You are on page 1of 8

KALIGIRAN AT KAALAMAN UKOL SA BANSANG KOREA

Pambansang Watawat ("Taegeukgi")


Ang gitnang bahagi ng puting background ng pambansang bandila ng Korea ay may
pattern ng “Taegeuk” na binubuo ng apat na kuwadrado. Ang puting background ng
Taegeukgi ay nagpapakita sa liwanag at kadalisayan na siyang makikita sa likas na
katangian ng Koreano na ibigin ang tradisyon ng kapayapaan. Ang Yin at Yang
pattern naman sa gitna ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng ‘Yin’ (kulay bughaw) at
‘Yang’ (kulay pula). Ito ay sumasagisag sa katotohanan ng kalikasan na ang lahat
ng mga bagay sa mundo ay nilikha at binuo sa pamamagitan ng pag-uugnayan ng
Yin at Yang. Ang apat na kuwadrado naman ay umuusbong mula sa pagbabago at
pag-unlad ng Yin at Yang. Ang “gun” ay sumisimbolo sa “langit,” ang “gon” ang
simbolo ng “mundo” at ang “gam” ang simbolo ng “tubig” at ang “li” ang simbolo
ng “apoy.” Ang apat na simbolong ito ang bumubuo ng pagkakaisa at
pagkakasundo ng lahat ng bagay kung saan nakasentro sa Yin at Yang. Kagaya nito,
ang Taegeuki na siyang pinakapaboritong simbolo ng mga ninuno ng mga Koreano
kung saan nakasentro sa Yin at Yang. Sinasalamin din nito ang pagnanais ng mga
Koreanong yumabong nang may pagkakaisa sa mundo. (Sanggunian: Ministry of
Public Administration and Security)

Ang pambansang bulaklak ng Korea ay ang “Mugunghwa” na isa sa


pinakaminamahal na bulaklak ng mga Koreano mula pa noong sinaunang panahon.
Ito ay kumakatawan sa Korea at nangangahulugan ito ng, “ang bulaklak na hindi
napapagod sa pag-usbong.” Ayon sa mga tala noong unang panahon, bago pa man
ang panahon ng Dinastiya ng Gojeoson, binibigyang halaga na ng mga Koreano ang
Mugunghwa at itinuturing pa nila ito bilang bulaklak na nagmula sa langit. 
Ang siyentipikong pangalan ng Mugunghwa ay “Hibiscus syriacus L.” Sa wikang
Ingles, ang Mugunghwa ay kilala bilang “Rose of Sharon.” Matatagpuan din ang
mugunghwa ‘di lamang sa Korea kundi gayundin sa kalagitnaan ng Tsina, Hilagang
bahagi ng India, Japan at iba pa. Kadalasan, nalalagas ang mga bulaklak nito
pagdating ng Taglagas (Autumn) At bilang isang “deciduous broad-leaved shrub,”
ang taas ng puno nito ay umaabot lamang sa 3~4m at ang bulaklak nito ay bilugan.
Tuwing buwan ng Hulyo hanggang Oktubre namumukadkad ang Mugunghwa. May
iba’t ibang kulay at hugis din ang bulaklak na ito, kaya naman masasabing talagang
maganda ito. Bagamat nalalanta na ang bulaklak na ito pagdating ng gabi matapos
mamulaklak ng madaling araw, araw-araw naman itong namumukadkad ng bagong
bulaklak sa loob ng 100 na araw.

Pampamahalaang Organisasyon
Ang sistema ng pamahalaan sa Korea ay “presidensyal” (Presidential System).
Samakatuwid, ang pangulo ang tumatayong pinuno ng buong pamahalaan kung
saan siya ang namumuno at nangangasiwa sa mga pinuno ng bawat
administratibong ahensiya sang-ayon sa isinasaad ng batas at mga patakaran sa
bansa. Ang Punong Ministro din, mula sa utos ng Pangulo, ay namumuno at
nangangasiwa sa mga pinuno ng mga administratibong ahensiya.
North Korea
Kabisera: Pyong Yang
Uri ng Gobyerno: Komunista
Mga tanim: Bigas (rice), Mais (corn), Patatas (potatoes),
Pulses
Industriya: Electric power, Metallurgy
Mamamayan: North Korean
Wika: Korean
Relihiyon: Buddhismo, Confucianismo

