You are on page 1of 2

Corazon Aquino

Kabilang pa sa mga ginawa niya na naging tatak ng kanyang


administrasyon ang pagrereporma sa Family Code of the
Philippines at ang pagbabago ng istraktura ng Ehekutibong
Sangay ng Gobyerno sa pamamagitan ng Administrative Code of
1987. Ganito rin ang kaniyang ginawa sa Korte Suprema upang
mapanumbalik ang pagiging independiyente nito.

Nakita ni Tita Cory na napakaraming dapat gawin matapos ang


mahigit dalawang dekadang pamumuno ni Pangulong Marcos.
Kabilang sa una niyang pinagtuunan ng pansin ang pagbabayad
sa noo’y 26 na bilyong dolyar na utang ng bansa. Bagama’t hindi
ito naging isang popular na desisyon, para kay Aquino, ang pagbabayad ng mga utang na ito ang pagpapanumnalik ng
magandang reputasyon ng Pilipinas sa mga mamamumunuhan sa buong mundo.

Sa kanyang pamumuno, binuwag ang mga cartel at monopolya. Ibinukas din ang merkado sa mga nais mag-negosyo,
banyaga man o lokal na negosyante. Upang mapunan ang lumobong kakulangan sa pondo ng bansa, isina-pribado ang
ilang korporasyon na pag-aari ng gobyerno.

Naging pamana ng Administrasyong Aquino ang mga proyekto kaugnay ng sektor ng agraryo. Noong 1988, sa suporta na
rin ni Tita Cory, ipinasa ng Kongreso ang Republic Act Number 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law na
nagbigay-daan sa pamamahagi ng mga lupaing agrikultura sa mga “tenant-farmers” mula sa mga may-ari nito.

Benigno “Ninoy” Aquino Jr.


Dahil sa kasikatan ni Ninoy, naging sentro ito ng atensyon ng
Ferdinand Marcos administration. Madalas patamaan ni
Ninoy ang diktaturya ni Marcos, dahilan para lihim siyang
idetine noong September 22, 1972 sa kasagsagan ng martial
law sa Fort Bonifacio, Abril 4 taong 1975 ay nagsagawa ng
hunger strike si Aquino para i-protesta ang mga kaso laban sa
kanya. Nag-offer ang gobyerno na mapakawalan siya kapalit
ng pananahimik nito ukol sa administrasyon ngunit hindi
natinag si Aquino.

1977 ay sinentensyahan ng execution by firing squad si Ninoy


sa bisa ng Military Commission No. 2 ngunit hindi naman
isinagawa. Matapos ang pitong taon, 1980 ay pinakawalan na si Ninoy Aquino para isailalim sa triple heart bypass
surgery na sinagawa sa Baylor Medical Center, Dallas, Texas at dito namalagi ng tatlong taon, ngunit kahit nasa ibang
bansa na ay patuloy pa rin ang pagpuna nito sa Marcos administration.

Taong 1983 ay bumalik sa Pilipinas si Ninoy kahit pa maraming nagsasabi na mapanganib ang kanyang buhay sa Pilipinas.

Ngunit hindi natinag si Aquino, gamit ang pangalang ‘Marcial Bonifacio’ sa kanyang passport ay lumipad pa-Pinas ang
senador, saad sa report ng New York Times ay ilang detour ang ginawa sa flight ni Ninoy para hindi malaman ang
eksaktong pagdating sa bansa.
Benigno “Noynoy” Aquino III
Sa kanyang pag-upo, dala ni Aquino ang pangako ng panunungkulan sa
pamamaraan ng matuwid na daan.

Nagbigay ito ng bagong pag-asa at pagpapanumbalik ng tiwala sa pamahalaan


hindi lamang ng mga Pilipino, kundi ng mga banyaga. Sa ilalim ng kaniyang
pamamahala, lumago ang ekonomiya ng bansa. Masiglang ini-uulat ito ng
pangulo sa kanyang mga isinagawang State of the Nation Address o SONA.
Katulad na lamang ng pagdami ng mamumuhunan sa iba’t ibang sektor ng
gobyerno na nagbibigay ng serbisyo at trabaho sa taumbayan. Ayon sa datos ng
pamahalaan, bumaba ang bilang ng walang trabaho at ng mga nagugutom,
tumaas ang bilang ng nabibigyan ng tulong pampinansyal sa pamamagitan ng
Conditional Cash Transfer Program, at sinasaklawan ng Philippine Health
Insurance Corporation o PhilHealth.

Bukod pa riyan, sa kabila ng hindi pagsasakatuparan ng minimithing rice self-sufficiency, malaki naman ang
itinaas ng ani ng palay sa bansa sa mga proyektong isinagawa ng kagawaran ng agrikultura.

Naniniwala rin ang Administrasyong Noynoy Aquino na maitataas ang antas ng edukasyon sa bansa sa
pagpapatupad ng K to 12 Program.

Kung susuriin, matapos ang Marcos Regime, sa pamahalaan ni Pangulong Aquino lang nakita ang bunga ng AFP
Modernization Program.

Benigno “BAM” Aquino IV


Sa edad na 36, siya ang pinakabatang senador ng bansa ngayon. At
bagama't kapangalan niya ang dalawa sa pinaka-prominenteng tao sa
kasaysayan ng bansa-- ang tiyuhin niyang si Ninoy at ang pinasan niyang
si Noynoy-- malinaw na may sarili siyang diskarte bilang lingkod-bayan.
Sa one-on-one nila ni Mel, ikikwento ng batang senador ang simula ng
kaniyang political career na tila itinakda ng tadhana, ang impluwensiya
ng kaniyang tanyag na tiyuhin sa kaniyang tinahak na buhay bilang
public servant, at maging ang love story nila ng kaniyang asawang si
Timmy.

Sa panukalang batas ni Sen. Bam Aquino na Senate Bill No. 356 o Mandatory
PhilHealth for PWDs Act, sasailalim sa Philhealth coverage ang lahat ng persons
with disabilities (PWDs). Layon ng SB 356 na amyendahan ang Republic Act
7277 o ang "Magna Carta for Persons with Disability" upang maidagdag ang PWDs sa mga sakop ng Philhealth coverage.
Binibigyan din ng batas ng insentibo sa buwis ang sinumang may kamag-anak na PWDs, hanggang sa tinatawag na fourth
civil degree.

You might also like