You are on page 1of 59

Araling Panlipunan

Kagamitan ng Mag-aaral
Tagalog

Yunit 2

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

i
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral: Tagalog
Unang Edisyon, 2012
ISBN: 978-971-9981-51-0
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda
ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan
o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin
ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano
Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar


Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili
Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang,
Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas
Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David,
Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus
Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at
Jayson R. Gaduena
Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro
Encoder: Earl John V. Lee

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex,
Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054, 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

ii
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Yunit 2: ANG AKING PAMILYA


Aralin 1: Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya ......................... 54
Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya ................................................ 55
Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga
61
Kasapi ng Aking Pamilya ……………………………….......
Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa Pamilya ................ 65
Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling Pamilya 70
Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng
71
Aking Pamilya ....................................................................
Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa Aking
76
Pamilya …………………………………………………………
Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento ng Aking Pamilya
80
at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aral ……………...
Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamilya 86
Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng Aking
87
Pamilya …………………………..……………………..……...
Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga
89
Alituntunin ng Aking Pamilya ...........................................
Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya …………………………… 96
Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking Pamilya …….…. 97
Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan ng Aking
100
Pamilya sa Ibang Pamilya .................................

iii
Yunit 2: ANG AKING PAMILYA

Panimula

4
Mga Layunin:
Matapos ang pag-aaral ng Yunit 2, inaasahang
magagawa mo ang sumusunod:

1. nakikilala ang mga kasapi ng pamilya;


2. nasasabi na ang bawat pamilya ay may
angking katangian;
3. nakasusunod sa mga alituntunin ng
pamilya;
4. naipagmamalaki ang pamilya;
5. napahahalagahan ang mabuting
pakikipag-ugnayan sa ibang pamilya; at
6. napahahalagahan ang ugnayan ng
sariling pamilya sa ibang pamilya
7. nabibigyan ng kahulugan ang salitang
pamilya;

5
Aralin 1:Pagkilala sa mga Kasapi ng
Pamilya

Panimula

6
Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya

Pag-isipan

Sino ang mga kasapi ng iyong pamilya?

Gawain 1
Iguhit ang mga kasapi ng iyong pamilya sa loob
ng bahay na makikita sa ibaba.

7
Gawain 2
Sagutan ang mga patlang sa tulong ng iyong
guro o tagapag-alaga.

Ako si
______________________________________.
(Ano ang iyong pangalan?)

___________________ang kasapi ng aking


(Ilan ang kasapi ng iyong pamilya?)
pamilya.

Si _____________________ ang aking ama.


(Ano ang pangalan ng iyong ama?)

Si _____________________ang aking ina.


(Ano ang pangalan ng iyong ina?)

Si/ Sina
_______________________________________
(Kung mayroon kang kapatid o mga kapatid, ano o ano-ano
ang kanilang pangalan?)

ang aking kapatid/mga kapatid.

8
Gawain 3
Tanungin ang bawat kasapi ng iyong pamilya
upang masagutan ang mga patlang.

Ang ama ko ay si _________________________________.

Siya ay _____________________________ taong gulang.

Gusto niyang mag_______________________________ .

Ang ina ko ay si__________________________________ .

Siya ay _____________________________ taong gulang.

Gusto niyang mag _______________________________ .

Si ___________________________________ay kapatid ko.

Siya ay ______________________________taong gulang.

Gusto niyang mag________________________________ .

9
Gawain 4

Tingnan ang larawan sa ibaba. Nagpapakita ito


ng mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Ito
ay isang halimbawa ng bar graph. Ipinakikita nito
ang bilang ng oras o tagal na inilagi ng pamilya ni
Bing sa bawat lugar na kanilang pinasyalan.

Ang bar graph ay isang uri ng graph na


gumagamit ng mga bar upang ipakita ang
bilang o dami ng isang bagay.

Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa


Lugar na Kanilang Pinasyalan

5
4
Oras

Simbahan Parke Pamilihan Bahay


ng lola

Mga Lugar na Pinasyalan

10
Sa paggamit ng bar graph, mahalagang
tingnan muna ang pamagat upang malaman kung
ano ang ipinakikita nito. Ang pamagat ng bar graph
na makikita sa itaas ay “Bilang ng Oras na Inilagi ng
Pamilya ni Bing sa mga Lugar na Kanilang
Pinasyalan.” Sa pinakaibabang bahagi ng graph,
makikita ang mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni
Bing. Sa gilid naman nito makikita ang bilang ng oras
o tagal na inilagi nila sa bawat lugar. Ang bawat bar
sa graph ang nagsasabi kung ilang oras ang inilagi
ng pamilya sa isang lugar. Ituro ang iyong daliri sa
bar para sa simbahan. Umabot lamang ito sa bilang
dalawa (2). Nangangahulugang dalawang oras ang
inilagi ng pamilya ni Bing sa simbahan.

Ilang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa


parke? Saang lugar sila pinakamatagal na nanatili?

Gawain 5

Kasama ang iyong mga kamag-aral, subukin


ninyong gumawa ng graph na nagpapakita ng
bilang ng mga kasapi ng inyong pamilya. Humingi
ng papel na hugis parisukat sa inyong guro. Ito ang
gagamitin ninyong bar sa gagawing bar graph
upang maipakita ang bilang ng kasapi ng inyong
pamilya.

11
Ang mga Kasapi ng Pamilya
10

9
Bilang ng Kasapi ng Pamilya

8
7
6 Ben

5 Malaya
Ned
4 Maki Dan
Rina
3 Ron
Lito Mark Abbi
2
Nena Susan Mila Rosa Edna
1 Aris Mong Pat Bert
Nato

Miko Bea Lina Paolo Tina

Pangalan ng Mag-aaral
Isulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng
iyong pamilya at idikit ito sa graph na ilalagay ng
inyong guro sa isang bahagi ng inyong silid-aralan.

Tandaan:
Ikaw ay bahagi ng isang pamilya.
May iba’t ibang kasaping bumubuo
sa iyong pamilya.
May pamilyang marami ang kasapi. May
pamilyang kakaunti ang kasapi.

12
Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng
mga Kasapi ng Aking Pamilya

Pag-isipan
Ano-ano ang ginagawa ng mga
kasapi ng iyong pamilya sa loob ng
inyong tahanan?

Gawain 1

Tingnan ang larawan ng dalawang kamay.


Isulat ang tawag mo sa iyong ama at ina o
tagapag-alaga sa patlang na makikita mo sa itaas
ng larawan.

13
Gawain 2

Basahin ang tula na pinamagatang “Ang


Aming Mag-anak”, nakuha mula sa
http://www.takdang aralin.com/Filipino/mga-tulang-
pambata/mga-tula-tungkol-sa-pamilya/.

Ang Aming Mag-anak

Ang aming mag-anak ay laging masaya.


Maligaya kami nina ate at kuya.
Mahal kaming lahat ni ama’t ina.
Mayroon ba kayong ganitong pamilya?
Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan,
Tulong ni ama ay laging nakaabang
Suliranin ni ate ay nalulunasan,
Sa tulong ni inang laging nakalaan

.
Sa ating tula, ilan ang kasapi ng pamilya?

 Sino-sino sila?
 Ano ang naramdaman ng pamilya?
 Paano mo ito nasabi?
 Ano-ano ang ginagawa nila sa isa’t isa?

Sa iyong palagay, tama kaya ito? Oo o hindi,


bakit?

14
Gawain 3

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Iguhit


ang iba’t ibang kasapi ng pamilya. Humingi ng stick
sa guro. Idikit ang mga iginuhit sa stick.

Ang inyong binuo ay isang halimbawa ng


puppet.

Gamit ang ginawang puppet, isalaysay ninyo


ang araw-araw na gawain ng bawat kasapi ng
pamilya. Ipakita rin kung paano nagtutulungan ang
bawat kasapi.

15
Gawain 4

Sabay-sabay awitin ang awit na “Masaya kung


Sama-sama.”

Masaya kung sama-sama,


Sama-sama, sama-sama

Masaya kung sama-sama,


At nagtutulungan

Kay inam ng buhay


Kung nagmamahalan
Masaya kung sama-sama
Ang buong pamilya

Tandaan:

Ang bawat kasapi ng iyong pamilya ay


mahalaga. Bawat isa sa kanila ay may
bahaging ginagampanan sa inyong
pamilya.

