You are on page 1of 6

Filipino 10

Exequiel Ian John G. Felizardo Hunyo 27,2019


10-A Bb. Mary Jane Rocapor

Ang Bato, And Kabayo, At Ang Mamamangka

Anong mangyayari kapag tayo ay namatay? Lahat ba ay magiging itim


nalang? Mapupunta lang ba tayo sa ibang katawan, at mamumuhay ulit? O
makakarating ba tayo sa mga lugar na ating inaasahan, tulad nang Langit o
Impyerno? Hindi natin alam kung saan tayo mapupunta sa ating pagpanaw, at
napakahirap ring isipin kung ito ba ay magiging mabuti o masama. Pero sa
kakaunting sandali lamang, ilagay natin ang ating sarili sa lugar ng ating unang
panauhan. Ilarawan mo ang iyong sarili na nasa isang madilim na kuweba,
nakahiga mag-isa, at walang masilayan. Ngunit kahit wala kanang makita
nararamdaman, mo parin ang sahig na gumagalaw, parang isang bangka na
sumasabay lamang sa mga alon ng ilog. Wala kang ibang naririnig kung hindi
and mga tumutulong tubig na galing sa itaas ng kuweba, isa sa mga ito ay
natuluan ka sa mukha. Giniginaw at nanginginig ka na sa lamig, at
pakiramdam mo ay hubad ka. Ang inilalarawan mo ngayon ay ang
nararamdaman ng ating tauhan. Nakahiga sa isang bangka, at mag-isa sa
madilim na ilog, habang giniginaw at hubad, hinahayaan na lamang na
dalahin ng ilog sa kawalan.

Sa wakas ay binuksan na niya ang kanyang mga mata, nagulat siya nang may
makita siyang napaka-hinang ilaw sa harap nya, nanggagaling ito sa isang
lampara sa likod ng bangka. Ilang sandali pa ang nakalipas bago siya nakakita
ulit ng maayos, ngunit pagkatapos nito ay nagulat siya nang masilayan niya
ang isang lalaki na naka-upo sa harap niya. Isa itong payat at matangkad na
lalaki, na nakasuot ng isang itim na balabal na may kasamang kaputsa. Hindi
makita ang kaniyang mukha sapagkat natatakpan ito, ngunit makikita mo ang
usok na lumalabas sa kanyang bawat hininga. May hawak siyang
napakahabang sagwan, na ginagamit niya upang makarating sa kanilang
pupuntahan. Itong lalaking ito ay kilala sa maraming pangalan, maraming
natatakot sa kanyang mga kwento sa mga mitolohiya, siya ay si Kamatayan,
ang Taga-sundo ng Mga Patay.
“Mayroon ka bang barya?” tanong ng mamamangka, ngunit sa sobrang takot
ng lalaki ay hindi na siya nakapagsalita. Hindi mapagpasensyang tao ang
mamamangka, gusto niya na pag nagtanong siya ay nasasagot agad, kaya
nang magtanong ulit siya, ito ay isinigaw niya ng malakas, na nahulog na ang
kakaunting bato sa kuweba. “Mayroon ka bang barya?!”

“A-anong barya? Po?” balik agad ng lalaki, hindi pa sya natatakot ng ganito sa
buong buhay niya, namumutla na siya at nanginginig.

“Ang barya ko? Tingnan mo sa, ehh—bulsa mo?” tanong ulit ng mamamangka,
ngunit ngayon ay sa mas mahinahon at nalilitong paraan. Natakot ang lalaki sa
mangyayari sunod, kaya agad-agarang niyang sinilip ito, ngunit kahit pilitin niya,
hindi niya magawa. Hindi siya makagalaw, para bang wala siyang mga kamay.
Tumingin na lamang siya sa sahig, at baka nahulog ito, at doon nakita niya ang
isang maliit na piraso ng pilak na kumikinang ng mahina, sa madilim na sahig ng
bangka.

“I-ito ba iyon?” sagot niya habang nabubulol pa sa takot.

