You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP-V)

AGRIKULTURA

Huwebes Enero 24,


2019

I. LAYUNIN:
A. Nalalaman ang maayos at masistemang pangangalaga sa pananim
B. Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng kulisap/peste at paraan ng pagpuksa
C. Napapahalagaan ang importansaya ng wastong pangangalaga ng pananim

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Masistemang Pangangalaga ng Tanim na mga Gulay
Sanggunian: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, Pp. 73-74
Kagamitan: Laptop, Projector, White Screen

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
1.1 Maikling panalangin at pagbati
1.2 Pag-uulat ng lumiban

2. Pagsasanay
Magbigay ng iba’t-ibang pamamaraan sa ligtas na pangangasiwa ng halaman.

3. Balik-aral
3.1 Ano ang tatlong uri ng lupa. Anong lupa ang angkop sa pagtatanim ng gulay?
3.2 Ano ang mga dapat gawin upang mapanatili ang kalusugan ng halaman at lupa?

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagganyak
1.1 Magpakita ng larawan ng malusog at hindi malusog na halaman
1.2 Ano ang napapansin niyo sa dalawang halaman?
1.3 Ano ang nararapat gawin upang maging malusog ang ating halaman?

2. Pag-aalis ng Sagabal
Neem Tree, Ring Borer

3. Pagbuo ng Suliranin
3.1 Paano isinasagawa ang masistemang pangangalaga ng mga pananim?
3.2 Ano-ano ang mga uri ng kulisap na naninira sa halaman at paraan ng pagpuksa nito?
3.3 Bakit mahalaga ang tamang pamamaraan sa pag-aalaga ng pananim?

4. Pagtalakay ng Aralin
4.1 Mga masistemang pangangalaga ng tanim
4.2 Ilang kulisap na naninira sa mga halaman
4.3 Paraan ng pagpuksa sa mga kulisap/peste

5. Paggawa
5.1 Gumawa grupo at hayaan ang mga bata nap ag-usapang muli ang mga masistemang
pangangalaga sa tanim at pagpuksa sa mga kulisap/peste.
5.2 Gumawa ng pag-uulat ang bawat grupo sa kanilang talakayan
6. Paglalagom
Ang masistemang pangangalaga sa mga tanim ay napakahalaga upang maging malusog
ang paglaki ng tanim. Ang pagpuksa sa peste/kulisap ay isang malaking gawain sa
paghahalaman na makatutulong sa maayos na paglaki ng pananim.

7. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang dapat gawin upang lumaki na malusog ang ating pananim?
a. Wastong pagdidilig c. tanggalin ang mga ligaw na damo
b. Pagbubungkal ng lupa d. lahat ng nabanggit
2. Alin ang hindi dapat gawin sa masistemang pangangalaga ng pananim
a. alisin ang mga ligaw na damo c. diligan paminsan minsan
b. lagyan ng mga pataba ang lupa d. wastong pagbubungkal ng lupa
3. Bakit dapat bunutin ang mga ligaw na damo sa halamanan?
a. Pangit tignan sa halamanan c. Nakakasagabal sa paglaki ng pananim
b. Inaagaw nito ang sustansya ng lupa d. Nakakasikip sa spasyo ng taniman
4. Ang ganitong uri ng peste ay mapaminsala sa mga punongkahoy
a. Armor Scale (Family Diaspididae) c. Melon Aphid
b. Ring Borer D. Plant Hoppers
5. Naninirahan ang kulisap na ito sa ilalim ng mga dahon na nagiging sanhi ng pagkulot
ng mga ito.
a. Armor Scale (Family Diaspididae) c. Melon Aphid
b. Ring Borer D. Plant Hoppers

C. Pangkasanayan
D. Pandamdamin
- Pagpapahalaga sa kalusugan ng mga pananim

V. KASUDUAN/TAKDA
Kumalap sa internet ng iba’t-ibang uri ng organikong pataba na ginagamit sa natural farming

You might also like