You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
District of Hagonoy East
EUGENIO G. SY TAMCO ELEMENTARY SCHOOL
Zone 3, San Isidro Sr. Hagonoy, Bulacan

LEARNER’S LOCALIZED MATERIALS


ARALING PANLIPUNAN 2
Kabuhayan sa Komunidad
AP2PSKIIIa-1

Ang mga Mag-aasin ng San Isidro

Asin …isang putting-puti butil na nagbibigay lasa sa ating pagkain. Lubhang mahalaga ang asin sa
pagluluto at pagtitimpla ng iba’t-ibang pagkain.
Ito ang pangunahing hanapbuhay ng karaniwan sa mga mamamayan ng San Isidro. Bagamat
hindi rito matatagpuan ang pook asinan, sila ang tagapangalaga ng malaking asinan sa Latian na ang iba
ay sa Malolos, Paombong at Bulakan na karatig bayan ng Hagonoy.
Noong mga taong 1970-1990 naging masagana pa ang pamumuhay ng mga mag-aasin dahl
bukod sa maganda ang kanilang ani ay mataas din ang presyo nito. Kaya’t hindi kataka-taka na nagging
maalwan ang buhay ng mga taong ito. Nakapaggagawa sila ng magagandang tirahan, mamahaling
kasangkapan at sasakyan. At nakakapag-aral din ang kanilang mga anak.
Ngunit sa pagdaan ng mga araw at dulot narin ng pagbabago ng panahon ang dating magandang
pamumuhay ng mag-aasin ay nagging mahirap na para sa kanila. Ang ibnag asinan, gawa ng mga
kalamidad na dumating tulad ng bagyo, baha at lindol ang mga asinan ay nasama na sa dagat. Napigtas
ang mga pilapil na nagging dahilan upang masira ito. Ang mga may-ari nito ay hindi nag-aksaya ng pera
upang ito ay ipagawa. Kaya’t ang mag-aasin ay bumalik na sa kanilang Barangay San Isidro, upang
sumubok ng ibang hanapbuhay. At gayunpaman, ang nagging hanapbuhay nila ay malapit din sa pag-
aasin. Hindi na sila gumagawa ng asin. Sila na ang nagbibiyahe nito, bagamat dumadayo pa sila sa iba’t-
ibang lalawigan tulad ng Pangasinan at La Union. Tinatawag sila ngayong Biyahero ng Asin. Sila mga
Mag-aasin parin …………Ang mag-aasin ng San Isidro.

Prepared by:
FE N. VALIENTE
Master Teacher I
Noted:
JUN R. ACUÑA
Principal I

You might also like