Fil PPP

You might also like

You are on page 1of 2

PANUKALA SA PAGPAPATUPAD NG PROGRAMANG

"ASO MO, TALI MO"

PARA SA BARANGAY MOCONG

Mula kina:

Lyka Shane Apuya

Athenna Candilas

Febe Delos Santos

Mc Roland Cacho

Ramil Francisco Jr.

Franz Fermar Dalumpines

Brngy. Mocong Basud Camarines Norte

Ika-8 ng Setyembre, 2019

Haba ng Panahong Gugulin: 21 Araw

I. Pagpapahayag ng suliranin

Isa ang Barangay Mocong sa may mataas na bilang ng populasyon na barangay ng bayan
ng Basud sa Camarines Norte. May maayos naman na pamamahala at tahimik lamang
na lugar subalit biglang dumadami at tumaas ang kaso ng disgrasya dahil sa mga
nagkakalat na asong gala.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Mocong sa kasalukuyan ay ang sunod


sunod na pagrereklamo ng mamamayan at mga karatig pang barangay dahil sa pinsalang
dulot ng mga asong kalye. Nagdulot ito ng malaking problema sa mga mamamayan dahil
sa mga bayarin na dapat gastusin sa pag papagamot at sa panaganib sa kanilang mga
buhay na dulot nito. Ang pangunahing sanhi nito ay ang pag papagala gala ng mga aso
lalo na sa kalsada kung saan dinadaanan ng mga sasakyan na nasasangkot sa disgrasya
dahil sa mga biglaang pagtawid ng mga asong gala. Isa pa ay dahil narin sa mainit na
panahon hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng rabies sa aso at sa iba pang mga hayop.

Dahil sa mga problemang ito ay naisipan namin ang pagpapatupad ng programang "Aso
mo, Tali mo" kontra disgrasya. Ito ay patungkol sa pagbabantay, pagtatali o pagkukulong
ng sariling aso upang hindi na makapag pinsala pa ng iba. Sa unang pagsuway ikaw ay
pagsasabihan, sa pangalwa naman na pagsuway ay may kaakibat nang multa, sa ikatlo
naman hindi pa sigurado subalit mas mataas na ang pagpataw. Kung ito ay
maipapatupad ay siguradong mababawasan ang kaso ng disgrasya sa barangay at
mababawasan rin ang takot na mga mamamayan sa paglalakad lakad. Kailangang
maisagawa ang pagpapa seminar sa barangay patungkol sa programang ito sa lalong
madaling panahon para na rin sa kapakanan ng bawat mamamayan at ng mga karatig
pang barangay na apektado nito.
II. Layunin

Maipatupad ang programang "Aso mo, Tali mo" upang maiwasan ang disgrasya at
pinsalang naidudulot ng mga asong kalye. Makabubuti din ito sa lagay ng barangay
upang makabilang ito sa isa sa mga ligtas na lugar na maaaring mapuntahan.

III. Plano ng Dapat Gawin

1. Papapasa, pag aaproba, paglalabas ng badyet ( 7 araw)

2. Pagse-survey sa bawat bahay kung ilan ang pagmamay aring aso (7 araw)

3. Pagkakaroon ng seminar sa barangay patungkol sa program (7 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

1. Mga gagamitin sa pesentasyon sa Php 15000


seminar (fliers, upuan, lamesa, dekorasyon,
atbpa )

2. Pa snack sa mga dadalo Php 10000

Kabuuang Halaga Php 25000

V. Benepisyo ng proyekto at mga makikinabang nito

Ang pagpapatupad ng Programang "Aso mo, Tali mo" ay makabubuti para sa lahat.
Magkakaroon ng mas mapayapang barangay na iwas sa aksidente at disgrasya.
Maiiwasan ang malaking gastusin ng mga apektadong pamilya kung sakaling masangkot
man sa disgrasya dahil sa aso. Hindi na matatakot ang mga magulang na magpagala gala
ang kanilang mga anak dahil sa pangambang baka makagat ng aso. At magkakaroon ng
kapanatagan ang mga motorista at iba pang drayber.

Mababawasan na din ang alalahanin ng mga opisyal ng barangay sa mga reklamo na


natatangap na maaaring makapagpababa at magkaapekto sa kanilang mga katungkulan.
Gayundin, kaunti na lang ang kanilang mga sosolusyonang isyu at maaaring tumaas ang
rating ng barangay sa pagiging payapa nito dahil sa pagbaba ng kaso sa disgrasya .

Siguraduhing wala nang mapipinsala pa sa lugar at magiging mapayapa na ito. Hindi na


maaapektuhan mga karatig barangay at ang programang ito ay makakatulong sa
madaming tao na mabawasan ang kanilang mga pangamba.

You might also like