“Pwede na yan,” sagot ni Kamatayan nang maikli, habang kinukuha ang pilak.
Tumakimik silang dalawa nang matapos iyon, tahimik lang na nagsagwan si
Kamatayan sa madilim na ilog, hanggang sa naisip niyang magtanong ulit,
“kilala mo ba kung sino ka?”

“Hindi ko rin sigurado eh? Sino ba ako?” tanong niya rin sa sarili niya, marami sa
mga kaluluwang naglalakbay sa Mundong-Ilalim ang nakakalimutan kung sino
sila, madalas ito ay sandali lamang, ngunit ang iba ay tuluyan nang
nakakalimutan ang kanilang mga sarili, sila ang mga tinatawag na ligaw na
kaluluwa, “Ikaw, sino ka ba? Po?”

“Bihirang nababanggit ang pangalan ko dito, pero ako ay mas kilala bilang
manlalayag ng mga kaluluwa, and gabay sa Mundong-Ilalim, ang
mamamangka ni Hades— “

“—Ikaw si Charon? Ang Charon?” sabat nya sa matandang lalaki, “Ibig sabihin
noon?” Itinanaong niya ito sa sarili niya at sa lalaki, ngunit nalungkot siya nang
makita niyang tumungo ito. Isa lang ang paraan upang makita si Charon, at
iyon ay pag namatay ka na.

Tumahimik ulit sila pagkatapos noon, sa sobrang lungkot ng lalaki ay


nakalimutan niya nang matakot kay Charon. Ngunit habang namamangka si
Charon sa dilim, hindi niya maiwasang magtanong ulit, matagal niya na itong
ipinagtataka, simula palang nang pagdating ng lalaki sa bangka. “May tanong
ako,” banggit niya, “kung isa kang bato, paano ka namatay?” napaka
kakaibang tanong, ngunit kung mapapansin niyo ay ibinabanggit ko lamang
ang ating unang panauhan bilang lalaki, ito ay dahil sa kanyang kakaibang
anyo. At ngayong nabanggit na ni Charon, siya nga ay hindi tao, ngunit isang
bato, isang nagsasalitang bato.

“Bato? Anong ibig sabihin mo?” nalito ang lalaki o ang bato sa tanong ni
Charon, sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya nagawa. Pinilit niyang
sumandal sa gilid ng bangka, upang masubukang makita ang sarili niya sa ilog,
at doon nakita niya, ang isang nagsasalitang bato na nakasakay sa isang
bangka. “Bato?! Paano ako naging bato?”

“Yun nga din ang tanong ko eh,” sagot ni Charon, “alam mo, sa tagal kong
namamangka sa ilog na ito, madami na akong nakasamang kaluluwa, mula sa
mga tao hanggang sa mga diyos, mga taong-kabayo hanggang sa mga
higante, ngunit hinding hindi pa ako nakaka-kita ng isang bato na mamatay.
Paano nangyari yon?”

“Hindi ko rin alam eh! Charo—!“ tumigil siya, napatulala siya at nagsimulang
makakita nang mga alaala niya, “ah! Teka lang! May mga naalala ako!”
sinubukan niyang ipikit ang mga mata niya habang inuulit-ulit ang pangalan ng
mamamangka, “Charon, Charon, Charon? alam ko yung pangalan na yon!”
Tumigil muna si Charon sa pamamangka sapagkat nagtataka rin siya sa
nangyayari sa bato. Paulit-ulit niyang sinisigaw ang pangalan ni Charon,
“Charon? Chaeren? Cheyran? Chayran? Chirun? Chiron? Chiron? Chiron!”
Hanggang sa wakas ay nakita na niya at nakuha na niya ang pangalan na
hinahanap niya, Chiron, “Si Chiron, siya ang dahilan kung bakit ako nandito!
Natatandaan ko na lahat!”

“Edi ano nga ang nangyari?” tanong agad ni Charon, habang bumabalik ulit
sa pamamangka.

