You are on page 1of 1

Testimonial

Napakarami ng mahuhusay, matatalino at magagaling pero iilan lamang ang may


pusong marunong tumanggap ng pagkakamali na may pagpapakumbaba.
Sa mahigit labing-limang taon ko sa pagbibigay serbisyo pampubliko upang maiangat
ang antas ng buhay ng pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng Edukasyon at sa mga
adbokasiyang may kinalaman sa paglinang ng kaalaman ng kabataan at pagpapabuti ng
liderato sa pamayanan, isa lamang ang aking napagtanto – hindi ako nagiisa sa aking hangarin.
Marami kami at ang ilan sa kanila ay nagkukubli sa telon at kinang ng liwanag na aktibong
isinasagawa ang pagbabagong ninanais sa ating bayan, pagbabagong hindi magiging madali
kung hindi magsasagawa ng unang hakbang tungo dito.
Isang personalidad sa kabilang panig ng aming probinsya ang kinakitaan ko ng interes
sa mga bagay na may kinalaman sa panlipunang pananagutan upang lalong mapaigting at
mapagyabong ang kaalaman ng kabataan, mamulat sa kamalayan mula sa lahing pinagmulan
at ipagpatuloy ang kabayanihan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan sa
adhikaing may kinalaman sa Edukasyon at sa Bayan.
Sa pagbabagong hinahangad, handa na akong hawiin ang telon at sindihan ang liwanag
upang magbigay daan sa isang ordinaryong Pilipino na may extra ordinaryong kontribusyon sa
ating bayan, isang natatanging lipi na kinakailangang ipunla ang pulang dugo upang patuloy na
dumaloy at umusbong ng may pagmamalaki at pagmamahal sa Bayan. Totoo ngang
napakarami ng mahuhusay, matatalino at magagaling pero iilan lamang ang may pusong
marunong tumanggap ng pagkakamali at kabutihan sa kanilang puso na may
pagpapakumbaba at handang ipagmalaki ang lahing pinagmulan at isa si RUPERT RONIEL
“Kuya Photz” LAXAMANA sa natatanging Dangal ng Lipi, sa isip, sa salita, at sa gawa.
Kung sa tingin ng ilan walang Bayaning Buhay, isang kahibangan dahil ang isa sa kanila
ay ang bumubuhay sa pangarap ng Kabataan Pinoy. Isang Buhay na Bayani na patuloy
huhubog at magmumulat para sa Bayang hindi palulupig at pasisiil.

ANDRES COTELO
MATAWARAN, EdD

EDUCATION PROGRAM
SUPERVISOR

DEPED BATAAN

You might also like