You are on page 1of 21

Ang Nawawalang Prinsesa

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit walang makapagsabi kung saan siya
pumupunta. Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang
anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa
prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo. Marami
ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa
napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung
bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi. Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may
isang dampang tinitirhan ng isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang
matanda ng binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito. Ngayon naman,
ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. “Maganda po talaga ang prinsesa kaya tulungan
po ninyong magtagumpay ako sa kanya.” Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag
kanyang isinampay sa mga balikat niya ay hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng
matanda at pinagbilinang magpakaingat bago siya nagpaalam. Nang gabi ring iyon, nasa labas
na nga siya ng silid ng prinsesa at handang magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at
tumambad sa kanyang paningin ang napakagandang binibini. May iniabot sa kanyang isang
basong inumin na noong makatalikod ang prinsesa ay kanyang itinapon sa isang masitera ng
halaman. Naluoy agad ang mga dahon ng halaman. Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi
ng tinunggang inumin. Nang maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya
ang mahikang balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na
palabas sa palasyo. Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. ‘Di nito alam ay
kasama ang binata dahil hindi niya nakikita ito. Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe.
Sa gitna ng mga kahuyan huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag-sayaw siya sa mga
gitanong nagkakaipon doon at nagsasaya. Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang
kanyang balabal at naglagay ng maskara. Nilapitan niya ang prinsesa at sila’y nagsayaw.
Nagsayaw sila nang nagsayaw hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga
suwelas ng sapatos. Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila’y
bumalik sa palasyo. “Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?”
tanong ng hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan. “Opo, Mahal na Hari!
Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi. Ito po ang katunayan. Itong halos
warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na makasayaw siya.”
Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang nagpakita ng
katunayan. Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang
ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang gabi.
Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng prinsesa na masaya
namang yumakap sa kanya.

Bilang ng mga salita: 472


1. Ano ang ibibigay ng hari kapag nakita nila ang kanyang anak?
A. Bibigyan ng kahati ng kaharian kung makikita ang kayang anak.
B. Bibigyan ng pera kung makikita ang kayang anak.
C. Bibigyan ng gintong gantimpala kung makikita ang kayang anak.
D. Wala sa pagpipilian
2. Ano ang gagawin kapag nabigo ang nagprisinta?
A. Tatanggalan ng kamay C. Puputulan ng paa
B. Gagawing alipin D. Pupugutan ng ulo
3. Ilan ang nagtangkang maghanap sa prinsesa?
A. Kakaunti C. Marami
B. Medyo marami D. Walang magtangkang maghanap
4. Sino ang naninirahan sa sa isang dampang malapit sa palasyo?
A. Lalaking matanda C. Binate
B. Matandang mangkukulam D. Dalaga
5. Ano ang ibinigay ng matandang mangkukulam sa binata?
A. Panyo C. Poison
B. Sing-sing D. Balabal
6. Bakit nalabas ang prinsesa kapag hating-gabi?
A. Dahil may tinatagpo siya
B. Dahil nakikisaya siya sa mga tao
C. Wala sa nabanggit
D. A at B
7. Saan punta ang prinsesa?
A. Sa kalagitnaan ng kagubatan C. Sa bayan
B. Sa parke D. Wala sa nabanggit
8. Sino ang nakakita sa prinsesa?
A. Babae C. Bata
B. Lalaki D. matanda
9. bakit hindi niya agad nagustohan ang lalaki?
A. Hindi niya ito kilala C. Hindi niya gusto
B. Hindi seloso D. Wala sa nabanggit
10. Ano ang ipinakita ng lalaki sa prisesa?
A. Maskara C. Damit
B. Balabal D. Panyo
Si Ederlyn

Si Alex ay isang mag-aaral sa kolehiyo na nagmahal ng isang babaeng nagngangalang


Ederlyn De Vivarre. Hindi naman niya inasahan na magkakasama pala sila sa iisang klase,
kaya sa hindi inaasahang pagkakataon, sila ay naging malapit sa isa’t isa. Lalong nahulog ang
loob ni Alex kay Ederlyn. Patapos na ang ikalawang semestre noon. Kung kaya’t hindi
mapiglan ni Alex na gumawa ng paraan upang ipagtapat na kay Ederlyn ang kanyang
nararamdaman. Gumawa siya ng sulat at inipit ito sa aklat na nasa mesa ni Ederlyn habang
break time ng mga estudyante. Pag uwi sa bahay, hindi mapakali si Alex dahil nag-aalala siya
sa kung anong mangyayari matapos basahin ni Ederlyn ang sulat. Kinabukasan, hindi siya
pinapansin o kinakausap man lang ni Ederlyn. Ganito nang ganito ang pangyayari sa
dalawang araw matapos niyang ibigay ang sulat. Sa sobrang lungkot na tila ba gumuho na
ang mundo ni Alex, hindi na siya nakapagpigil na lapitan at kausapin si Ederlyn. Ngunit bago
pa man siya makapagsalita, may iniabot si Ederlyn na maliit na papel sa kanya sabay alis na
wala man lang siyang narinig na anumang salita mula dito. Nang buklatin niya ang papel, isa
pala itong imbitasyon sa isang piging na gaganapin sa bahay nila Ederlyn. Kinabukasan ay
pumunta siya sa piging. May kalayuan at liblib pala ang lugar nitong si Ederlyn. Pagkarating
niya doon, agad na may sumalubong sa kanya na isang karwahe. Lulan ng sasakyang ito si
Ederlyn. Iniaabot ni Ederlyn ang kanyang kamay kay Alex upang pasakayin sa karwahe.
Pagkarating nila sa isang malaking hardin, napansin ni Alex na tila siya lamang ang naiiba sa
kanilang lahat dahil ang lahat ng taong nandoon ay pawang mga dugong bughaw. Ang kulay
ng kanilang mga buhok ay ginto. Lahat sila ay mapuputi at anyong mayayaman. Hindi
naman niya naramdamang siya ay naiiba sakanila pagkat ang mga tao doon ay mababait at
may pakisama sa kaniya. Kahit pasulyap-sulyap lamang siya kay Ederlyn, ang gabing iyon ay
maituturing niyang pinakamasaya sapagkat nakasama niya at nakilala ang pamilya ni
Ederlyn. Ngunit, biglang nawala ang lahat at tila ba naglaho na parang bula ang mga tao sa
paligid maging si Ederlyn. Nagising siya sa isang kwarto na tila ba pamilyar sa kanyang
paningin. Nakita niya ang kanyang ina na tuwang-tuwa at nagpapasalamat dahil nagising na
ang kanyang anak. Matapos magising sa katotohanan, ikinuwento ng kanyang ina ang lahat
ng nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo. Sinabi ng kanyang ina na isang linggo na raw
siyang wala sa sarili. Wala siyang kilala kahit isa sa kanyang mga kamag-anak at lagi raw
siyang nakatulala. Nagsimula raw ito matapos siyang matagpuan ng isang lalaki na
nakahandusay sa gitna ng kalsada sa isang di-kilalang lugar.

