You are on page 1of 2

PAPANIMULA/KALIGIRA

Ang Fliptop ay ating maituturing na Makabagong Balagtasan dahil tulad ng balagtasan, itong Fliptop ay
nakikipagtalastasan rin. Ngunit kumpara sa pormal na balagtasan, walang malinaw na paksa ang Fliptop.
Sa balagtasan kasi, pormal na ibinibigay ang paksa at siyang pagiisipan ng dalawang kupunan at
pagdedebatehan.

Ang Fliptop rin ay maituturing nating isang rap. Ito ay ginagamitan ng maliksing pagiisip ng mga
salita, kailangan ay may tunog, nasa tono at tiyempo sa paraan ng pakikipagtalastasan sa katunggali. Ang
bawat isa rin ay binibigyan ng oras upang mailahad ang bawat mensahe nila sa isa’t isa.

May magandang madudulot ang Fliptop. Pwede ito gawing pampalipas ng oras o pampahasa ng
ating mga isip. Dito nagbibigay kasiyahan at kasiglahan an gating industriya.

MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN

Ang title ng aming napiling adbokasiyang ay Rap – Rap.. Wika ng Fliptop. Ang ibig sabihin nito
ay ang ibang mga kabataan ay naiipakita ang kahalagahan ng kanilang wikang angkin datapwat ito ay di
iginagalang ng sino man. Dahil sa modernong panahon na ating kinahaharapan ay nagaganap ang
panlalait, pang aasar at pang iinsulto ang nagiging bunga ng wikang Filipino sa larangan ng flip top. Ang
nais ipahiwatig ng aming paksa ay ang pag fi-fliptop ay hindi nakakabuti sa paggamit ng wikang ating
kinalakhan ngunit may magandang paraan ang paggamit nito sa larangan ng fliptop.

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN

Seen ad many times

Not relevant

Offensive

Covers content

Broken

REPORT THIS AD
Napili namin ang adbokasiya o paksang ito sa kadahilanang ang Fliptop, ay maari nating
maituring na makabagong sining pampanitikan. Bakit? Dahil ito ay mayabong na pamamaraang
pampanitikan para ipaabot ang isyung personal hanggang politikal. Sa bawat banat o bato din nila ng
salita sa isa’t isa ay nakikita kung paano o kung gaano kahalaga ang wika na siyang sumasalamin sa
lipunan.

Ayon sa aming nasaliksik malaki ang potensiyal ng fliptop para sa kalagayan ng sining at
panitikan. Kaya naman nais ng aming grupo na ang Fliptop ay mapabilang na isang uri ng panitikan.

Marami ang maitutulong ng mga ito sa ating panitikan. Makikilala tayo at tatangkilikin ito ng
mga tao lalo na mga kabataan dahil sa kakaiba at makabagong konseptop nito. Malilinang rin ang
pagmalikhain natin. Kahit pa sabihin na ito ay ginaya natin sa iba, may mga dinagdag naman tayo na
ating sariling beryson upang tayo ay mamayagpag o di kaya’y makilala.

DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA

You might also like