You are on page 1of 1

EVANGELINE D.

GAMAY

Para Sayo Nanay

Ina, Inay, Nanay, Mama


Anuman ang ating itawag sa kanila
Hindi matutumbasan o mapapantayan
Ang pag-aalagang inilaan para sa atin

Ang pag-aaruga’t pagmamahal niya


Sa ami’y lubos na ipinaranas
mabait at masipag ay siyang ipinamalas
Tunay na Ina sa aki'y pusoy walang katumbas

Lahat ay ginawa, tiniis at inilaan


Kahit pa nasasaktan
Sa aming mga kakulitan at pagkukulang
Minsa’y napupuno't napapaluha tatawa nalang

Yan ang nanay ko kabibiliban niyo!


Dahil kahit kami’y magugulo
Pasensya nya’y
Abot hanggang dulo

Kaya naman, sa araw na ito


Ikaw, aking ina ay pahahalagahan ko
Masiyahan ka sana
Sa munting mensaheng ito

Laking pasasalamat namin


Sa ating Panginoon
Dahil nilikha Niya kayo
Upang magsilbing instrumento

Salamat po Nanay
Sa inyong pag gabay
Kung wala ka sa aking buhay
Ako'y walang halaga at malulumbay

Taos puso kong ipag papasalamat


Sa buong mundo'y ipagsisigawan
I love you Nanay! YOU’RE THE BEST! Nanay!

You might also like