Bilang ng mga salita: 448


1. Sino ang minahal ni Alex?
A. Ederlyn De Vivarre C. Ederlyn Dimaunahan
B. Ederlyn Salazar D. Ederlyn Macaraeg
2. Gumawa si Alex ng _________ para kay Ederlyn.
A. Sulat C. Bangkang papel
B. Proyekto D. Wala sa nabanggit
3. Ano ang nakasulat sa maliit na papel na iniabot ni Ederlyn kay Alex?
A. Imbitasyon C. Walang nakasulat
B. Iniimbitahan siya sa isang piging D. A at B
4. Ano ang sumalubong sa kanya?
A. Kotse C. Karwahe
B. Ban D. Mutorsiklo
5. Ano ang kulay ng buhok ng mga kasama ni Ederlyn?
A. Rosas C. Pilak
B. Ginto D. Kahel
6. Bakit maituturing ni Alex na pinakamasaya sa gabing iyon?
A. Dahil kasama niya si Ederlyn
B. Dahil hindi niya nakasama si Ederlyn
C. Nakilala ang pamilya ni Ederly
D. A at C
7. Bakit bilang naglaho ang lahat na parang bula?
A. Dahil panaginip lang ang lahat
B. Dahil nabasa lang niya ito sa libro
C. Mali ang titik A
D. Wala sa nabanggit
8. Ano ang ikinuwento ng kanyang ina sa kaya?
A. Nung nakita siya ng isang lalaki na nakabulagta sa kalsada
B. Nung siya ay tulog pa
C. Nung siya ay nag aaral pa
D. Wala sa nabanggit ang sagot
9. Ilang araw o linggo si Alex na wala sa sarili?
A. Isang linggo C. Dalawang linggo at dalwang araw
B. Dalawang araw D. Apat na araw
10. Saan natagpuan si Alex?
A. Sa paaralan C. Sa ospital
B. Sa kalsada D. Sa bar
Halaman ng Pagmamahal

Ang tagpuan ng magkasintahang Malvar at Rosa ay isang malaking puno ng


duhat. Sa lilim nito sila’y nagkukwentuhan. Sa tabi ng puno may isang balon na
yari sa mga batong adobe. Ang labi ng balon ay halos pantay sa lupa. Bawal sa
mga bata ang tumayo o maglaro sa tabi nito. Isang araw, sa buwan ng Abril, nakita
ni Malvar ang maraming bunga ng duhat. Kumikintab ang maitim na balat ng mga
hinog. Kay lalaki pa! Umakyat si Malvar upang pagdating ni Rosa ay may
ipapasalubong siya. Maraming mga hinog na duhat sa dulo ng maliliit na mga
sanga. Sa pagnanasa ni Malvar na mapitas iyon, napayapak siya sa isang sangang
marupok. Nahulog siyang tuloy-tuloy sa balon. Nawalan siya ng malay tao. Kaya,
kahit na mababaw lamang ang tubig sa balon, si Malvar ay nalunod. Di nagtagal
dumating si Rosa. Dati-rati ay dinaratnan niya si Malvar na laging nauuna sa
kanya. Bakit ngayon ay wala pa siya? Nakita niya ang maraming duhat na
nakakalat sa lupa. Mukhang bagong pitas. Tumingala siya. Wala namang
nakaakyat. “Pupulutin ko nga,” ang sabi ni Rosa sa sarili. “Makatas ito at
matatamis.” Kumuha muna siya ng dahon ng saging. Kapag puno na ang kanyang
mga kamay, inilalagay niya ang mga duhat sa dahon ng saging. May mga duhat na
nahulog sa tabi ng balon. Lumapit doon si Rosa. Nang yumuko siya upang
damputin ang mga bunga napansin niya ang tao sa ilalim ng balon. “Panginoon
ko!” ang sigaw niya, “Si Malvar! Si Malvar!” Hinimatay siya. Sa kasamaang palad,
sa bunganga ng balon pa bumagsak ang katawan ni Rosa. Nang hindi umuwi ang
dalawa, naghanap ang kanilang kamag-anak at mga kapitbahay. Kinabukasan
natuklasan ang mga bangkay. Doon na rin sa balon sila inilibing. Pinuno ng lupa
ang balon. Pagkaraan ng may isang taon may tumubong halaman sa ibabaw ng
balon. Walang bulaklak ngunit napakabango ng mga dahon. “Nabuhay na muli
sina Malvar at Rosa,” ang sabi ng mga taong nakakaalam sa mga nangyari, “Sila’y
naging isang halaman.” Ang halaman ay tinatawag nilang Malvarosa. Ang
mabangong dahon nito ay isinasama sa rosas na isinasabit sa kasuotan ng mga
dalaga.