16
Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa
Pamilya

Pag-isipan

Ano ang mga tungkulin mo sa iyong


pamilya?

Gawain 1

Tingnan ang mga larawan na nagpapakita ng


isang araw na gawain sa pamilya ni Ben. Alamin
kung ano ang ginagawa ni Ben sa bawat larawan.

17
Ano ang ginagawa ni Ben at ng kaniyang mga
kapatid?

Sa iyong palagay, tama ba ang ginagawa


nila? Bakit?

Ano kaya ang nararamdaman ng mga


magulang ni Ben sa ginagawa nilang
magkakapatid?

Alin sa mga gawaing ito ang iyong ginagawa


sa inyong tahanan?

Ang nasa larawan ay nagpapakita ng mga


tungkulin ng bata sa kanilang tahahan. Ang
tungkulin ay mga bagay na dapat mong tuparin
upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at
masayang pagsasama ng inyong pamilya.

Ano pa ang mga tungkulin mo sa inyong


tahanan?

18
Gawain 2

Tingnan ang mga larawang nasa tsart. Alamin


kung alin sa mga ito ang nagpapakita na natupad
ang tungkulin.
Iguhit ang masayang mukha sa larawang
nagpapakita na natupad ang tungkulin at
malungkot na mukha  naman kung nagpapakita
na hindi natupad ang tungkulin.

19
Gawain 3

Tingnan ang tsart ng mga tungkulin sa iyong


pamilya. Lagyan ng tsek () ang iyong nagawang
tungkulin sa bawat araw.

20
21
Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling
Pamilya

Panimula

Tandaan:

Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa


iyong pamilya.
Mahalagang tuparin ang iyong mga tungkulin
upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan,
at masayang pagsasama ng inyong pamilya.

22
Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari
sa Buhay ng Aking Pamilya

Pag-isipan
Ano ang mga pangyayari sa inyong
pamilya na nagpasaya sa iyo?

Gawain 1

Mag-isip ng tatlong nangyari sa iyo kahapon.


Iguhit ang mga ito sa kahon ayon sa pagkakasunod-
sunod.
Ang Tatlong Bagay na Nangyari sa Akin
Kahapon

23
Gawain 2

Makinig sa kuwento ng iyong guro tungkol sa


mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyang
pamilya.

24
Gawain 3

Tignang mabuti ang larawang nasa ibaba.

Ano ang nakikita sa larawan?

Sino-sino ang nakikita sa larawan?

Anong pangyayari ang nakikita sa larawan?

Ano ang nararamdaman ng mga tao sa


larawan? Bakit?

Mahalaga kaya ang pangyayaring ito para sa


pamilyang nakikita sa larawan? Bakit mo ito nasabi?

Ano pa kayang pangyayari sa buhay ng


pamilya ang maituturing na mahalaga?
25
Gawain 4

Pumili ng limang mahahalagang pangyayari sa


buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang bawat
pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa loob
ng larawan ng bahay.

26
Gawain 5

Ibahagi sa klase ang mahahalagang


pangyayari sa buhay ng iyong pamilya batay sa
ginawang timeline.

Ano ang naramdaman mo habang ibinabahagi


ang kuwento ng buhay ng iyong pamilya?

Tandaan:

May mahahalagang pangyayari sa


buhay ng iyong pamilya. Bahagi ito ng
iyong buhay. Makatutulong ang mga ito sa
pagpapabuti ng iyong sarili.

27
Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili
sa Aking Pamilya

Pag-isipan
Ano ang mga bagay o pangyayaring
nagbabago o nagpapatuloy sa iyong
pamilya?

Gawain 1

Ito ang pamilya ni Laya noong isilang siya at


noong anim na taon na siya. Alin ang nagbago sa
dalawang larawan? Kulayan ito ng berde.

Larawan 1: Noong isilang si Laya

A B

28
Larawan 2 : Noong anim na taong gulang na si Laya

Marami ka bang nakulayan?

Gawain 2

Ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang mga


napansin mong nagbago at nanatili sa Larawan 1 at
Larawan 2 ng pamilya ni Laya.
Pareho lang ba ang bilang ng kasapi ng
pamilya ni Laya sa letrang A at letrang B ng Larawan
1?
Ikumpara ang hitsura ni Laya at ng mga kasapi
ng pamilya na nasa letrang A at letrang B ng
Larawan
1. Anong pagbabago ang napansin mo sa
kanila?