South Korea
Kabisera: Seoul
Uri ng Gobyerno: Republika
Mga tanim: Bigas (rice), Rootcrops, Barley, Gulay (vegetables), Prutas (fruits)
Industriya: Electronics, Chemicals, Ship buildings, Motor vehicles
Mamamayan: South Korean
Wika: Korean, English
Relihiyon: Buddhismo, Kristiyanismo
Heograpiya
North Korea
Napapaligiran ng tatlong bansa ang Hilagang Korea. Sa timog sa DMZ, naroon ang
Timog Korea, na nakabuo ng isang bansa hanggang 1948. Ang Tsina ang karamihan
ng hilagang hangganan nito. Mayroon naman mga 19 km hangganan ang Russia sa
Ilog Tumen sa malayong hilaga-silangang sulok ng bansa. Naapektuhan ang bansa
ng hangin mula sa Siberia na nagbibigay ng tuyot at napakalamig na tag - lamig at
mainit at maulan na tag - init.
South Korea.
Nagbibigay ng tuyot at napakalamig na tag - lamig at mainit at maulan na tag - init.

Kultura

North Korean Culture

South korea

Ang tawag sa pera ng south/ North korea ay Korean Won


MOON JAE -IN-Presidente ng Timog Korea
KIM JONG-UN- Presidente ng Hilagang Korea
Ang Korea ay matatagpuan sa Silangang Asya. Nahahati ito sa dalawa ang North
Korea o Hilagang Korea at South Korea o Timog Korea. Mayroong parehas na
komposisyon ang populasyon ng grupong etniko, ang mga Koryano, na nagsasalita
ng naiibang wika (hangul).
Ilan sa mga tradisyon at paniniwala ng mga Korea ay ang mga sumusunod:
1. Pagyuko ng ulo o Bowling
Ito ay nagpapakita ng respeto sa mas nakatataas( ang posisyon o antas) o
kaya ay ang mga mas Importante sa kanila.
2. Pagbibigay ng Regalo
Sa korea, hindi mahalaga kung may okasyon o wala ang pagbibigay ng regalo
ay nakaugalian na nilang gawin.
3.Pagtatanggal ng Sapatos
Ito ay karaniwang sa mga Asyano. Halos lahat sa asya ay naka-ugalian na
din ang pagtatanggal ng sapatos kapag pumapasok sa bahay.
4. Pagsulat sa Tintang Pula
Ang pagsusulat ng panglan sa tintang pula ay pinapaniwalaan ng mga
koreano bilang isang maaring sanhi ng kamatayan.
5. Pagpapakasal
Sa korea, mahalaga ang gampanin ng pamilya kung kaya’t ang pagpapakasal
ng dalawang tao ay pagpapasasama na rin ng dalawang pamilya sa pagkakatulad
man pagkakaiba.
Kultura
Ang korea tulad ng ilang bansa sa Asya ay ilang ding sinakop ng mga
dayuhan. Nakikita sa kanilang pamumuhay ang impluwensya ng Tsina at Hapon ang
ilan sa mga bansang sumakop sa kanila. Sa likod nito ay mahigpit pa rin nilang
napapanatili ang pagpapahalaga sa lanilang kultura, tradisyon, kasaysayan ,
edukasyon at pamilya.
Kultura sa Pagsayaw
Tulad ng sa musika, mayroong isang pagkakaiba sa pagitan hukuman sayaw
at katutubong sayaw. Mga karaniwang dances court jeongjaemu, ginanap sa mga
banquet at ilmu gumanapsa Korean Confusian rituals.
Kultura sa Pagpipinta
Ang pinakamaagang painting na makikita sa Korean peninsula ay
petroglyphs ng sinaunang- panahon gamit ang pagdating ng Budismo mula sa Indya
sa pamamagitan ng China.
Kultura sa Pagkain
Rice ay ang mga sangkap na hilaw na pagkain ng Korea. Ang pagkakaroon
nang naging isang halos ekslusibo agrikulturang bansa hanggang sa kamakailan
lamang ang mahahalagang mga recipe sa korea ay hugis sa pamamagitan ng
karanasan nito. Ang pangunahing pananimsa korea ay kanin, barley, at beans,
ngunit maraming pandagdag na mga pananim ay ginagamit, isda at iba pang mga
pagkaing dagat ay mahalaga din dahil sa korea ay isang peninsula.
Edukasyon
*Pahirapan ang Pag-aaral sa Timog Korea.
* Isang mahalagang puna sa pamamaraang ginagamit ng Korea ay ang labis na
pag- tuon ng pansin sa mga pag-ayon at konserbatismo ng mga mag-aaral.
* Mahirap ang kurikulum ng Timog Korea. Pahirapan din ang mga pagsusulat dito
* Ang paghihirap ng mga estudyante ay napakataas kaya ang ibang mga kabataan
ay nagpapakamatay na lamang.
KATANGIAN NG PAMILYANG KOREANO
Relasyon sa Pamilya

 Ang isang pamilyang nagkakasundo ay kasing halaga ng kaligayahan ng


bawat miyembro ng pamilya.