Biliang ng mga salita: 352


1. Ano ang pamagat ng binasa?
A. Halaman ng Paghihiwalay C. Halaman ng Pagmamahal
B. Halaman ng Pagbabalikan D. Lahat ng nabanggit
2. Saan ang tagpuan ng magkasintahan?
A. Malaking puno ng duhat C. Malaking puno ng manga
B. Malaking puno ng kalamyas D. Malaking puno ng bayabas
3. Kailan nakita ni Malvar ang maraming bunga ng duhat?
A. Buwan ng Enero C. Buwan ng Marso
B. Buwan ng Mayo D. Buwan ng Abril
4. Ano ang nasatabi ng malaking puno?
A. Balon C. Hukay
B. Lawa D. Wala sa pagpipilian
5. Ano ang ibig-sabihin ng marupok?
A. Di matibay C. Gato
B. Wala sa nabanggit D. A at C
6. Ano ang lasan ng duhat?
A. Makatas ito at matamis C. Di makatas at maasim
B. Makatas pero di masarap D. Makatas pero di malasa
7. Saan niya inilalagay ang duhat kapag pununa ang kanyang kamay?
A. Sa damit C. Sa bulsa
B. Sa dahon ng saging D. A at B
8. Saan natagpuaan ni Rosa si Malvar?
A. Sa ilalim ng puno ng duhat C. Sa ilalim ng balon
B. Sa tabi ng balon D. sa itaas ng puno
9. Saan inilibing ang magkasintahan?
A. Sa sementeryo C. Sa tabi ng balon
B. Sa ilog D. Wala sa pagpipilian
10.Ano ang ipinangalan sa halamang tumubo sa bunganga ng balon?
A. Malvarosas C. Malbarosa
B. Malbarose D. Malvarosa
Ang Bulkang Taal

Nahulog sa dagat ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita kaya't nag-utos ang
amang si Datu Balindo sa mga kawal na hanapin ito. Isang linggong nilangoy ng mga
matipuno at matapat na alagad ng barangay ang lawa ng Bunbon nguni't wala sa isa
man sa kanilang makakita sa singsing. Hindi pa rin nagtugot ang datu dahil ang singsing
daw ay napakahalaga hindi lamang dahil ginto ito kundi dahil makasaysayan ito sa buhay
niya. "Iyang singsing na iyan ay nagpasalin-salin sa kamay ng aking mga ninuno na
pawang mga raha at lakan. Iyan pati ang piping saksi nang pagbuklurin ang puso naming
mag-asawa." "Patawarin ninyo ako, mahal kong ama," luhaang sabi ni Taalita. "Alam ko
po ang kahalagahan niyan. Minamahal ko ang singsing nang higit sa buhay tulad ng
pagmamahal ko sa nasira kong ina, subalit..." "Huwag kang lumuha, anak," sabi ng ama.
"Hayaan mo't makikita pa rin iyan." Sa mga naghahanap ng singsing, isang binata ang di-
naglulubay sa pagsisikap na makita ito. Hiningi niya ang tulong ng langit at di nga
nagtagal ay nakita ang hinahanap. Nalunok pala ito ng isang malaking isda. Ibinalik niya
ito sa prinsesa at sa laki ng utang-na-loob ng mag-ama naging malapit sa kanila ang
binata. Hindi naglaon at naging magkasintahan si Taalita at Mulawin. Pumayag naman
ang ama sa pag-iisang-dibdib nila dahil alam niyang mabait, matapat at mapag-
kakatiwalaan ang lalaki. Masaya ang buhay ng mag-asawa, at nang matanda na ang
raha, si Mulawin na ang namahala sa barangay. Madalas na ang ginagawa nilang
pasyalan ay ang lawa. Namamangka ang mag-asawa at natutuwang minamasdan ang
mga isda at ibang nabubuhay sa dagat. Isang araw, sa pamamangka nila, natanawan ni
Taalita ang isang di-karaniwang bulaklak na nakalutang sa tubig. "Kay ganda ng bulaklak
na iyon. Kukunin ko," at bago napigilan ng asawa ay nakatalon agad sa tubig. Hinintay ni
Mulawin na lumitaw ang asawa nguni't hindi ito pumapaibabaw. Daling tumalon din ang
lalaki para saklolohan ang asawa, ngunit pati siya ay nawalang parang bula. Laking
pagluluksa ng buong barangay sa nangyari sa kanilang mahal na Raha Mulawin at
Prinsesa Taalita. Hindi naglaon, may lumitaw sa, gitna ng lawa, sa kinalinuran ng
magsing-irog, na isang pulo. Iyan ang Bulkan ng Taal, ngalang ibinigay ng amang datu
para laging ipagunita ang nawalang mga anak. Ayon sa mga mangingisda, madalas daw
nilang marinig kapag napapalapit sila sa Bulkan ang masayang awit ng mag-asawang
Mulawin at Taalita, na kahit sa kabilang-buhay ay masaya at nagmamahalan.

Bilang ng mga salita: 404


1. Ano ang nahulog sa dagat?
A. Gintong singsing C. Gintong kuwintas
B. Alahas D. Gintong salamin
2. Ano ang pangalan ng prinsesa?
A. Prinsesa Taalita C. Prinsesa Talita
B. Prinsesa Tala D. Prinsesa
3. Saan namamasyal ang mag-asawang Taalita at Mulawin?
A. Dagat C. Lawa
B. Ilog D. Parke
4. Bakit tumalon si Prinsesa Taalita?
A. Dahil may nakita siyang magandang bulaklak
B. Dahil nahulog ang kanyang porselas
C. Dahil gusto niyang maligo sa ilog
D. Wala sa nabanggit
5. Ano ang pangalan ng lawa?
A. Banbun C. Bunben
B. Bunbin D. Bunbon
6. Ano ang nakita ng prinsesa sa lawa?
A. Di karaniwang bulaklak C. Di karaniwang isda
B. Di karaniwang halaman D. Di karaniwang hayop
7. Ano ang panagat ng kwento?
A. Ang Bulkang Mayon C. Ang Bulkang Pinatubo
B. Ang Bulkang Taal D. Wala sa nabanggit
8. Ano ang ibig sa bihin ng raha?
A. Mamumuno C. Tribo
B. Mamamayan D. Wala sa nabanggit
9. Saan humigi ng tulong si Mulawin?
A. Sa langit C. Sa lupa
B. Sa kapitbahay D. Sa pangulo
10.Ano ang naririnig ng mangingisda kapag lalapit sila sa Bulkang Taal?
A. Nagtatawanan C. Masayang awitin
B. Nag-iiyakan D. Naghihiyawan
Prinsipe ng mga Makatang Pilipino

