You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP-V)

AGRIKULTURA

Huwebes Pebrero 21, 2019

I. Mga Layunin
A. Naipakikita ang masistemang pag-aani ng tanim.
B. Nagagamit ang talaan sa pagsasagawa ng wastong pagsasapamilihan ng inaning gulay.
C. Nakagagawa ng plano ng pagsasapamilihan ng ani.

II. PaksangAralin:
Paksa: Pag-aani at Pagsasapamilihan ng mga Produkto
Sanggunian: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran
Kagamitan: Laptop, Projector, White Screen

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
1.1 Maikling panalangin at pagbati
1.2 Pag-uulat ng lumiban

2. Pagsasanay
Magbigay ng presyo ng mga gulay na nabibili sa palengke.

3. Balik-aral
Ano ang kahalagaan ng organikong pamamaraan ng pagtatanim ng gulay? Sa palagay nyo ba ay
mas makakabuti sa kalusugan ang organikong gulay?. Ipaliwanag ang inyong sagot.

B. Paglalahad ng aralin
1. Pagganyak
1.1 Talakayin ang mga dahilan kung bakit kailangang maipagbili sa lalong madaling panahon ang mga
inaning gulay.
1.2 Magpakita ng mga larawan ng mga nakaayos na gulay, prutas, at iba pang produkto na galing sa
halaman.
1.3 Tumawag ng ilang mag-aaral para ipaliwanag ang nakita sa larawan. Iugnay ito sa paksa.

2. Pag-aalis ng Sagabal
Pakyawan, tingian

3. Pagbuo ng Suliranin
3.1 Paano ang tamang paraan ng pag-aani at pagbibili ng prukto?
3.2 Ano ang mabisang plano sa pagsasapamilihan ng mga aning gulay?
3.3 Paano ang pagsasagawa ng pagtatala ng puhunan, gastos, kita at maiimpok?

4. Pagtalakay ng Aralin
4.1 Mga dapat tandaan sap ag-aani ng mga pananim
4.2 Plano sa pagsasapamilihan ng mga aning gulay
4.3 Pagtatala ng puhunan, gastos, kita, at maiimpok

5. Paggawa
5.1 Pangkatang gawain: Paggawa ng plano o talaan ng pabebenta ng gulay.
5.2 Ang nagawang plano o talaan ay gagamitin sa pagbebenta ng inaning gulay mula sa mga tanim ng
mga mag-aaral sa paaralan sa susunod na araw.
6. Paglalagom
Upang manatiling sariwa ang mga inaning gulay, ang pag-aani ba ay kailangang gawin sa umaga
bago sumikat ang araw? Bakit kailangang madala kaagad sa pinagbilhang gulay?

7. Pagtataya
Panuto: Punan ang mga patlang ng salita o grupo ng mga salita para maging tama ang pangungusap.
Isulat sa patlang ang sagot.
1. Mag-ani sa bandang hapon o madaling araw upang_____ang mga gulay.
2. Anihin lamang ang mga bunga na nasa tamang ______ at panahon.
3. Ang _____ ay nakadaragdag sa pagkagusto ng mga mamimili sa mga produktong gulay.
4. Mahalaga ang patatala at pagtutuos ng mga _____, pinuhunan at kinita ng napagbentahang gulay at
iba pang produkto.
5. Lagyan ng pagkakakilanlan ang produktong nakalagay sa isang _______ lalagyan tulad ng mga
produktong nakabalot sa papel.

C. Pangkasanayan
Magtala ng mga gulay na kalimitang mabenta sa pamilihan o palengke

D. Pandamdamin
- Kasipagan
- Kawilihan sa pagbebenta
- kalinisan
- Kaayusan

IV. KASUDUAN/TAKDA
Makipanayam sa isang tindera tungkol sa iba pang paraan upang makaakit pa ng mas maraming
mamimili sa kaniyang mga ibebentang produkto.

You might also like