You are on page 1of 3

IB FILIPINO LITERATURE

Ikatlong Terminong Pagsusulit

Pangalan: _______________________________ Iskor: ______________

Petsa: _____________________________ Marka: _____________

I. Pagkilala sa Tauhan

1. Babaero; nagpapanggap na may mataas na posisyon sa opisina. ___________________


2. Sino ang nagsabi nito?: "Ano po ba ang nangyari sa Boston at tuluyang nawalan ng
motibasyon si Biff?" ________________________
3. Mapagtiis, maunawain, maasikaso at mapagmahal sa asawa at mga anak.
________________________
4. Sino ang nagsabi nito?: "Magtrabaho ka nalang sa kumpanya ko sa Alaska.."
________________________________
5. Sino sa mga tauhan ang Simbolo ni Willy ng tagumpay? ____________________
6. Binigyan ng pangalan ni Willy nang maipanganak ngunit pinaalis pa rin sya sa
kumpanya. __________________
7. Nawalan ng direksyon sa buhay; repleksiyon ng kabiguan ni Willy.
_______________________
8. Isang ahente; bigong magtagumpay kaya't winakasan ang buhay.
_______________________
9. Nadiskubre/nakita ni Biff na kasama ng kanyang ama sa Boston.
__________________________
10. May akda ng Death of a Salesman. _________________________

para sa HL lamang:
11. Nagasikaso sa pangangailangan at sitwasyon ng kanyang kapatid.
______________________
12. Nakaisip ng mga paraan upang magpatuloy sa buhay, ngunit hindi lubos na
kakikitaan ng emosyon para sa anak. __________________
13. Kakikitaan ng pag-ibig para sa kanyang anak dahil sa emosyong ibinuhos nito.
____________________________
14. Isang ahente na hindi masaya sa kanyang trabaho ngunit nananatili rito upang
tustusan angn pangangailangan ng kanyang pamilya. ______________________________
15. Nagligpit ng bangkay na insekto sa katauhan ni Gregor. ______________________

II. Pagtukoy sa Kahulugan ng Salita. (Sagutan lamang ang bilang 1-10 para sa mga
nasa SL)

1. Sadyang naglipana sa maraming syudad ng Ney York ang mga aksesorya na


nakasusura sa kaisipan ni Willy. Wala na ang maluwag na espasyong nakasanayan
niya sa kanyang paligid. (a. paaralan b. mga alahas c. paupahan d. mga
puno)
2. Malungkot, ngunit halos wala nang patak ng luha ang pahimakas sa ama, asawa,
kaibigan at ahenteng winakasan ang buhay dahil sa pagkabigo. (a. huling paalam
b. pagbati c. pagkilala d. paghatid)
3. Napanganga ang lalaking balo dahil hindi siya makapaniwala sa narinig na halaga
ng alahas na inikala niyang huwad. (a. may asawa b. walang asawa c. namatayan
ng asawa d. empleyado)
4. HIndi na niya tinapos ang hapunan. Umalis agad siya sa taberna sa gitna ng mga
panlilibak. (a. pangiinsulto b. pagpuri c. pagbati d. pakikisama)
5. Dahil sa katungkulan ko bilang mahistrado, kinailangan kong mangalap ng
impromasyon tungkol sa taong ito. (a. abogado b. pulis c. hukom d. sundalo)
6. Masalimuot ang mga kababaihan kung kaya't mahirap silang mahuli, at madalas
napaglalaruan tayo. (a. simple b. kumplikado c. nakakapangamba d. madali)
7. Hindi nagawang paghilumin ng panahon ang kanyang sakit na nararamdaman.
(a. palalain b. pagandahin c. pagmalasakitan d. pagalingin)
8. Nanatili akong nakatanghod, mulat, at nakikinig ng mataman sa aking paligid,
nagaabang. (a. nakatunganga b. nakapikit c. nakaabang d. nakahiga)
9. Namangha ako sa nakita ko, isang pambihirang tanawing nakita ko. Isang
balintataw na tanging sa lupain lang ng mga engkanto matatagpuan.
10. Habang hinuhubad ang alampay, nakatayo si Ginang Loisel sa harap ng salamin
upang muling masilayan kahit ilang sandali ang maluwalhati niyang anyo. (a.
maganda b. kaakit-akit c. kamangha-mangha d. nakakaaliw)
para sa HL lamang:
11. Kahit sa kwento pa lang ng kapatid ay hindi na nila masikmura ang pagpapakain
kay Gregor.
12. Mukha namang matigas ang kanyang likod at hindi siguro masasktan kung
mahuhulog siya sa alpombra. ___________________________
13. Nagpalitan sila ng sulyap bilang hudyat sa isang konklusyong nalalapit na ang
panahon para humanap ng mabuting esposo para sa anak.
_____________________________
14. Nang marating ang pinto, saka lamang ninya nalaman kung ano talaga ang nag-
udyok sa kanya para lumapit doon. __________________________________
15. "Paalam sa inyong lahat," sabay alis nang may nakasisindak na pagbalagbag ng
mga pinto. __________________________________

III. Pagsusuring Panliteratura

1. Ano ang gampanin at epekto ng musika sa kabuoan ng dulang "Pahimakas sa Isang


Ahente"? (10 puntos)
2. Sinong "minor character" o maliit na karakter ang may malaking gampanin sa kahit
anong maikling kwento ni Guy de Maupassant na binasa? Ipaliwanag. (10 puntos)
3. Paghambingin ang gamit ng elemento ng misteryo sa dalawang akda ni Guy de
Maupassant at ang naging epekto nito sa kabuuan ng bawat kwentong "Ang Kamay"
at "Ang Nasa Tubig" (10 puntos)
4. Sa papaanong paraan naging mahalaga ang tagpuan bilang elemento ng kwento sa
kahit anong akdang binasa? Bigyang patunay. (10 puntos)
5. Ipaliwanag ang naging katuturan ng pamagat na "Metamorposis" sa kwento ni Franz
Kafka. (10 puntos-HL lang)
IV.

You might also like