You are on page 1of 3

Rochie K.

Roasa
TVL - Pearl FILI 112 Ma’am Danie Riego

I. Libro
a. Pamagat
12:01
b. May-akda
Russell Molina

II. Kahulugan ng Pamagat


Ang oras na 12:01 noong panahon ng martial law ay lampas na ng curfew na
itinakda at lahat ng taong makikitang nasa labas pa ng kanilang mga bahay ay huhulihin,
pagbibintangan na may ginagawang hindi naaayon sa batas na tinakda at ipapadala sa
kampo upang siyasatin at ikulong upang ipaalala sa kanila na dapat sundin ang batas at
huwag gagawa ng mga bagay na hindi sumasangayon sa mga batas na itinakda ng
presidente.

III. Buod
Nagsimula ang kuwento noong 12:01 na ng gabi ng taong 1976. Ang
magkabandang sina Neal, Edjiboy, Lilly, at isa pang babaeng walang sinabing pangalan
ay nasa labas pa rin ng bahay dahil nasiraan ang kanilang sinasakyang kotse. Napagtanto
nilang lampas na ng curfew kaya naglakad na lamang sila pauwi ngunit may narinig
silang mga boses. Nakita nila na may ina-aresto ang mga pulis na isang lalaking bumili
lamang ng gatas. Si Lilly ay nagalit sa kaniyang nakita kaya sinigawan niya ang mga pulis.
Nakita sila ng pulis kaya sila ay hinabol. Nagtago ang magkakabanda sa isang
abandonadong gusali kung saan dating nagtrabaho ang tatay ni Neal na nagbago
pagkatapos mahuli ng mga pulis. Tumakas din sila sa abandonadong gusali at nakakita
sila ng jeep na tinulungan sila. Ang drayber ng jeep ay ama ng ka-klase nilang hindi na
pumapasok. Nalaman nila na si Elena ay sumasama sa rally at nawawala siya at
hinahanap ng drayber. Habang nagkukwento ang drayber nahuli sila ng pulis at pinatigil
ang jeep. Bumaba silang lahat ngunit si Edjiboy ay nag-ingay. Noong nag-ingay siya may
Rochie K. Roasa
TVL - Pearl FILI 112 Ma’am Danie Riego

sumagot sa kaniyang ingay mula sa mga bahay na nakarinig ng tunog. Walang nagawa
ang mga pulis at sumakay na lamang sila sa jeep. 10 taong makalipas ang pangyayaring
iyon, taong 1896, ang magkakabanda noong araw na iyon ay magtutugtog na sa isang
entablado nang madaling araw. Ang kanilang banda ay tinawag nilang Edji-Voice,
katulad ng pangalan ng kanilang kabandang hindi na nakita sa katapusan ng kuwento.

IV. Pagsusuri
a. Uring Pampanitikan
Ang akda ay isang Komiks. Ang Komiks ay isang midyum na kung saan ang mga
salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
b. Istilo ng Paglalahad
Ang istilo ng paglalahad ng mga pangyayari ay pakuwento. Inilalahad sa
pakuwento ang mga pangyayari base sa pananaw na nais gawin ng manunulat.
c. Teoryang Pampanitikan
Ang akda ay may Teoryang Historikal. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay
ng tao at ng mundo. Ito ay dahil ang komiks na ito ay nagpapakita ng mga
pangyayaring naganap noong Martial Law bago ang EDSA People Power Revolution.

V. Mga Pansin at Puna


Noong binasa ko ang akdang ito ay napansin ko na may mga orasan at liriko ng
mga kantang Hala!, Tahan Na, at Gising Na! Ang unang oras 12:01, nalaman ko na
lampas na iyon sa curfew ng mga karakter sa kwento dahil nagmamadali na silang
umuwi. Ang bawat liriko ng kanta na nabasa ko ay may kaugnayan sa mga pangyayari o
usapan ng mga karakter sa kwento. Ang huling orasan na makikita sa komiks ay may
petsang 02-25-86 na katumbas ay February 25, 1986, sampung taong makalipas ang
simula ng kuwento, na 1976. Sa petsang ito naganap ang EDSA Peolple Power
Rochie K. Roasa
TVL - Pearl FILI 112 Ma’am Danie Riego

Revolution. At sa huli ay may mga imahe ng mga tao, madre, at mga sundalo na
nagpapakita na nagpatotoo na ito ay may kinalaman sa panahon noong Martial Law sa
Pilipinas at ang EDSA People Power Revolution.

VI. Bisang Pampanitikan


a. Bisa sa Isip
Naipakita ng manunulata ang kaniyang layunin na ipakita sa mga mambabasa
ang mga bagay na maari nilang maranasan kung sila ay nabuhay noong Martial Law
sa Pilipinas. Malalaman ng mga mambabasa ang hirap na dinadanas ng mga taong
nabuhay noong Martial Law at kung paano sa huli ay naging malaya rin ang mga
Pilipino mula sa Martial Law sa tulong ng EDSA People Power Revolution.
b. Bisa sa Damdamin
Naramdaman ko habang nagbabasa ang pakiramdam ng mga karakter sa komiks.
Ang paghihirap nilang tumakas sa paghuli ng mga pulis, kalungkutan sa mga nangyari
sa mga taong nasa paligid nila at ang kasiyahan na nagtapos na ang kanilang
paghihirap at naibalik din sa kanila ang kalayaan inaasam nilang makamtan.
c. Bisa sa Kaasalan
Napagtanto ko na tayong mga Pilipino ngayon ay mas may kalaayan kumpara sa
mga panahon na may Martial Law sa Pilipinas at dapat hindi natin abusuhin ang mga
karapatang naibalik sa atin pagkatapos ng Martial Law dahil kung mangyayari ulit
ang nangyari noong mararanasan din natin ang naranasan ng mga taong nabuhay
noong mga panahong iyon. Magpasalamat tayo na nagtapos na ang Martial Law at
hindi tayo inabutan nito.

You might also like