Ang prinsipe ng mga makatang Pilipino, si Francisco Baltazar, ay bata pa


nang magkahilig sa pagsulat ng tula. Dala ng inspirasyong dulot ng mga
matatanda sa kaniyang baryo tuwing may mga idinaraos na kasayahan, nabatid
niya na siya man ay makalilikha rin ng magagandang mga pangungusap at isipan.
Nang siya'y may sampung taong gulang pa lamang, naglingkod siya bilang isang
katulong para siya makapag-aral. Nagtapos siya sa San Juan de Letran sa
Intramuros ng Elementarya. Sa Colegio de San Jose naman niya kinuha ang
kanyang "canon law" at "Roman law." Pinagbuti niya ang kanyang dunong sa
pagkamakata sa tulong ni Joseng "Sisiw." Ang bansag na ito ay nakamit ng
matandang maestro dahil sa ang ibinabayad ng mga tinuturuan niya ay mga sisiw.
Ang kahusayan ni Baltazar sa pagtula ay nabalita. Di-naglaon, sumulat din siya ng
mga corrido, comedias, at mahahabang kwentong patula. Aug pinakamaiksi dito
ay tumatakbo ng limang oras sa entablado; ang pinakamahaba ay mga
labindalawang gabi. Ang ilan sa mga kilalang sinulat ni Baltazar ay "Crosman y
Zafira," "Nino Gordeano" at ang bantog na "Florante at Laura." Marami sa
kanyang nilikha ay mga dulang pang-entablado sa Teatro del Tondo, isang popular
na samahan ng mga mandudula noong panahong iyon. Itong samahang ito ay
nagpapalabas din ng mga dupluhan, mga balagtasan at debate. Kampeon si
Baltazar sa mga tunggaling ito, at tinawag na nga tuloy siyang Balagtas. Nakulong
ang makata sa piitan nang isinuplong siya ng isang mayamang mangangalakal na
nagpapahirap daw ng alila. Ngunit sa piitan man, nagpatuloy din siyang sumulat
ng mga tula upang may maitustos siya sa kanyang pamilya. Mga kaibigan niya ang
tumulong na ipagbili ang kanyang mga likha. Magpipitumpong-taon na siya nang
siya'y makalaya sa pangalawa niyang pagkapiit. Naglingkod siya bilang isang
kawani sa korte at nagsulat na lamang ng mga dokumento at mga sulatin ng mga
mambabatas. Nang siya'y mamatay, nakita sa kanyang mga pag-aari ang
maraming katha - mga tula, kuwento at dula na ngayo'y nagsisilbing mga buhay
na alaala ng isang matalino't magiting na Pilipino.

Bilang ng mga salita: 334


1. Sino ang tinatawag na “Prinsipe ng mga Makatang Pilipino?
A. Dr. Jose Rizal C. Francisco Baltazar
B. Juan Luna D. Andress Bonifacio
2. Saan siya nagtapos ng Elementarya?
A. San Juan de Letran C. Batangas State University
B. Colegio de San Jose D. Wala sa nabanggit
3. Ano ang ibig sabihin ng di-naglaon?
A. Matagal C. Di nagtagal
B. Mabilis D. Mabagal
4. Ano ang trabaho ni Baltazar para siya ay makapag- aral?
A. Katulong C. Driver
B. Kondoktor D. taga hugas ng pinagkainan
5. Gaano karami ang kanyang nilikhang dula?
A. Marami C. Di gaano marami
B. Subrang dami D. Kakaunti
6. Ilang taon siya nahilig magsulat ng tula?
A. 10 C. 6
B. 8 D. 15
7. Ano ang pamagat ng kwetong binasa?
A. Prinsipe ng Makatang Pilipino C. Kapuri-puring Bata
B. Ang Bulkang Taal D. Halaman ng Pagmamahal
8. Saan siya naglingkod?
A. Sa paaralan C. Sa korte
B. Sa kompanya D. Sa parke
9. Ano ang bagtas kay Francisco Baltazar?
A. Baltazar C. Balagtaz
B. Balagtas Francisco D. Wala sa nabanggit
10.Ano ang nakita sa kanyang mga pag aari
A. Tula C. Kwento
B. Dula D. Lahat ng nabanggit
Kapuri-puring Bata
Nais ko pong ipabili sa aking ina para sa aming notse buena yaong pagkaing
pinananabikan ko, katulad ng mansanas at fried chicken. Tugon ito ni Ralph, Grade III - 1, ng
Paaralang Bagong Barangay, nang siya ay tanungin ng kanyang guro sa Journalism kung ano ang
kanyang gagawin sa kanyang tatlong alkansiyang puno ng mga barya. Ito ay natipon niya sa
pagiging batang-basurero. Namumukod si Ralph, 10 taong gulang, sa mga ininterbyu ni Gng.
Aida Escaja, isang tagapayo ng pahayagang pampaaralan. Dalawang palagiang trabaho ang
ginagampanan ni Ralph. Ipinagtatapon niya ng basura ang mga nakatira sa Bagong Barangay
Tenement at errand boy sa palengke ng may bibingkahan sa kanilang pook. Napili ng kanyang
guro ang sinulat ni Ralph, "Kumita Habang Nag-aaral" para sa kanilang pamaskong isyu. Si Ralph
ay isa sa mga batang sinasanay ng kanilang guro upang maging kagawad ng patnugutan
pagtuntong niya ng ikaanim na grado. Matalino siya pagkat lagi siyang kasama sa "Top Ten" ng
kanilang klase mula pa noong Grade 1. May kabutihan ding nagagawa ang kahirapan sa mga
bata. Maaga pa'y nalalantad na sila sa pakikibaka sa buhay kaya nagiging matatag sila sa
pagharap sa mga suliranin sa buhay. Hindi sila nagpapanik na tulad ng mga sanay sa ginhawa.
Nagiging malikhain sila sa paghanap ng mapagkakakitaan. Kasama ni Ralph sa pagtatapon ng
basura sina Topher, 11 taong gulang, Grade III din, at si Jun-jun, 6 na taong gulang at nasa
unang baitang. Tumatanggap sila ng mula biyente sentimos hanggang dalawang piso, ayon sa
rami ng basurang kanilang itinatapon. Tuwing alas-dos naroroon na sila na may dalang sako.
Nagkaisa sila sa hatian ng kanilang kita: 45 porsiyento para kay Topher na malaki at malakas; 35
porsiyento para kay Ralph at 20 porsiyento para kay Jun-jun. Magkakapit-kwarto ang kanilang
tinitirhan at tsuper ang kanilang mga ama. Kapuri-puri ang tatlong batang ito na maagang
nagising sa katotohanang sa iyong pawis manggagaling ang iyong ikabubuhay. Ayon sa kanilang
magulang, may isang taon nang nangungulekta ng basura sa tenement house ang tatlong
batang ito. May recycling pa silang ginagawa, ipinagbibili nila ang mga nakukuha nilang papel,
plastik, bote, at bakal bago nila ito' tuluyang itapon. Isang errand boy si Ralph ng may-ari ng
bibingkahan. Siya ang nagpapagiling ng bigas sa may palengke at siya pa rin ang kumukuha ng
isang sakong bao sa palengke. Sa puspusang pag-aaral at paggawa dapat imulat ang mga bata.
Ito ang panuntunang sinunod ni Rizal sa kanyang munting paaralan sa Dapitan. Naniniwala ang
ating bayani na maaga pa ay dapat nang ituro sa mga bata ang pagmamahal sa paggawa. Maliit
pa sina Ralph, Topher at Jun-jun ay may direksyon na ang kanilang buhay. Sa pamamagitan ng
pagbabanat ng buto at pagpapatulo ng pawis, sila ay kumikita na. Hindi na sila matitigil sa pag-
aaral. May tiyak na silang mababaon, may kaunti pang maibibigay sa magulang at may
maihuhulog pang barya sa alkansiya.

