - - -1,000,000

Pagkalampas sa sampu sa bawat bilang ay nilalapian ng salitang labing-.

Mga uri ng pang-uring Pamilang

b. Panunuran - ito ay ginagamitan ng: una-, pang-, ika-.

Halimbawa:

Ako ang pang-apat sa aming magkakapatid

c. Pamahagi - Ginagamitan ito sa pagbabahagi o pagbubukod ng ilang hati ng isang kabuuan at


pamamahagi ng patas-patas sa marami at maaaring bahagdan kung kung bahagi ng isang daan.

Halimbawa:

Ikatlong bahagi tatlong-kapat tig-aapat

Ikalahati kawalo tig-isa

d. Palansak - Ito ang tinatawag na maramihan, at langkay-langkay ang kahulugan.

Halimbawa:

isahan sampuhan libuhan

e. Patakda - Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilng; at walang iba kundi iyon o hanggang doon na lamang

Halimbawa:

Iisa lalabintatlo lilimahin

Pang-abay
Salitang naglalarawan, sumusukat, naghahambing, nagbibigay-lunan at panahon, osumusuporta sa pang-
uri, pandiwa at sa kapwa pang-abay

Mga Uri ng Pang-abay

1. Pamanahon – binibigyan nito ng panahon ang mga pandiwa, pang-uri at pang-abay. Kabilang dito ang
agad, minsan, bukas, ngayon, dati, kamakalawa, bihira at marami pang iba. Sumasagot ito sa tanong na
kailan.

Halimbawa:

Dito ako ngayon sa inyong harapan

Bukas iba naman ang inyong nasa harapan

2. Panlunlan – binibigyan nito ng lokasyon ang pandiwa, pang-uri at pang-abay.

Halimbawa:

Sila ay pumunta roon

Hinihintay niya ako sa labas ng paaralan

3. Pamaraan – nagsasaad ito kung paano ang pagganap ng binabanggit na pandiwa

Halimbawa:

Magandang umawit si JohnRey pag tumitingin si Geraldine sa kanya

Matatag na sumagot ang mag-aaral sa kanyang guro pag tungkol sa pag-ibig

4. Panggaano – inilalarawan nito ang dami at sukat ng binabanggit na pandiwa

Halimbawa:

Nalunasan ng kaunti ang kanyang pamimighati

Maraming dinala si karen at yayel na lumpia at sandwich sa paaralan

5. Pang-agam – nagpapakilala ng pag-aalinlangan at kawalang tiyakan.

Halimbawa:

Tila masakit ang loob ni Elizer sa paglisan ng kanyang kasintahan

Magulo yata ang isip ni Mayor

6. Panang-ayon – Nagsasaad ito ng pagsang-ayon o pagkatig

Halimbawa:
Tunay na masipag ang mag-aaral na ito.

Opo, sasama siya sayo

7. Panulad – ginagamit ito sa paghahambing ng kilos o galaw ng pandiwa, o kaya’y paghahambing ng mga
pang-uri

Halimbawa:

Di gaanong matalino si Globi gaya ni smarti

Si Jose ay higit na mapagpakumbaba kaysa kay Andrei

8. Panaggi – nagsasaad ng pag-ayaw o kaya’y pagtanggi.

Halimbawa:

Hindi siya aalis sa bahay ng kanyang ama

Wala siyang ibig sabihin sa kilos mo

You might also like