29
Ano ang masasabi mo sa kanilang bahay at sa
kapaligiran nito kung ikukumpara mo ang letrang C
at letrang D ng Larawan 2?

Gawain 3

Mag-isip ka ng tatlong mahalagang pangyayari


sa iyong pamilya matapos kang isilang at kanilang
makasama. Gumawa ng timeline na nagpapakita
ng mga pangyayaring ito. Iguhit ito sa loob ng kahon
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

30
Gawain 4

Tingnan ang ginawang timeline. Tukuyin kung


ano ang mga bagay na nagbago at nanatili sa
buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang mga nagbago
at nanatili sa buhay ng iyong pamilya sa kahon.

Ano ang
Ang Buhay ng Aking Ano ang
hindi
Pamilya nagbago?
nagbago?
Kasapi

Tirahan
Ginagawa sa loob
ng bahay

Sa iyong palagay, bakit may mga bagay o mga


pangyayari na nagbabago at nananatili?
May naiisip ka pa bang mga bagay o pangyayari sa
buhay ng inyong pamilya na nagbago at mga
bagay na nagpatuloy o hindi nagbago?

Tandaan:
May mga bagay o pangyayari na
nagbabago at nananatili sa buhay
ng isang pamilya.
Ang pagpapasya ng mga kasapi ng isang
pamilya ang nagdudulot ng mga pagbabago
o pananatili ng isang bagay o pangyayari.

31
Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento ng
Aking Pamilya at ng Pamilya ng
Aking mga Kamag-aral

Pag-isipan

Ano ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng iyong pamilya at
pamilya ng iyong kamag-aral?

Gawain 1

Iguhit ang iyong pamilya sa loob ng kahon.


Kulayan ito.

Sa tulong ng iyong guro o kasama sa bahay,


punan ng salita o mga salita ang mga patlang
upang makabuo ng kuwento ng iyong pamilya.

32
Ang Aking Pamilya

Ako ay nabibilang sa pamilya _________________.


(apelyido)

Binubuo ang aking pamilya ng ___________ kasapi.


(bilang ng kasapi)

Nakatira ang aming pamilya sa


_______________________________________________ .
(lugar ng tirahan)

Ang tatay ko ay isang _________________________ .


(gawain o hanapbuhay)

Ang nanay ko ay isang ________________________.


(gawain o hanapbuhay)

Ang mga paborito naming ginagawa nang sama-


sama ay ________________________________.
(paboritong gawain ng pamilya)

Ang aming pamilya ay ________________________.


(pinakagustong katangian ng pamilya)

33
Gawain 2

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.


Ibahagi ang kuwento ng iyong pamilya. Sa tulong
ng inyong guro, isulat ang inyong ibinahagi sa tsart
na makikita sa ibaba.

Gawain Gawain
Bilang
Pangalan o o
ng Paboritong
ng mga hanap- hanap-
Apelyido Kasapi Tirahan gawain ng
kasapi ng buhay buhay
ng pamilya
pangkat ng ng
Pamilya
tatay nanay

May napansin ka bang pagkakatulad at


pagkakaiba ng iyong pamilya at pamilya ng iyong
mga kamag-aral?

May nais ka pa bang ibahaging impormasyon


tungkol sa iyong pamilya?
34
Gawain 3

Magdala ng mga pangkulay, gunting, paste, at


makukulay na papel o lumang diyaryo o magazine o
tuyong dahon.

Gamit ang makukulay na papel o diyaryo o


magazine o tuyong dahon, gumawa ng isang puno
at idikit ito sa isang malinis na papel

Iguhit sa loob ng kahon ang mukha ng bawat


kasapi ng iyong pamilya. Gupitin ang mga kahon at
idikit ito sa ginawang puno.

35
Family tree ang tawag sa iyong ginawa.
Ipinakikita ng family tree ang mga kasapi ng pamilya
at ugnayan ng bawat isa.

36
Gawain 4

Ibahagi sa klase ang ginawang family tree.


Ipaskil sa pisara o isang bahagi ng silid-aralan ang
natapos ninyong family tree ng iyong mga kamag-
aral.