Bilang ng mga salita: 476


1. Sino ang tinutukoy sa kwento?
A.Sina Ralph, Jun-jun at Topher C. Sina Maya, John at Ade
B. Sina Len, Ana at Peng D. Sina Bitoy, Wena at Mhica
2. Ilang taon na si Ralph?
A.7 C. 9
B. 8 D. 10
3. Sino ang nag- interbyu kay Ralph?
A.Gng. Aida Escaja C. Gng. Aida Perez
B. Gng. Aida Atienza D. Gng. Aida Blanco
4. Matalino ba si Ralph?
A.Matalino C. Hindi gaano matalino
B. Hindi matalino D. Bobo
5. Ilang porsiyento ang napupunta kay Topher?
A.30 porsiyento C. 40 porsiyento
B. 35 porsiyento D. 45 porsiyento
6. Ano ang ginagawa nila kapag nakakaipon sila ng basura?
A.Ipinamimigay C. Ipinagbibili
B. Ikinakalat ulet D. Wala silang ginagawa
7. Sino ang nagpapagiling ng bigas?
A.Si Topher C. Si Jun-jun
B. Si Aida D. Si Ralph
8. Anong grado ni Ralph nang gumawa siya ng sulat?
A.3 C. 2
B. 4 D. 5
9. Ano ang trabaho ng mga ama ng mga bata?
A.Tsuper C. padyak
B. Taxi driver D. Family driver
10.Ano ang pamagat ng binasang kwento?
A.Kapuri-puring bata C. Tamad na bata
B. Mabait na bata D. Wala sa nabanggit
Matapat na Bayani

Narinig mo na ba ang pangalang Gat Francisco Dagohoy? Marahil ay hindi pa. Si Gat
Francisco Dagohoy ay isa sa mga bayaning hindi lubhang pamilyar sa mga bata. Ang kanyang
kagitingan ay kinikilala lalong-lalo na ng mga taga-Bohol. Si Dagohoy ay tubong Boholano.
Ang pinakamahabang pang-aaklas laban sa mga Kastila ay naganap sa Bohol sa ilalim ng
pamunuan ni Gat Francisco Dagohoy. Ang dahilan ng paglaban ni Francisco Dagohoy sa
kapangyarihan ng mga kastila ay ang kanyang kapatid. Ang kanyang kapatid ay isang
konstable ng pamahalaan ng Kastila. Ang konstable ay tumutupad ng mga tungkulin ng
pulis. Ang konstableng ito ay nakipaghamok sa isang lalaki. Sa kasawiang-palad siya ay
namatay. Tumutol ang pari na basbasan ang bangkay ng kapatid ni Francisco Dagohoy. Di
umano ang konstable ay namatay sa duwelo at hindi pinapayagan ng batas ng simbahan na
basbasan ang bangkay ng sinumang taong namatay sa duwelo. Dahil dito namuno sa isang
pag-aaklas si Francisco Dagohoy. Maraming tao ang sumama sa pag-aaklas na ito. Si
Dagohoy at ang kanyang mga kasama ay nanirahan sa mga bundok at inabangan si Talibon
sa Bohol. Ang mga taong ito ay namatay nang malaya at malayo sa mga kamay ng mga
Kastila. Ang mga tauhan ni Dagohoy ay naging matagumpay sa paglaban sa mga Kastila.
Ipinahayag ni Francisco Dagohoy na malaya ang lalawigan ng Bohol. Ang lalawigan ng Bohol
ay hindi nagbabayad ng buwis sa mga Kastila. Ang katayuang ito ay nagpatuloy sa loob ng
85 taon. Ang pamahalaang Kastila ay nagpumilit na makuha ang lalawigan ng Bohol. Ngunit
matatag at matigas ang mga Boholano sa pagtatanggol ng kanilang kalayaan. Lubhang
nababahala ang mga Kastila sa katapangan at katatagan ng mga Boholano. Kaya't nagpadala
sila ng malaki at malakas na hukbo na magpapasuko sa mga Boholano. Malakas at malaki
ang mga kanyong ginamit ng mga Kastila laban sa mga Boholano. Walang patumanggang
pagsalakay ang ginawa ng mga Kastila. Napilitang tumakas ang mga manghihimagsik sa
bundok. Hindi tumugot ang mga Kastila hanggang hindi nalalansag ang hukbo ni Francisco
Dagohoy. Wala silang laban sa mga armas at mga sandata ng mga dayuhan. Noong ika-31
ng Agosto 1829, napasuko ng mga Kastila ang hukbo ni Francisco Dagohoy. Maraming
manghihimagsik ang namatay sa paglaban sa mga Kastila. Alam nilang nagapi sila ng mga
Kastila ngunit ibinigay nila ang kanilang buong lakas at buhay upang makalaya sa
pagmamalabis ng mga Kastila. Dahil dito si Francisco Dagohoy at ang kanyang mga tauhan
ay kinilala bilang mga bayani ng bansa. Ang buong bansa ay nagpupugay sa mga taong ito
na hindi nangiming magbuwis ng buhay alang-alang sa kalayaan ng bayan.

