You are on page 1of 35

CORNELIO S.

REYES
CORNELIO S. REYES
CORNELIO S. REYES
ALAPAAP - MANINIPIS NA ULAP
Napuno ng mga alapaap ang kalangitan,badya nga ng papalapit na panahon ng
tag-ulan

SANTINAKPAN - DAIGDIG/MUNDO
Ang diyos ang siyang lumikha ng buong santinakpan

BATHALA - DIYOS/PANGINOON
Nanalangin si Phoem sa mga bathala na sana siya'y pumasa sa pagsusulit.

BANAY-BANAY - DAHAN-DAHAN
Banay-banay siyang lumakad patungo sa kanyang kwarto upang hindi siya marinig
ng kanyang mga magulang.

KUBYERTA - PALAPAG (SA BARKO)


Makikita na dalawa ang kubyerta ng bapor tabo sa kwentong El Filibusterismo
Sa simula ng akda ay inilalarawan ang karumaldumal na
kamatayan ni Korbo na labis niyang pagtutol. Isinasaad dito
na ang tauhan ay hindi pa handa sa kamatayan.

Isang iglap sa pagitan ng buhay at kamatayan. Isang iglap sa


pag-igkas ng mabilis na kableng gabisig at sa paghampas nito
sa bungo ni Korbo. Isang iglap na abot langit na sigaw ng
pagtutol ng kanyang utak na sa loob ng isang iglap ding yaon
ay pira-pirasong na nagkalat sa lapag ng ikiran ng balot- bakal
na kable.
Ang pagpitlag ng kable na humampas sa bungo ni
Korbo.

Tatlong putol-putol na babala! Uli! At Uli! At Uli!


Panganib! Panganib! Panganib! Ihinto ang lahat
ng makina . Humampas ang kable at naluray ang
isang bungong nagkalat ng pira-pirasong utak sa
lapag ng ikiran.
Sa kung saan nakalatag ang bangkay na katawan ni
Korbo ay mayroong nakitang isang mahiwagang
palawit.

Sa kalat na mga utak ay napasama ang isang kwentas


na ginto na may palawit na maliit at mahiwagang
bathala . Madidilat ang malalaking mata nito na wari
bagang ibig sakupin sa isang titig lamang ang lahat na
makikita sa buong san tinakpan.
Paksang–diwa o Tema

Ang paksang-diwa sa binasang genra ay tungkol sa


taong nagsikap sa buhay upang maibigay sa
minamahal ang masaganang buhay at isantabi ang
sariling interes at kaligayahan. At nagwakas ang
lahat ng paghihirap dahil sa kamatayan na hindi
mapipigilan nino man.
Sa isang iglap, mula nang makita ni Korbo ang
pag-igkas ng kable may dalang kamatayan para sa
kanya at hanggang sa yao’y kanyang nadama, ang
isang kidlat at parang kislap ng gumuhit at nahalo
sa kanyang utak ang ligaya, ang lunkot, si Karelia,
inangkin niyang anak, si Dando , upang magwakas
ang lahat isang maapiy at nakakabulag na liwanag.
Paglalaarawan ng Tauhan

Ang mga tauhan ay mga taong may sariling


pangarap sa buhay sapagkat kabilang sila sa mga
mahihirap na namumuhay sa kumunidad . Isang
nagsisikap maghanap-buhay sa kabila ng kanyang
nais at kakayahan dahil sa pag-ibig.
“ Kung gayo’y alam mo na “ ang
kanyang sabi. “hindi ako natanggap
sa pagawaang itinuro mo sa akin.
Totoong marami ang walang hanap-
buhay, kayrami naming gayong isa
lamang ang kailangan”.
Simbolo o Sagisag

Ang nakikitang simbolo ng binasang


genra ay mahiwagang palawit na
bathala sa kwentas at bapor. Ito ay
sumisimbolo ng hiwaga ng buhay.
Sosyolohikal
Sa teoryang ito, ay may paksang nagbibigay ng kaapihang
dinanas ng tauhan a kwento at sa mga tunay na nagyayari sa
lipunan.

“ A, nagulat ka na sa akin , Karelia, gayong hindi ko naman


kasalanan ang pagiging pintor ko. Kasalanan bang makadama
at makakita ng kagandahan at ibigin ng buo kong pagkatao na
iguhit yaon upang makita at madama ng iba? At kung
tinatawanan man ng marami ang gayong gawi sapagkat hindi ko
mabibili ng bigas ay hindi nangangahhulugan nasa kanila ang
katotohanan.
Naturalismo
Ang teoryang Naturalismo , ang buhay at kamatayan ng tao ay
natural lamang. Higit na makatotohanan na ang tao ay
dumadanas ng kamatayan at kahirapan na angkop sa imahe ng
kapaligiran subalit hindi pa handa sa pagharap sa kamatayan na
di mapipigilan.

Isang iglap na pagitan ng buhay at kamatayan . Isang iglap mula sa


pagigkas ng mabilis na kableng gabisig at sa paghampas nito sa bungo
ni Korbo . Isang iglap ng abot-langit na sigaw ng pagtutol ng kanyang
utak na sa loob ng isang iglap ding yaon ay pira-pirasong nakalat ng
ikiran na balot-bakal na kable.
Realismo
Ang teoryang ito , ang katotohanan na nangyayari sa
kapaligiran kaysa kagandahan. Nakapokus ito sa kalayaan
sa tauhang naapi.

Pagkatapos ng turno ni Korbo ay sabik na minalas niya ang


parisukat na piraso ng langit na nakikita mula sa siwang sa
kubyerta na pinagmumulan ng walang patid na dating ng kable.
Ang kaluluwa ng isang pintor ay uhaw na umiinom sa piraso ng
langit nayaon na siyang tanging kagandahan sa dilim ng
libingan ng ikiran.

You might also like