You are on page 1of 1

BIGLAAN LANG

JEIA DAWN A . ANOBA

Masaya naman tayong dalawa diba?

Ngunit bakit ikaw ay biglang nagsawa?

Ang dahila'y diko nga malaman-laman

Basta't ang batid ko ako'y nasasaktan

Ang pagiging matatag ay sapilitan

Wari ko'y gusto mo akong palitan

Ngunit bibig ay tinikom at pinilit

Sa katotohanang alam kong mapait

Lumipas ang mga araw, buwan, taon

At puso ko ay hindi na tumatalon

Akala ko, akala ko ngunit mali

Mali sapagkat puso'y may basakali

Ano pa nga ba ang aking magagawa?

Sa desisyon mong gustong


magpakawala

Sa desisyong maglalahong parang bula

Kasabay ng mga pangakong may bola

Sa ere ako ay naiwang mag-isa

Sa ere ako ay lumuhang mag-isa

Ni minsan, ni isa walang nag-usisa

Ni minsan, ni isa walang nangumusta

Sana ay wala at hindi ka nangako

Na sa huli tayo, walang magbabago

Pero ito ngayon, ako na naiwan

Iniwan mo bigla at sobrang nasaktan

You might also like