Bilang ng mga salita: 429


1. Sino ang tinutukoy sa kwento?
A.Gat Francisco Dagohoy. C. Gat Francisca Dagohoy
B. Gat Franciscu Dagohoy D. Get Francisca Dagohay
2. Ano ang pamagat ng kwento?
A.Matapat na Bayani C. Ang Kuwintas
B. Matapat na Bata D. Ang Princesa ng Kagubatan
3. Tagasaan si Gat Francisco Dagohoy?
A.Batangas C. Bohol
B. Bokidnon D. Bulacan
4. Saan naninirahan si Gat Francisco Dagohoy?
A.Sa bahay C. Sa kapitbahay
B. Sa paaralan D. Sa mga bundok
5. Kalian napasuko ng mga Kastila ang hukbo ni Gat Francisco Dagohoy?
A.Agosto 31, 1829 C. Agosto 31, 1954
B. Agosto 31, 1855 D. Agosto 31, 1811
6. Ano ang ibig sabihin ng duwelo?
A.Nakipag away C. Nakipagbati
B. Makipagpatayan D. Wala sa nabanggit
7. Sino ang magpumilit na kuhain ang lalawigan ng Bohol?
A.Mga Kastila C. Mga Americano
B. Mga Hapones D. Wala sa nabanggit
8. Bakit nababahala ang mga Kastila sa mga Boholano?
A.Dahil matapang at matatag C. Dahil takot at matatag
B. Dahil mabait at matalino D. Dahil mapagmahal at masunuri
9. Ang katayuang ito ay nagpatuloy sa loob ng __________.
A.10 taon C. 100 taon
B. 50 taon D. 85 taon
10.Nagtagumpay ba ang Boholano laban sa Kastila?
A.Oo C. Hindi
B. Di ko alam D. Itanong mo sa iba
Ang Ating mga Likas na Palatandaan

Marami sa magagandang tanawin ng ating bayan ang mga tangi at kilalang


palatandaan. Isa na rito ang Look ng Maynila. Ipinalalagay na isa ito sa mahuhusay na
daungan ng mga sasakyang-dagat sa silangan. Sa makitid na pasukan nito, naroroon ang
Pulo ng Corregidor na naging tagpo ng mga di-malilimot na pangyayari noong Pangalawang
Digmaang Pandaigdigan. Sa baybay nito, naroroon naman ang baybayin ng Cavite, Manila,
Bulacan, Pampanga, at Bataan. Ang mga pook na ito ay naging saksi ng mga dakila at
mahalagang pangyayari sa ating kasaysayan. Sa Mountain Province, mga tatlundaang milya
sa hilaga ng Maynila, naroroon ang rice terraces na bantog sa buong mundo bilang isa sa
Walong Hinahangaan sa Daigdig. Ang mga baytang-baytang na taniman ng palay na ito ay
itinayo ng mga unang-unang ninuno ng mga kasalukuyang Ifugao, noong mga tatlunglibong
taong nakaraan. Sa lalawigan ng Batangas, naroon ang Lawa ng Taal. Sa gitna ng lawa ay
may isang bulkang gising. May paniniwalang ang lawa ay bunga ng malakas na pagsabog ng
bulkan noong nakaraang panahon. Ang abo at putik na ibinuga ng bulkan ay kumalat sa
malawak na lupa sa Greater Manila Area. Noong ika-28 ng Setyembre 1965, pumutok ang
Bulkang Taal. Ang mga baryo sa baybay ng lawa ay lumubog sa putik at abo. Ang pagputok
na iyon ay lumikha ng panibagong butas sa bulkan at nakamatay sa libu-libong tao. Nawalan
ng tahanan ang mga napinsala at inilipat sila sa ibang tirahan. Kumilos nang sama-sama sa
isang kilusang pangkawanggawa ang pamahalaan, ang mga samahang pambayan, mga
bahay-kalakal, at libu-libong mamamayang pribado upang damayan at tulungan ang mga
napahamak sa pinakamalubhang kapahamakang umabot sa ating bansa noong 1965. Mula
noon, muling tumahimik ang Taal upang muling mabigyan ng kariktan ang tanawin. Ang
Bulkang Mayon, bantog din sa buong daigdig, ay nasa lalawigan ng Albay, malapit sa
Lungsod ng Legaspi. Ito ay pitung-libo't siyamnaraang talampakan ang taas at ang taluktok
ng bulkan (perfect cone) ay balita sa buong mundo. Ang Lawa ng Lanao ay nasa Pulo ng
Mindanao. Dalawang libong talampakan ito sa ibabaw na pantayang-dagat at umaagos sa
Ilog Agus. Sa dakong malapit sa Lungsod ng Iligan, ang tubig sa Ilog Agus ay bumababa ng
walumpung talampakan sa ilalim at siyang bumubuo ng Talon ng Maria Cristina. Ito ang
nagpapalakad at nagbibigay ng elektrisidad na ginagamit sa bayan-bayan at sa mga sentro
ng kalakalan at industriya sa Mindanao. Bukod sa mga nabanggit na palatandaan, marami
pang magagandang tanawin at makasaysayang pook ang bayan, na makapagdudulot sa mga
turista ng kawili-wili at kasiya-siyang pagdalaw sa Pilipinas.