“Hindi pa lahat malinaw, ngunit pipilitin ko,” ika ng bato, “sisimulan ko mula sa
simula, sigurado akong kilala mo si Kronos?” Tumungo si Charon pagkabanggit
niya nito, “Alam mo ba ang kwento kung paano kinaain ni Kronus ang mga
anak niya? Noong unang panahon daw, bago pa mabuhay sila Zeus, si Kronos
ang hari nang mundo, kasama si Rhea bilang kanyang reyna. Isang araw
nabanggit ng asawa niya na siya ay buntis, sa takot nitong ma-aangatan siya,
kinain niya ito pagakanganak ng asawa niya. Nagpatuloy ito hanggang sa
pang-lima nilang anak, ngunit nang ipanganak na si Zeus, nagalit na si Rhea sa
asawa niya. Gumawa si Rhea ng isang plano upang maligtas si Zeus sa tatay
niya. Noong ihahandog niya na si Zeus kay Kronos upang kainin, pinagpalit niya
ito sa isang bato para ito ang kainin ni Kronos at hindi si Zeus. Ang nakain ni
Kronos na bata na iyon ay ako, at habang ako ay nasa loob ng tiyan ni Kronos,
si Zeus ay pinadala sa isang bundok, kung saan siya ay inalagaan ng isang
kambing.
Sa tagal kong namuhay sa tiyan ni Kronus, nagkaroon ako ng sarili kong isip.
Ang mga pinaka-una kong mga alaala ay kasama ang mga kapatid kong
lumalaki sa madilim at maliit na tiyan ni Kronus. Natatandaan ko pa nga yung
araw na una kong nasilayan ang ilaw, nakakarinig kami ng malaking gulo sa
labas noon, may mga kulog, kidlat at madaming mga sumasabog. Hanggang
sa wakas, nakalabas kami sa tiyan ni Kronus. Sa sobrang lakas ng suntok ni Zeus,
nagawa niya kaming patalsikin roon. Lumabas kami at nandoon nakita ko ang
mga kapatid ko, mga makakapangyarihan at matatanda na. Naiwan ako
magisa, habang lahat sila ay nakikipaglaban, nanonood lang ako sa kanila.
Walang nakakaalam na buhay ako, kahit ang mga kapatid kong nakasama ko
ng napakatagal sa tiyan ng tatay namin. Hanggang sa isang araw may nakita
akong centaur, sinisilip niya lamang ang mga natirang gulo sa labanan, at
doon nasabi ko ang mga unang salita ko. 'Tulong' bulong kong mahina sa
kaniya, narinig niya ito at sinundan niya. Pag-kahanap niya sakin siya’y
nagtaka, tinanong niya sa sarili niya kung siya ba ay nababaliw o talagang
naririnig niya akong humingi ng tulong. Hindi siya tulad ng ibang centaur na
magugulo at mayayabang, matalino siya at mabait. Ang katawan niya, kahit
siya ay kalahating kabayo, paa ng tao ang kanyang nasa harap, patunay na
iba siya sa mga kalahi niya. Siya si Chiron, ang kabayong tumulong at
kumupkop sa akin, anak ni Kronus, kalahating kapatid ni Zeus, ampon na
kalahating kapatid ko."

Napakahaba ng naging kwento ng bato, ngunit sa buo nito ay nakinig si


Charon, ”Ibig sabihin mo, nagkaisip ka pagkatapos mong mabuhay sa tiyan ni
Kronus?

"Hindi lang yun, nagkaroon din ako ng kapangyarihan sa mga bato. Kaya kong
gumamit ng mga bato noon na magsisilbi bilang aking mga kamay at paa. Ako
ay binansagang ‘Diyos Ng Mga Bato’“ paliwanag ng bato.

“Kung gayon, paano ka namatay?"

