Professional Documents
Culture Documents
Athena Script Final
Athena Script Final
Characters:
Zeus – Banton Haphaestus - Kiro
Metis – Lea Mga kawal – Jeru at Riza
Athena – Trisha
Props:
Tubig Espada
Palakol
Ulo
Tela
Zeus: O’ diyosa ng karunungan, Metis, ikaw ay aking iniibig, ikaw ay aking magiging asawa,sa ayaw mo man
o gusto, at wala nisinumang makakapigil sa akin!! Bwuhahaha
Metis: Hindi!! Hindi maari!! Hinding hindi ako magiging asawa mo!
Zeus: hinding hindi moa ko kayang pigilan
(bababa ng stage si banton, matitira si lea, at kakausapin ang sarili)
Metis: Makakatakas ako sa mga kamay ni zeus, ako ay isang diyosang marunong, at ako ay may
kapangyarihan na magbago sa anumang hayop na gugustuhin ko, nang sa gayon ay makatakas na ako sa kamay
ng diyos.
(aakyat si banton ng galit, dahil narinig niya ang sinabi ni lea)
Zeus: Ano?!
(tatakbo si lea ngunit naabutan siya ni banton at hinili niya )
Zeus: Ikaw ay akin na ngayong asawa at ikaw ngayon ay nagdadalang tao na, kaya’t hindi kana sa akin
makakatakas pa, at ikaw ay tiyak na manganganak ng isang magandang diyos at diyosa.
( aalis si lea)
< insert sound : ORACLE OF GAIA>
Zeus: A-a-anak na lalaki? Bakit lalaki? Hindi ito maaari, hindi ako papayag na harapin ang parehong kapalaran
ng aking ama o ng aking lolo na kapwa natanggal sa kanilang pwesto dahil sa kanilang mga anak na lalaki.
Zeus: Mga kawal !!
( aakyat sina riza at portuguez)
Mga kawal: Ano po ang aming maipaglilingkod naming sa inyo:
Zeus: Tawagin ninyo ang aking asawa na si metis, mayroon akong maliit na surpresa para sa kaniya.
Mga kawal: Masusunod po.
(aakyat si lea)
Metis: Pinapatawag mo daw ako?
Zeus: IKAW, METIS , AY AKING HINIHILING NA MAGING ISANG PATAK NA LAMANG NG
TUBIG! NANG HINDI KA MANGANAK NG LALAKI UPANG AKO AY HINDI MATANGGAL SA
AKING PWESTO ! BWUAHAHHA
< insert sound fx: THUNDER>
(ininom ang tubig)
Zeus: Ngayong wala ka na, wala nang manganganak ng isang lalaki at wala na ding aagaw sa aking puwesto.
At nagpapasalamat ako sayo aking asawa dahil nagsisimula na magsama sama ang iyong kapangyarihan, ako
ngayon ay mas matalino, patas at hindi gaanong mapusok na diyos
( makalipas ang ilang araw)
Zeus: ARGHH!! Sobrang sakit ng ulo ko!! Habang sumasakit ay patuloy ang paglaki! Hindi ko na kaya ang
sakit!! MGA KAWALLL!!
( aakyat sina jeru at riza)
Mga kawal: Ano po ang maipaglilingkod namin?
Zeus: Tawagin ninyo si Hephaestus, ang diyos ng mga pandayan.
Mga kawal: Masusunod po.
( Bababa sila riza at jeru, at aakyat si kiro)
Haphaestus : Ano ang nais mo?
Zeus: Nais kong buksan mo ang aking ulo, at nais kong tanggalin mo ang dahilan ng pagsakit at paglaki ng
aking ulo.
Haphaestus : Masusunod po.
( Pagkatapos ay lumabas si trisha)
Zeus: O’ Aking anak!
Athena: Ako si Athena, ang iyong anak, handang makipaglaban at mayroon ng sapat na gulang.
Zeus: Halina kayo dito aking mga tao!
( Aakyat lahat ng natitirang tao maliban kay lea)
Zeus: Nais kong makilala ninyo ang aking anak, si Athena, siya ay mayroong karunungan ng kanyang ina at
siya ay magiging diyosa ng karunungan at siya rin ay ituturing na diyosa ng mga nagtatanggol na digmaan
( magpapalakpakan ang mga tao )
Athena: Mga tao, ako si Athena at ako ay isang matapang, dalisay, patas at diyosa.
Zeus: siya ang itinuturing ko bilang aking paboritong anak, at siya ang magiging tagapagmana ko.