You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP-V)

AGRIKULTURA

Lunes Hunyo 10,


2019

I. LAYUNIN:
A. Natutukoy ang uri ng lupang angkop sa pagtatanim.
B. Nalalaman ang wastong pangangalaga sa lupang pagtataniman.
C. Napapahalagaan ang kapaligiran sa paggamit ng organikong pataba.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Paghahanda sa lupang Pagtataniman
Sanggunian: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Pp. 67-69
Lawak: Agrikultura
Kagamitan: Mga kagamitan sa Paghahalaman.

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
1.1 Maikling panalangin at pagbati
1.2 Pag-uulat ng lumiban

2. Pagsasanay
Magbigay ng mga pakinabang sa pagtatanim ng gulay.
3. Balik-aral
Bahagyang pag-usapan ang mga benepisyo ng gulay. Itanong : “Nakikita
mo ba ang iyong sarili na nagsasagawa ng pagtatanim ng gulay? Bakit?

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagganyak
1.1 Magpakita ng isang tunay na halamang buhay at halamang
artipisyal.
1.2 Ipaunawa sa mga mag-aaral ang pagkakiba ng dalawang halaman.
1.3 Iuganay sa sariling talakayan

2. Pag-aalis ng Sagabal
Humus, Luwad, mulch

3. Pagbuo ng Suliranin
3.1 Ano-ano ang uri ng lupa?
3.2 Paano ihanda ang lupang Taniman
3.3 Ano ang wastong pangangalaga sa lupa?
4. Pagtalakay ng Aralin
4.1 Tatlong uri ng lupa
4.2 Paraan ng Paghahanda ng Lupang Taniman
4.3 Wastong pangangalaga sa lupa
4.5 Pangangalaga ng mga pananim

5. Paggawa
Hayaan ang bawat mag-aaral na muling ipakita ang mga hakbang sa
wastong pangangalaga sa lupa.

6. Paglalagom
Mahalaga ang positibong pananaw sa paggawa lalo na sa wastong
pangangalaga ng lupa at mga pananim. Nakararanas ng kasiyahan ang
mga ganitong uri ng gawain. Ang lupa, gaya ng mga halamanm, ay
dapat pangalagaan dahil dito kumukuha ng sustansiya ang pananim
upang lumaki at umunlad.

7. Pagtataya
Pagtutugma. Itugma ang mga salita sa ilalim ng hanay A sa mga salita sa
hanay B. Isulat ang wastong titik sa iyong kuwaderno.
___1. Banlik o loam a.mula sa mga nabubulok na
dahon, dayami, at damo
___2. Luwad o clay b. may halong buhangin at
maliit na bato
___3. Mabuhanging lupa c. galling sa mga dayami,
tuyong dahoon, at dumi ng
hayop
___4. Organikong pataba d. bitak-bitak ito kapag tuyo
___5. Humos e. buhahag at galing sa binulok
na mga dahon.

C. Pangkasanayan
Panggawa ng chart na nagpapakita ng wastong pangangalaga ng lupa.

D. Pandamdamin
- Pagiging maingat
- masipag
- matiyaga

V. KASUDUAN/TAKDA
Gumawa ng isang maliit na compost pit sa likod bahay at subuking gumawa
ng compost o abonong organiko.

You might also like