Sa pagkwento niya nito, siya ay nagsimula na ulit na malungkot. ”Nangyari


siguro yun dahil kay Herakles. Napakatagal kong tumira kay Chiron, at
napakarami ko ring natutunan sa kanya, pero isang araw, dumalaw si Herakles
sa kaibigan niyang centaur na si Pholus. Naisipan nilang uminom ng alak, ngunit
sa sobrang tapang nito, naamoy rin ito ng iba pang centaur. Nagkaroon ng
malaking inuman nung gabing yoon, kaya lang nang magsimula nang
malasing ang ibang centaur sinimulan nito atakihin si Herakles. Sa hindi nila
sinasadya, napatay nila si Pholus. Nagalit si Herakles, at gamit ang pana niya na
may lason ng isang hydra, pinagpapapatay niya ang mga Centaur—"
"—kaya pala nakaraan sobrang dami kong centaur na hinatid.” biro pa ni
Charon

"Pinatay ni Herakles lahat, ngunit may mga nakatakas pang iba, tumakbo sila at
nagtago sa kuweba namin ni Chiron. Nagulat kaming dalawa nun, apat o
limang kabayo ang pumasak sa kuweba namin humihingi ng tulong, ngunit
bago man sila makakuha nito, natamaan na sila ng pana ni Herakles. Nagulat
ako nang lahat sila mahulog sa akin, patay, ngunit habang sinusubukan kong
tumayo naramdaman ko na may bumagsak pang isang kabayo. Si Chiron ay
natamaan din, agad siyang pinuntahan ni Herakles na humihingi ng tawad sa
dati niyang guro. Hindi maaring mamatay si Chiron sapagkat bilang anak ni
Kronus, may roon siyang walang kamatayang buhay, ngunit ang lason na
binigay ni Herakles sa kanya ay napakasakit at wala nang lunas, na ninais niya
nalang na mamatay. Naisipan niya nalang na ipalit ang buhay niya kay
Prometheus, ipagpapalit niya ang buhay niya para mailigtas si Prometheus.
Tinupad ito ng mga taga-hukom, at ngayon pinaparusahan siya ng tulad kay
Prometheus. Ngayon naisipan kong ipagpalit ang buhay ko para sa kanya, isa
naman akong bato, at hindi naman ako masasaktan.” tapos ng bato sa kwento
niya. Sakto lamang na nakarating na sila sa kanilang pinupuntahan, ang
pintuan ng Mundong-Ilalim.

“Nandito na tayo,” sabi ni Charon.

“Talaga? Sige, ito na yon, paalam,” bati ng bato, ngunit habang pinipilit niyang
tumayo, naalala niyang hindi niya nga pala kayang gumalaw, kaya’t humarap
ulit siya kay Charon at humingi ng tulong. “Saglit, maari mo ba akong buhatin?”
Binuhat siya ni Charon at dinala sa loob ng Mundong-Ilalim. Nadaanan nila ang
malaking aso ni Hades na may tatlong ulo, ang cerberus, at dinala siya sa
harap ng tatlong manghuhukom ng Mundong-Ilalim.

“Dwayne 'Ang Bato' Balboa, Diyos ng mga Bato! Nakatayo ka ngayon, o buhat,
sa harap ng mga magagaling na manghuhukom sa Mundong-Ilalim. Nais mong
makipagpalit sa puwesto ni Chiron sa Tartarus, at tinutupad namin itong
kagustuhan mo! Sa Tartarus mararanasan mo ang hirap na dinanas Chiron, na
dinanas rin ni Prometheus, na dinanas din ng lahat nang nauna sa kanya!. Itatali
ka sa isang bato habang itinutuka ng malaking agila and atay mo araw-araw!”
Tinulungan parin ni Charon ang bato, o si Dwayne, papunta sa mga pintuan ng
Tartarus. Nang makarating sa mga pintuan, nasalubong nilang dalawa ang
isang hinang-hinang centaur, na maraming sugat. “Chiron!” tawag ni Dwayne.

“Dwayne?” tanong ni Chiron, nagtataka siya kung bakit nandoon ang kapatid
niya.
“Malaya ka na Chiron! Malaya ka na!” tawa pa ni Dwayne. Nagulat si Chiron sa
lahat ng nangyayari, at ang huling kita niya nalang sa kapatid niya ay ang pag-
tawa nito, habang buhat ni Charon, pumapasok sa nagsasarang pintuan ng
Tartarus.

You might also like