 Mahalaga sa loob ng pamilya ang herarkiya. Dapat turuan ang mga bata
na rumespeto sa mas nakatatanda at magalang na ipahayag ang kanilang
mga opinyon. Laging itinuturo sa mga kabataan ang paggalang sa mga
magulang, lolo at lola, at iba pang nakakatandang kamag-anak.

 Espesyal ang relasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak. Binibigyan


ng malaking kahalagahan ng mga magulang ang pagmamahal at pag-
aaruga sa kanilang mga anak. Minsan, sa sobrang pag-aasikaso ng mga
magulang ay nagiging palaasa ang mga anak sa kanila.

 Mahalaga ang relasyon ng mag-asawa, gayundin ang iyong papel bilang isang
magulang. Mas mahaba ang panahong gugugulin bilang isang pamilya kaysa
bilang mag-asawa.

 Sa nakaraan, ang gawaing bahay o pag-aalaga ng bata ay itinuturing bilang


trabaho ng mga babae. Gayunpaman, nagbabago na ito at ang mga lalaki ay
kasama na rin sa paggawa ng mga gawaing bahay o pag-aalaga ng mga bata
kasama babae.
 Hindi sanay maglambing ang mga lalaking Koreano, lalo na iyong
konserbatibo, sa pagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa kanilang asawa.
Lalo na noong sinaunang panahon kung saan hindi ikinatutuwa ng mga
matatanda ang paglalambingan ng mag-asawa sa harap ng ibang tao. Kaya't
mag-ingat sa paggawa nito.

Pagsasanay sa Buhay May-pamilya


Upang magkaroon ng masayang buhay mag-asawa sa Korea, mahalagang
pagtagumpayan ang mga pagkakaiba sa kultura. Maaaring mahirap makasanayan
ang buhay may-pamilya at kultura sa Korea. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga
problema, pag-isipan ang mga sumusunod na rekomendasyon.

 Magsusumikap na intindihin ang magkabilang kultura ng pamilya


 Tanungin ang iyong asawa o ang kanyang mga magulang tungkol sa mga
tradisyon ng kanilang pamilya
 Idaan sa pag-uusap ang mga problema ng pamilya
 Huwag mag-isang hanapin ang solusyon kundi humingi ng tulong sa mga
taong nasa iyong paligid
 Maaaring gamitin ang serbisyo ng tanggapan ng mga propesyonal na
tagapayo na Danuri Call Center (☎1577-1366)
Kagandahang Asal sa Paggamit ng Wika
Iba’t ibang mga titulo o panawag ang ginagamit upang magpakita ng galang sa
mga tao. Ang mga pangalang ugat sa wikang Koreano, gayundin ang mga pangalan
na ugat sa wikang Tsino, ay parehong ginagamit sa panawag o titulo. Ang maling
paggamit ng panawag o titulo ay maaaring magpakita ng kawalang-galang na
siyang magdudulot ng hinanakit sa iba. Dahil dito, ang maling paggamit ng titulo o
panawag sa isang tao ay nagdudulot ng pagpapakita ng kabastusan ng isang tao
kung kaya’t kinakailangan ng pag-iingat sa paggamit nito. Sa Korea, gumagamit sila
ng ‘titulo’ bilang magalang na paraan sa pagtawag sa isang tao. Gumamit din sila
ng iba pang mga ‘panawag o designations’ para magpakitang galang sa kausap.

Katawagan sa mga Miyembro ng Pamilya

Sa Korea, tinatawag ng bawat miyembro ng pamilya ang isa’t isa gamit ang
natatanging panawag na nagpapakita ng kanilang relasyon sa isa’t isa. Ginagamit
ang “wikang panggalang” para sa mga nakakatanda at ordinaryong pantawag
naman sa mga nakakabata. May kaunting pagkakaiba sa bawat pamilya kaya’t mas
makakabuti kung itatanong ninyo ito sa inyong pamilya.