Pagmasdang mabuti ang mga family tree. Ano


ang masasabi mo sa inyong mga nabuong family
tree? Bakit kaya magkakaiba ang mga nabuong
family tree?

Tandaan:
May pagkakaiba at pagkakatulad ang
katangian ng bawat pamilya. Sa
pagkakaibang ito makikita ang namumukod na
katangian ng isang pamilya.

Nararapat lamang na igalang ang


katangian ng bawat pamilya.

37
Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamilya

Panimula

38
Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng
Aking Pamilya
Pag-isipan
Ano ang mga dapat at di dapat gawin
sa loob ng inyong bahay?

Gawain 1
Pagmasdan ang sumusunod na larawan. Alin sa
mga ito ang iyong ginagawa sa bahay? Kulayan
ang mga larawan na nagpapakita ng iyong
ginagawa sa bahay.

Bakit mo ginagawa ang nasa larawang iyong


kinulayan? Ang mga ugali o gawi na ipinatutupad
ng iyong magulang o nakatatandang kasapi ng
pamilya ay tinatawag na alituntunin.

May naisip ka pa bang alituntunin na


ipinatutupad sa inyong pamilya? Ano ang mga ito?
39
Gawain 2
Tingnan ang mga larawang nasa loob ng
kahon. Lagyan ng tsek () kung alin sa mga ito ang
ipinatutupad at ginagawa sa inyong bahay.

40
G. Magsabi ng “po” at opo” sanakatatanda
Maaari po
ba akong
sumama?

H. Gawin muna ang


takdang aralin bago
maglaro

I. Iligpit ang mga laruan


matapos laruin

41
Gawain 3

Tukuyin kung anong uri ng alituntunin kabilang


ang mga sinagutan mo sa Gawain 2. Isulat ang letra
sa ikalawang hanay ng tsart na makikita mo sa
ibaba.

42
Gawain 4

Pumili ng isa sa iyong mga kamag-aral. Ibahagi


sa isa’t isa ang mga alituntuning ipinatutupad sa
inyong pamilya. Alamin ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga alituntuntuning ito.

Tandaan:

May iba’t ibang alituntuning


ipinatutupad sa bawat pamilya.
Nararapat lamang igalang ang mga alituntunin
ng iyong pamilya at maging ng ibang pamilya.

43
Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa
mga Alituntunin ng Aking Pamilya
Pag-isipan

Bakit mahalagang sundin ang mga


alituntunin ng iyong pamilya?

Gawain 1

Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro


na pinamagatang “Ang Ilaw at ang Gamugamo.”

Anong sinabi ng matandang gamugamo sa


batang gamugamo?
Anong ginawa ng batang gamugamo?
Bakit hindi sinunod ng batang gamugamo ang
sinabi ng matandang gamugamo?
Ano kaya ang naramdaman ng matandang
gamugamo sa hindi pagsunod ng batang
gamugamo?
44
Anong nangyari sa batang gamugamo?
Kung ikaw ang batang gamugamo, gagawin
mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
May mga pagkakataon ba na, tulad ng batang
gamugamo, hindi mo rin sinusunod ang payo o utos
sa iyo ng iyong nanay o tatay? Ikuwento mo nga
ang iyong karanasan.
Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin
ang mga alituntunin ng inyong pamilya?
Gawain 2
Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng
pagsunod sa mga alituntunin ng pamilya.

45
Gawain 3
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.
Bawat kasapi ng pangkat ay maglalaro ng
binagong “Snakes and Ladders.” Makinig sa
panutong sasabihin ng inyong guro para sa larong
ito.

Ano ang naramdaman mo habang nilalaro ang


binagong Snakes and Ladders?
Ano ang nangyayari kapag natapat ang iyong
pamato sa larawang nagpapakita ng pagsunod sa
alituntunin?
Ano naman ang nangyayari kapag natapat
ang iyong pamato sa larawang nagpapakita ng
hindi pagsunod sa alituntunin?
46
Gawain 4

Magpatulong sa guro upang mapunan ang


patlang sa liham na naglalaman ng pangako mo sa
iyong magulang o tagapag-alaga.