Bilang ng mga salita: 419


1. Ano ang pamgat ng binasa?
A.Ang Ating mga Likas na Palatandaan C. Ang Sapatero at ang Dwende
B. Ang Bulkang Taal D. Ang Engkantada ng Makulot
2. Kalian pumutok ang Buklang Taal?
A. Setyembre 28, 1965 C. Setyembre 31, 1996
B. Setyembre 6, 1975 D. Setyembre 20, 1988
3. Saan matatagpuan ang Bulkang Taal?
A.Laguna C. Bulacan
B. Cavite D. Batangas
4. Ito ay pitung-libo't siyamnaraang talampakan ang taas at ang taluktok ng
bulkan (perfect cone)?
A.Bulakang Mayon C. Pinatubo
B. Bulkang Taal D. Wala sa na banggit
5. Gaano karami ang taong namatay sa pagputok ng Bulkang Taal?
A.Sandaang libo C. Libo-libo
B. Daan-daan D. Syam na libo
6. Saan matatagpuan ang Lawa ng Lanao?
A.Pulo ng Mindanao C. Pulo ng Luzon
B. Pulo ng Visayas D. Pulo ng Jolo
7. Saan matatagpuan ang Rice Terraces?
A.Mountain Province C. Cagayan De Oro
B. Davao D. Marawi
8. Saan umabot ang abo ng Bulkang Taal?
A.Greater Manila Area C. Greater Area of Manila
B. Area of Manila Area D. Manila Greater Area
9. Tulungan ang mga napahamak sa pinakamalubhang kapahamakang umabot
sa ating bansa noong __________.
A.1960 C. 1965
B. 1970 D. 1975
10.Ito ang nagpapalakad at nagbibigay ng elektrisidad na ginagamit sa bayan-
bayan at sa mga sentro ng kalakalan at industriya sa __________.
A.Luzon C. Visayas
B. Mindanao D. Wala sa nabanggit
Ang Sapatero at ang Dwende

May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa isang
pares na sapatos. Isang gabi ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para
gawin sa umaga ang sapatos. Anong laking gulat niya nang magisnan niya
kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at kay husay pa ng pagkakagawa!
Madaling naipagbili niya ang sapatos at nakabili siya ng materyales para sa dalawang
pares. Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa
umaga nakita uli na yari na ang dalawang pares na sapatos. Naipagbili niyang madali
ang mga sapatos at bumili naman siya uli ng mga gamit para sa apat na pares.
Inihanda niya uli ito sa mesa para magawa sa umaga. Ganoon na naman ang
nangyari, na tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga sapatos. Kinalaunan,
sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng
sapatero. "Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin," tanong niya sa asawa. "Sino
nga kaya? Gusto mo, huwag tayong matulog mamaya at tingnan natin kung sino nga
siya?" alok ng babae. Ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa kinagabihan. Nagkubli
sila sa likod ng makapal na kurtina para makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi.
Nang tumugtog ang alas dose, biglang pumasok sa bintana ang dalawang kalbong
dwende. Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho. Pakanta-kanta
pa at pasayaw-sayaw pa na parang tuwang-tuwa sila sa paggawa. Madali nilang
natapos ang mga sapatos at mabilis din silang tumalon sa bintana. "Mga dwende
pala!" sabi ng babae. "Kay babait nila, ano?" "Oo nga. Paano kaya natin sila
pasasalamatan? Ayaw yata nilang magpakita sa tao." "Hayaan mo. Itatahi ko sila ng
mga pantalon at baro at iiwan na lang natin sa mesa sa gabi." Dalawang pares na
maliliit na pantalon at dalawang pang-itaas ang tinahi ng babae para sa mga
matutulunging dwende. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan at nangubli uli sila sa
likod ng kurtina. Tuwang-tuwa ang maliliit na sapatero nang makita ang mga damit
dahil nahulaan nilang para sa kanila iyon. Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw
sa galak. Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos na handang gawin, mabilis
silang tumalon sa bintana na suot ang mga bagong damit. Buhat noon hindi na
bumalik ang dalawang dwende ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng
mag-asawa na marunong gumanti sa utang na loob.

Bilang nga mga salita: 393


1. Ano ang pamagat ng kuwento?
A.Ang Sapatero at Ang Duwende C. Ang Ating Likas na Palatandaan
B. Ang Mahiwagang Sapatos D. Prinsipe ng mga Makatang Pilipino
2. Gaano katagal naipag bili ang sapatos?
A.Matagal C. Madali
B. Mabagal D. Wala sa nabanggit
3. Ano ang nakita ng sapatero pagkagising niya?
A.Dalwang pares ng tsinelas C. Dalwang pares ng sapatos
B. Dalawang pares ng bakya D. wala sa nabanggit
4. Sino ang tumutulong sa sapatero sa paglikha ng sapatos?
A.Duwende C. Kapre
B. Bata D. Kanyang kaibigan
5. Saan pumapasok ang dalawang kalbong duwende?
A.Pinto C. Kisame
B. Bintana D. Sa butas ng lababo
6. Ano ang ginagawa ng duwende sa paggawa ng sapatos?
A.Nakanta C. Nasayaw
B. Naiyak D. Tama ang A at C
7. Ano ang inihanda ng sapatero nung gabing iyon?
A.Materyales para sa sapatos C. Materyales para sa tsinelas
B. Materyales para sa bakya D. Wala sa nabanggit

