You are on page 1of 6

Epekto ng Batas Militar at Mga

Pangyayaring Nagbigay-Wakas
sa Diktaturang Marcos
*Gumawa si Pangulong Marcos ng mga Kautusang
Pampanguluhan(Presidential Decree), Kautusang
Pangkalahatan ( General Order) at Liham Pagpapatupad (
Letter of Instruction) na pawing nangangasiwa sa
pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapanyarihan.
* Nilagdaan at pinag-utos niya ang Kautusang
Pangkalahatang Blg. 1-6, at Liham Pagpapatupad Blg. 1
Kautusang Pangkalahatan
* Sa bisa nito, inaresto ang mga tumutuligsa sa pamahalaan, kabilang
dito ang mga
Senador:
Benigno Aquino Jr.
Jovito Salonga- nagsilbi ring abogado ni Benigno Aquino Jr at ng iba
pang pulitiko na pinaaresto ng pamahalaan.
Jose Diokno, Ramon Mitra, Francisco Rodrigo,at iba pa.
Mga delegado ng Konstitusyon na tumututol sa pagpapalawig ng
termino ni Marcos:
Napoleon Rama, Enrique Voltaire Garcia,at Jose Mari Velez: mga
tagalimbag na sina Joaquin Chino Roces at Jose Lacson;
mga mamamahayag:
Maximo Soliven at Amado Doronilla;
Kapitalismong crony – tumutukoy sa ekonomiya ng isang
lipunang kapitalista na batay sa malapit na ugnayan ng mga
negosyante at pamahalaan.
Kroniyismo – ay tumutukoy naman sa parsiyalidad sa mga
kaibigan o pagkakaroon ng kinikilingan o pinapanigan ng isang
taong nasa kapangyarihan.
Resesyon – ito ang tawag sa pag-urong ng ekonomiya ito rin ay
nakaapekto sa kalakalang panlabas ng Pilipinas.
Benigno Aquino Jr. – Naging kritiko ni Marcos, dinakip
pagkatapos ng deklarasyon ng Batas Militar sa mga bintang na
pagpatay, subersiyon, at pagtatago ng mga armas. Nilitis at
ikinulong sa Fort Magsaysay sa Laur Nueva Ecija.
Hinatulan ni Benigno ng musketry o pagpapaputok ng mga baril.
Lupang Hinirang at Bayan Ko – inawit nina Benigno Aquino at
Jose Diokno habang sila ay nakakulong ng magkahiwalay sa
Laur, Nueva Ecija.
Snap Election o dagliang halalan - Dahil sa pagdududa ng mga
Pilipino sa kakayahan ng pamahalaan sa pagpapatakbo ng
bansa.
Enero 17, 1981 – Nagwakas ang walong taon at apat na buwang
pamamayani ng Batas Militar sa ilalim ng proklamasyon blg. 204
Pyudalismo – Sistema ng pamamalakad ng lupain na ang lupa ng
may-ari o panginoon ay ipinasasaka sa mga nasasakupang
tauhan na may tungkuling maglingkod at maging matapat sa
may-ari.
Musketry – ito ang tawag sa parusa sa pamamagitan ng
pagpapaputok ng baril
Sibil na pagsuway – ito ay tumutukoy sa aktibong pagtanggi sa
pagsunod sa ilang mga batas, kagustuhan, at mga utos ng
pamahalaan o ng sumasakop na pandaigdigang kapangyarihan
nang walang karahasan.

You might also like