Mahal na _____________________ ,

Ipinangangako ko na simula sa araw na ito,


___________________ , susundin ko ang sumusunod na
Isulat ang petsa ngayon

alituntunin sa ating pamilya:


1. ________________________________________

2. ________________________________________

3. ________________________________________

________________________________________
Isulat ang buong pangalan

________________________________________
Papirmahan sa magulang o tagapag-alaga

Tandaan:

Mahalaga ang mga alituntunin.


Nagkakaroon ng kaayusan at
katahimikan sa pamilya kapag sinusunod ng
mga kasapi ang mga ito.

47
Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya

Panimula

48
Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking
Pamilya

Pag-isipan

Ano ang maipagmamalaki mo sa iyong


pamilya?

Gawain 1

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Isadula


ang mga katangian ng isang mabuting pamilya na
nakatakda sa inyong grupo.

Pangkat 1- Pamilyang mapagmahal

Pangkat 2- Pamilyang may takot sa Diyos

Pangkat 3- Pamilyang matulungin sa kapwa

Pangkat 4- Pamilyang may pagkakaisa

Pangkat 5- Pamilyang mapagkakatiwalaan

49
Gawain 2

Alin sa naisadulang mabubuting katangian ng


isang pamilya ang katangian din ng iyong sariling
pamilya? Lagyan ng tsek () ang mga larawang
nagpapakita nito.

May iba ka pa bang naiisip na mabubuting


katangian ng iyong pamilya?

50
Gawain 3

Anong mga gawain ang nagbibigay ng saya sa


iyong pamilya? Iguhit ang dalawa sa mga bagay na
ito sa loob ng kahon sa ibaba. Maaari ring magdala
ng larawan ng masasayang gawain ng inyong
pamilya. Halimbawa, namamasyal nang sama-
sama, nagsisimba, gumagawa ng gawaing-bahay,
at iba pa.

Pumili ng isa sa mga larawang iyong iginuhit at


isalaysay sa klase ang kuwentong ito ng inyong
pamilya.

51
Gawain 4

Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa


iyong pamilya. Sa tulong ng iyong guro, punan ang
mga patlang sa liham na nasa loob ng kahon.

Sa aking mga mahal na ____________________,


(pangalan ng mga kasapi ng pamilya)

Maraming salamat sa
________________________________________________
________________________________________________
______________________________________.
(Ano ang mga nagawa o naiparamdam sa iyo ng mga kasapi ng iyong
pamilya na dapat mong pasalamatan)
Ipinagmamalaki ko ang ating pamilya!

Nagmamahal,
___________________________
(Isulat ang iyong pangalan)

Tandaan:
Ang bawat pamilya ay may taglay na
mabubuting katangian.
Nararapat lamang na ipagmalaki mo
ang pamilyang iyong kinabibilangan.

52
Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan
ng Aking Pamilya sa Ibang Pamilya

Pag-isipan

Bakit mahalagang panatilihin ang


mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong
pamilya sa iba pang pamilya?

Gawain 1

Kumuha ng isang malinis na papel. Iguhit ang


larawan ng iyong pamilya. Pagsama-samahin ang
mga larawang iginuhit ninyo ng iyong mga kamag-
aral. Bumuo ng letrang P, ang unang letra ng
salitang pamilya, gamit ang larawang iginuhit mo at
ng iyong mga kamag-aral. Idikit ito sa isang bahagi
ng inyong silid-aralan.

Alam mo ba ang tawag dito?

Ang inyong ginawa ay isang uri ng sining na


tinatawag na mosaic. Ang mosaic ay pinagdikit-dikit
na larawan upang makabuo ng isang hugis o
pattern.

53
Gawain 2

Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro


na pinamagatang “Ang Pamilyang Ismid” na sinulat
nina Ramoncito Serrano at Rene O. Villanueva at
iginuhit ni Sammy Esquillon.

Ilan ang kasapi ng pamilyang Ismid?


Ano ang paboritong gawin ng pamilyang Ismid?
Ano ang problema sa lugar na tinitirahan ng
pamilyang Ismid?
Bakit hindi sila nakikipagtulungan sa iba pang
pamilya sa kanilang lugar?
Ano ang nangyari sa pamilyang Ismid isang
gabi habang sila ay natutulog?
Sino ang tumulong sa pamilyang Ismid?
Kung isa ka sa mga kasapi ng pamilyang Ismid,
ano ang mararamdaman mo sa ginawa sa iyong
pamilya ng inyong mga kapitbahay? Bakit?