Family tree
Ang mga linya ay ginagamit upang ipaliwanag ang relasyon sa loob ng pamilya.

Katawagan sa mga Miyembro ng Pamilya


Titulo* at pagbigay-bati* ng asawa ng babae at ng kanyang pamilya

Antas ng Paggalang at Hindi Pormal na Pananalita

Sa Korea, may kaunting pagkakaiba sa wika depende sa edad, relasyon at


katayuang panlipunan ng tao. Ang antas ng paggalang ay ginagamit sa mga mas
nakatatanda at ang hindi gaanong pormal na wika ay ginagamit sa mga mas
nakababata.

 Kung ikaw ay nakikipag-usap sa nakatatanda, o sa publiko, kailangang


gamitin ang mga salita ng paggalang.

 Gamitin ang normal na antas ng pananalita kapag nakikipag-usap sa isang


kaibigan o mas nakababata sa iyo.

Mahahalagang kahulugan ng mga bagay na inilalagay sa mesa sa unang


kaarawan
Sinulid – mahabang buhay.
Pera, bigas – kayamanan at magandang kapalaran
Bola ng soccer - ang bata ay magiging manlalaro ng soccer
Malyete - ang bata ay magiging hukom (judge).
Lapis, writing brush, libro - ang bata ay magiging isang matalino o magiging iskolar.
Istetoskop - doktor(manggagamot)
mikropono - celebrity(tanyag na tao)

Kasal

Mayroong tradisyunal at modernong kasalan sa Korea. Sa kasalukuyan, hindi na


masyadong isinasagawa ang tradisyunal na kasalan at mas madalas na ang
pagsasagawa ng modernong kasalan. Isinasagawa ang modernong kasalan sa
wedding halls, hotel, simbahan, templo, atbp. Para sa seremonya ng kasal (wedding
ceremony), nagsusuot ng tuxedo ang lalake at ang babae naman ay nagsusuot ng
puting gown. Matapos ang seremonya, nagpapalit sila ng tradisyunal na damit
(“hanbok”) at nagbibigay sila ng “pyebaek"* sa mga magulang ng lalake at mga
nakakatanda. Subalit sa mga panahong ito, isinasagawa ang “pyebaek" sa
parehong magulang ng babae at lalake.

Libing
Nagsusuot ang pamilya ng mga damit pangluksa habang dinadamitan nila ang
namatay ng bistidura. Sa pangkalahatan, inihahanda na ang mga bistidura para sa
mga nakatatanda habang sila ay buhay pa. Nagiiba ang mga bistidura sa bawat
kabahayan at rehiyon. Sa ilang mga kaso, pinapasuot ang namatay ng damit na yari
sa abaka, maaari itong kulay itim o puti. Dapat iwasan ng mga dadalaw sa
munsang* ang pagsuot ng damit na may matitingkad na kulay at itim o puting
bestida na lamang ang isuot. Sa munsang, dapat ay magbigay-galang at magdasal
kasama ang naulilang pamilya. Nagbibigay din ng abuloy na pera ang mga tao
bilang pakikiramay.
Panitikang Koreano ay ang katawan ng panitikan na ginawa ng mga
Koreano, karamihan ay nasa wikang koreano at kung minsan ay nasa klasikal na
tsino. Sa loob ng 1,500 taon ng pampanitikang kasaysayan itoy nakasulat sa Hanja.
Ito ay karaniwang nahahatisa klasikal at modernong panahon, kahit na ang
pagkakaiba nito ay kung minsan hindi maliwanag.
Panitikang Koreanong Klasikal ay may mga pinanggagalingan nito sa
tradisyonal na katutubong paniniwala at kuwentong- bayan ng tangway sa Korea.
Apat na uri ng Pangunahing Tradisyonal na anyo ng tula
1. Hyangga- Katutubong kanta
2.pyolgok- espesyal na kanta
3.changga- mahabang tula
4.sijo- kasalukuyang melodya
Isa sa mga sikat na mga pinakamaagang mga tula o lirikong kanta ay ang
Gonghuin (konghu-in) ni Yeok -ok sa panahon ng Gojoseon.
MGA AKDANG PANITIKAN SA KOREA
1. Ang Hatol ng Kuneho - Pabula
2.Ang Sutil na Palaka – Pabula
3.Ang Kuwento ni Hangbu at Nolbu- Kuwentong Bayan
4. Ang araw at ang Buwan- Mito
5.Ang Buhay
6. Ang Tamang Sugat

You might also like