You are on page 1of 4

I.

PANIMULA
A.) URI NG PANITIKAN:
 Piksyon
Dahil sa taglay nitong kuba na pinakapangit sa paris,france.
ANYO:
 Tuluyan/Nobela
Dahil sa pasalaysay at madamdamin nitong istorya.
B.) BANSANG PINAGMULAN:
 Paris, France Sa Europe
Ang Paris ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Pransiya, na
matatagpuan sa pampang ng Ilog Sena, sa hilagang Pransiya, sa kalagitnaan ng
rehiyong Pulo ng Pransiya (o Rehiyong Parisino).
C.) PAGKILALA SA MAY AKDA:
 Victor Hugo
Si Victor-Marie Hugo (26 Pebrero 1802 – 22 Mayo 1885) ay isang Pranses na
makata, mandudula, nobelista, manunulat ng sanaysay, artistang pangbiswal,
politiko, aktibistang pangkarapatan ng tao, at tagapagtaguyod ng kilusang
Romantiko (tagapagtangkilik ng Romantisismo) sa Pransiya.
D.) LAYUNIN NG MAY AKDA.
 Layunin ng akdang “ANG KUBA NG NOTRE DAME” na makita ng isang
mambabasa ang magandang mukha ng France sa kanilang panitikan. Ito rin ay
naglalayong mapaunawa sa mambabasa na ang pag-ibig ay umiiral sa iba't-
ibang paraan.

II.) PAGSUSURING PANGNILALAMAN


A.) TEMA O PAKSA NG AKDA:
 Ito’y Makabuluhan at Nakaka-enganyong Basahin Dahil sa Taglay Nitong
Mensaheng Nais Iparating sa Lahat ng Mambabasa Ng Akdang Ito na
Nagbibigay Inspirasyon, Hindi sa Isa Kung Hindi Para sa Lahat na Umibig ng
Hindi lang Nakabase sa Itsura. Ito rin ay Nagbibigay Inspirasyon sa Mambabasa
Upang Sumulat ng Kapanapanabik na Nobela na Makabuluhan at May
Magandang Mensaheng Nilalaman.
B.) MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA:
 Quasimodo:
Si Quasimodo, ang kuba ng Notre Dame na itinanghal bilang “Papa ng
Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Sa kabila ng kanyang
pisikal na kaanyuan, siya ay may magandang kalooban.
 La Esmeralda:
Si La Esmeralda ay ang dalagang mananayaw,handang mamatay para sa
kanyang mahal.
 Claude Frollo:
Si Claude Frollo ay pari ng Notre Dame. Paring may pagnanasa kay La
Esmeralda; amain ni Quasimodo; siya ay sakim sa pagmamahal. Dahil sa labis
na kagustuhan sa dalagang mananayaw, nakalimutan na niya ang buong
pagkato niya at kung ano ang kanyang katayuan.
 Pierre Gringoire:
Si Pierre Gringoire ay ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar na
handang tumulong sa kanyang mahal sa buhay.
 Phoebus:
Si Phoebus ay ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian; may malalim
ding gusto sa babaeng mananayaw na si La Esmeralda. Itinuturing na mas
mahalaga ang kapangyarihan niya bilang kapitan kaysa tulungan ang dalagang
napamahal na sa kanya.
 Sister Gudule:
Si Sister Gudule ay dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang
anak na babae; ina ni La Esmeralda. Isang dakilang ina na walang tigil sa
pghahanap sa nawawalang anak.
C.) TAGPUAN/PANAHON
 Katedral Ng Notre Dame
Dito Isinasagawa ang “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng
isang araw taon-taon.
D.) BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
 Balangakas na Patalata dahil gumagamit ito ng patalatang buod upang isalaysay
ang bawat pangayayari. Naayon ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa nobelang ito dahil sa pagsasalaysay ng may deskripsyon. At Naipararating
nito ang mensahe na makita ng isang mambabasa ang magandang mukha ng
France sa kanilang panitikan. Ito rin ay naglalayong mapaunawa sa mambabasa
na ang pag-ibig ay umiiral sa iba't-ibang paraan.
E.) KULTURANG MASASALAMIN SA AKDA:
 Ipinagdiriwang nila ang “Araw ng kahangalan” at may itinatampok na isang tao
bilang simbolo taon-taon.
 Sa Pilipinas itinatampok ang pista ng “Itim na Nazareno” taon-taon (Ika-9 ng
Enero) upang gunitain ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing
ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.

III.) PAGSUSURING PANGKAISIPAN:


A.) MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG MAY AKDA:
 Nagpapahayag ng damdamin ng may akda at siyang tumatalakay sa pamumuhay
ng isang taong lubos na kinasusuklaman ng ibang mamamayan. Tulad ng mga
alipin noong unang panahon na itinuturing na parang hayop sa kadahilanang
hindi kaaya-aya ang anyo nito. Sa pilipinas ay may maituturing din ganitong
pangyayari gaya ng pagtrato sa mga mahihirap na kung hindi aabusuhin ang
natitirang yaman ng mahihirap ay naaakusahan naman dahil din sa anyo o
pananamit nito.
Karaniwang namomoblema sa mga sitwasyong ito ay ang mahihirap sa
kadahilanang walng sapat na salapi upang bayaran ang mga nagawang
pagkakamali at minsa’y inaabuso pa ng karamihan.

B.) ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA:


 Madaling unawain ang akda dahil sa mga deskripsyon nito at mensaheng nais
iparating sa mga mambabasa. Ngunit sa kabila ng deskripsyon nito iba-ibang
mensahe ang naiisip ng mga mambabasa dahil sa ito’y makabuluhan gaya ng
may akda nito na isang sikat na manunulat, nobelista at kung ano-ano pa.
IV.) Buod
 Isang napakapangit na sanggol ang ipinanganak na iniwan sa simbahan.
Inalagaan ito ng paring si Claude Frollo na nakatira sa katedral, makalipas ang
ilang taon nasilayan ng pari ang kagandahan ng isang mananayaw na si la
Esmeralda hindi nagtagal nasabik siya na mahalin siya nito kayat naisipan nitong
ipadakip na lamang kay Quasimodo ngunit nabigo ito dahil sa pagdating ni
phoebus na isang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian.
Naparusahan si Quasimodo dahil sa kanyang ginawa na iniutos lamang ng pari.
Samantala hindi sinasadyang nagkagusto sa isa’t isa sina phoebus at la
Esmeralda kaya naisipan ng dalawa na magkita upang magbigay impormasyon
sa isa’t isa dahil rito nagalit ang pari kaya’t nais nitong patayin si phoebus gamit
ang kaniyang natutunang itim na mahika na siya ring dahilan kung bakit
tinalikuran niya ang diyos.
Dahil roon naparatangang mangkukulam si la Esmeralda kung kaya’t
pinarusahan ito ng kamatayan ngunit sinagip ito ni Quasimodo dahil sa pagtingin
nito kay la Esmeralda at dinala ito sa tuktok ng katedral ngunit tinangka ng pari
na hamakin si la Esmeralda at di sinasadyang naitulak ni Quasimodo ang pari at
yoon ang naging dahilan ng pagkamatay nito.
Hindi nagtagal nadakip si la Esmeralda at natuloy ang parusa nito ngunit kasabay
nito si Quasimodo ay hindi narin natagpuan…
Laking ng gulat ng isang lalaki ng hukayin muli ang puntod ni la Esmeralda ng
Makita ang bangkay ni Quasimodo na siyang nakayakap sa bangkay ni la
Esmeralda.

You might also like