54
Gawain 3

Maglaro tayo ng Paint Me a Picture. Alam mo


ba ang larong ito? Sa Paint Me a Picture ang mga
kasali sa laro ay bubuo ng larawan ng isang
pangyayari gamit ang kanilang katawan.

Bumuo ng pangkat na may walong kasapi.


Magpakita ng isang pangyayari na naglalarawan
nang naidudulot ng mabuting pakikipag-ugnayan
ng isang pamilya sa iba pang pamilya.

Kapag sinabi ng inyong guro na “1, 2, 3, Paint


Me a Picture”, ipakita ang napili ninyong pangyayari.
Huminto sa paggalaw hanggang sabihin ng inyong
guro na maaari na kayong muling kumilos.

Pahulaan sa mga kamag-aral kung ano ang


ipinakitang larawan ng inyong pangkat.

55
Gawain 4

Pagmasdan mo ang larawang nasa ibaba.

Ano ang ipinakikita ng larawan?

Bakit masaya ang mga taong nasa larawan?

Bakit mahalagang nagkakasundo at


nagtutulungan ang bawat pamilya?
Tandaan:

Mahalagang panatilihin ang mabuting


pakikipag-ugnayan ng iyong pamilya sa iba
pang pamilya.

Sa pamamagitan nito, napananatiling


masaya at tahimik ang inyong lugar. Ang iba’t
ibang pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng
pangangailangan.
56
Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan:

Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.


Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon ng iyong
sagot.

Nagamit ko ang mga Mag-aaral Guro


kasanayang ito:

1. Nasunod ko ang mga panuto.


2. Nagamit ko ang aking kasanayan
sa sining.
3. Nagbahagi ako ng aking
kuwento sa aking mga kamag-
aral.
4. Nakinig ako sa kuwento ng aking
guro.
5. Nakinig ako sa kuwento ng aking
kamag-aral.
6. Nasuri ko ang iba’t ibang
larawan.
7. Nakapaghambing ako ng iba’t
ibang pangyayari.
8. Natukoy ko ang mga bagay na
nagbago at nanatili sa aking
pamilya.
9. Napahalagahan ko ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng
bawat pamilya.
10. Naipaliwanag ko ang iba’t ibang
bagay tungkol sa aking pamilya.

57
Mag-aaral Guro
Nagawa ko ang mga bagay na ito:

1. Nasabi ko ang mga


impormasyon tungkol sa aking
pamilya.
2. Nakaguhit ako ng iba’t ibang
larawan.
3. Nakagawa ako ng stick
puppet.
4. Naisadula ko ang mabuting
katangian ng pamilya.
5. Naikumpara ko ang kuwento
ng aking pamilya sa kuwento
ng pamilya ng aking mga
kamag-aral.
6. Naipagmalaki ko ang aking
pamilya.
7. Nakagawa ako ng bar graph.
8. Nakabuo ako ng timeline.
9. Nakagawa ako ng graphic
organizer.
10. Nakagawa ako ng mosaic.

11. Nakasulat ako ng liham


pasasalamat sa aking
magulang.
12. Nakagawa ako ng family tree.
13. Nakabigkas ako ng isang tula.
14. Nakaawit ako ng isang kanta.

58
Naipahahayag ko ang mga ito: Mag-aaral Guro

1. Nasasabi kong binubuo ng iba’t


ibang kasapi ang isang pamilya.
2. Nasasabi kong may iba’t ibang
tungkuling ginagampanan ang
bawat kasapi ng pamilya.
3. Nasasabi kong may mga bagay
na nanatili at nagbago sa isang
pamilya.
4. Nasasabi kong may iba’t ibang
Alituntuning ipinatutupad sa
bawat pamilya.
5. Nasasabi kong mahalaga ang
mabuting ugnayan ng bawat
pamilya sa isang pamayanan.
6. Naipagmamalaki ko at
napahahalagahan ang aking
pamilya.
7. Iginagalang ko ang mga
katangian at paniniwala ng
ibang pamilya.

Komento ng iyong guro:


___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_____________________.

59

You might also like