8. Ilang pares ng maliliit na pantalon at pang itaas ang itinahi ng babae?

A. Dalawang pantalon at pang itaas C. Wala dahil tinatamad sya

B. Isang pantalon at dalwang pang itaas D. Wala sa nabanggit

9. Ano ang naging reaksyon ng mga maliliit na sapatero nang makita ang mga
damit?

A. Tuwang tuwa B. Nalungkot C. Nagalit D. Nawala

10. Pagkatapos magawa ng mga sapatero ang mga sapataos ano ang kanilang
ginawa?
A.Mabilis silang tumalon sa bintana suot ang damit

B. Naglaho sila na parang bula

C. Di na muli silang bumalik sa mga ito

D. Wala sa nabanggit

Ang Engkantada ng Makulot

Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at


matakutin sa diyos. Ang Cuenca ay tirahan ng mabait na prinsesang reyna ng Makulot.
Siya ay mahiwaga. Ang kanyang kinalulugdang alaga ay Torong Ginto. Ang Torong Ginto,
katulad din ng pangkaraniwang baka, ay malimit makitang nanginginain ng damo sa
kaparangan. Ang Torong ito ay siyang tulay ng pag-iibigan at pagmamagandang-loob ng
mga mamamayan at ng prinsesa. Ang prinsesa ay napakabait at mapagkawanggawa sa
mga taong dukha. Dahil sa Torong Ginto nabibigyan ng salapi ng prinsesa ang mga
mahihirap na nangangailangan ng tulong upang ipagtawid-gutom. Sila ay dapat may
mabuting budhi't malinis na asal. Nguni't kung ang mga tao'y mahilig sa pagkakasala
wala silang hihintaying gantimpala sa prinsesa. Lumakad ang mga araw at ang mga
mamamaya'y nakalimot sa magandang halimbawa at malinis na pamumuhay. Dahil
diya'y nawalang bigla ang Torong Ginto. Nawala rin ang prinsesa. Sakali mang makita
ang Torong Ginto, ito'y nangangahulugang magkakaroon ng gutom, salot, sakit at kung
anu-anong sakuna, kaya ang mga tao ay nagprusisyon, nagdasal, nagpamisa at
tumutupad ng sari-saring pangako sa kanilang mga anitos. Naging hampas na parusa ng
mga anito sa mga tao ang paglabas ng Torong Ginto. Kung makita ang Torong Ginto,
ito'y babalang matutuyo ang mga halaman o di kaya'y magkakaroon ng malaking baha o
masamang ani. Ang raha't lakan ng magkakaratig na balangay ay nagkaisang tumawag
ng pulong. Kanilang isinaalang-alang kung ano ang dapat gawin upang ang Torong Ginto
ay huwag nang makita. Pinagkaisahan ng lahat na ang pinakamatapang at makisig na
binata at subok na kawal ay ialay sa prinsesa upang maalis ang kanyang galit. Ang
kaawa-awang binata ay itinali sa puno ng kahoy upang sunugin. Di-umano'y ang usok
nito ay isusubo sa Reyna ng Makulot. Anong pagpapakasakit! Nang kakanin na ng apoy
ang bagong taong ubod ng tapang ay siyang paglabas ng Torong Ginto sa yungib ng
bundok. Sakay rito ang Engkantada ng Makulot. Iwinagayway ng prinsesa ang kanyang
mahiwagang baston. Ang binata ay tinangay ng hangin at naagaw sa nagngangalit na
apoy. Sa isang iglap ay iniupo siya sa Torong Ginto. Ang prinsesa at binata na kapuwa
sakay ng Torong Ginto ay pumasok sa yungib ng bundok. Ang Torong Ginto mula noon
ay hindi na napakita. Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli
iyon, ay nagbago na rin at nanatiling mabubuting tao.

Bilang ng mga salita: 389

1. Ano ang katangian ng mga taong naninirahan sa bayan ng Cuenca?


A.Maligaya C. May takot sa Diyos
B. Tahimik D. Lahat ng nabanggit
2. Sino ang naninirahan sa bayan ng Cuenca?
A.Prinsesa C. Prinsipe
B. Hari D. Reyna
3. Ano ang inaalagaan ng Reyna?
A.Torong Ginto C. Torong Pilak
B. Torong Rosas D. Wala sa nabanggit
4. Ang Torong ito ay siyang tulay ng _________ at_________.
A. Pag iibigan C. Pagmamagandang loob
B.Mali ang A at C D. Tama ang A at C
5. Ano ang nagging parusa ng reyna sa paglabas ng torong ginto?
A. Matutuyo ang mga halaman at nagkakaroon ng malaking baha.
B. Mabubuhay ang mga damo pero magkakaroon ng malaking baha.
C. Mamamatay ang mga halaman at hindi magkakaroon ng malaking baha.
D.Wala sa nabanggit
6. Ano ang ugali ng reyna?
A.Napakabait C. Matapang
B. Mapagkawanggaw D. Wala sa nabanggit
7. Ano ang parusa ng reyna kapag nakita ang torong ginto?
A. Gutom C. Sakot
B.Sakit D. Lahat ng nabanggit
8. Ano ang iwinagayway ng prinsesa?
A.Mahiwagang baston C. Mahiwagang walis
B. Mahiwagang watawat D. Mahiwagang panyo
9. Ano ang tumangay sa binata?
A.Hangin C. Tubig
B. Lupa D. Ulap
10.Lumakad ang mga araw at ang mga mamamaya'y nakalimot sa magandang
halimbawa at malinis na _______.
A. Pamumuhay C. Pagtatrabaho
B. Kapitbahay D. Wala sa nabanggit

You might also like