You are on page 1of 3

Ang wika ay may iba't ibang katangian.

Ito ay isa sa mga mahahalagang bagay na ibinigay ng Diyos sa tao upang


mabuhay nang may kabuluhan at makamit niya ang kanyang mga pangarap at mithiin sa buhay.

1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa
isang tiyak na balangkas.

Halimbawa:

           nag-aaral     Sarah       mabuti         makapasa         eksamin

Mapapansing batay sa mga salitang nakalahad sa itaas, tayo ay makabubuo ng isang pangungusap tulad ng: 

Si Sarah ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa sa eksamin.

2. Ang wikang ay sinasalitang tunog. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog. Subalit hindi lahat ng
tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog ay may
kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog na nilikha natin ay ang tunog na salita. Ito rin ang kasangkapan ng
komunikasyon sa halos lahat ng pagkakataon. Tanging sinasalitang tunog lamang na nagmumula sa tao ang maituturing
na wika. Nilikha ito ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga ng nagdaraan sa
pumapalag na bagay na siyang lumilikha ng tunog (artikulador) at minomodipika ng ilong at bibig (resonador).

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at isaayos ang mga
salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa kausap. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin
ang wikang ating gagamitin.

4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong magsalita kung
papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan.

Halimbawa:

Kung ikaw ay nasa Pangasinan, kailangan ang wikang iyong sinasalita ay ang wikang gamitin sa Pangasinan upang
magkaroon ka ng direktang ugnayan sa lipunang iyong ginagalawan.

Ang pagiging "arbitrary" ng wika ay maari ring maiayon sa konbensyunal na pagpapakahulugan ng salitang ginagamit.
Walang kaugnayan ang salitang ginagamit sa ipinakakahulugan nito. Isang halimbawa ay ang salitang "aso" sa ingles ang
gamiting salita ay "dog", sa Ilokano, ito ay "aso", sa Pangasinan ito ay "aso" maaaring pareho ang mga salitang ginamit
dahil ang mga gumagamit ng wika ay napagkayariang ito ang gamiting salita kaya't ito ang pangkalahatang gamit sa
salitang "aso"
5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang
patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan ng saysay.

6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot ay makikita sa pagkakaiba-
iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang
katumbas sa ibang wika. Pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles. Anu-ano ang iba't ibang anyo ng "ice
formations" sa Ingles? Ngunit ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaring yelo at niyebe lamang, ngunit ano ang
katumbas natin sa iba pa? Wala, dahil hindi naman bahagi sa ating kultura ang "glacier", "icebergs", "forz", "hailstorm"
at iba pa.

7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wika ay maaaring
nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga
bagong salita.

8. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng
wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita.

9. Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na salungat sa wastong
pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang
halimbawa nito ay ang walang kamatayang akdang "Uncle Tom's Cabin" na isinulat ni Stowe. Dahil sa nobelang ito,
nagkaroon ng lakas ang mga aliping itim na ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao laban sa mga Amerikano. Ang
salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa mundo. Ito ay nagpapatino o nagpapabaliw, bumubuo o
nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto.

10. Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa rin ang kay hirap
ipaliwanag. Pansinin ang mga halimbawa:

       a. may ham nga ba sa "hamburger"? (beef ang laman nito at hindi hamo)
       b. may itlog nga ba sa gulay na "eggplant"?
Ayon muli kay Garcia (2008), mahahati sa tatlong pangkalahatang uri ang mga kahalagahan ng wika, dito uusbong ang
mga detalyadong kahalagahan nito.

1. Kahalagahang PANSARILI. Nakapaloob dito ang individwal na kapakinabangan. Halos lahat ng teorya ng pinagmulan
ng wika ay nag-ugat sa sariling kapakinabangan: pagpapahayag ng damdamin, iniisip at maging ng mismong pagkatao.
Isipin na lamang kung walang wikang natutuhan ang tao! Ang bunga nito ay kalunos-lunos! Alisin ang wika sa isang
individwal at waring inalis na rin ang pagkatao.

2. Kahalagahang PANLIPUNAN. Walang alinlangang ang tao ay hindi namumuhay ng mag-isa. Kailangan niya ang
kanyang kapwa upang bumuo ng isang lipunang sasagisag sa kanilang iisang mithiin, sa kanilang natatanging kultura. Ito
ang dahilan kung bakit may iba't ibang lipunan. Wika ang dahilan kung bakit minamahal ng sinumang nilalang ang
kanyang sariling kultura. Ayon kay San Buenaventura (sa aklat nina Resuma at Semorlan, 2002):

Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinulat: isang hulugan, taguan, imbakan, o deposito ng kaalaman ng isang
bansa, isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak dito. Sa madaling salita, ang wika ang kaisipan ng isang bansa
kaya't kailanman, ito'y tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang mga haka-haka at katiyakan
ng isang bansa". Bawat salitang ipinahahayag sa isang lipunan ay katumbas ng kanilang mga tanging pakahulugan sa
buhay.

3. Kahalagahang Global Interaksyunal. Ang kahalagahang ito ay kailan lamang ganap na napag-uukulan ng pansin.
Naging mainit ang isyung ito nang magkaroon ng 2001 Revisyon ng Alfabeto. Maraming nagtaas ng kilay sa mga letrang
F, J, at Z bilang mga letrang maaari nang gamiting sa pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram. Malinaw na
nakasaad sa Konstituyon ng 1987 na ang Wikang Filipino ay ang wikang pambansa at ang Ingles ang wikang
internasyunal. Dahil sa nangyaring revision, lumilitaw na "lumalapit" ang baybay ng maraming salitang Filipino sa mga
salitang Ingles at iba pang banyagang wika.

Tunghayan ang ilan sa mga halimbawa:

      focus     - mula sa focus at mas malapit sa dating pokus


      jornal    - tanging U lamang sa gitna ang nawala.
      varayti  - mas praktikal kaysa sa nakagawiang barayti
      jaket     - tanging C lamang ang nawala
      futbol   - sa Mexico ay gamit na ito at mas praktikal kaysa putbol
      valyu   -  tanging ang E lamang sa huli ang nawala

You might also like