You are on page 1of 2

AJM

MCHS
Abbu, Ajoc, Bonifacio, Kim, Lazier, Leyson PANGKAT 6
12-Agesi 08/25/2017
PANIMULA

Kilala ang Pilipinas bilang isang bansa na kinaugalian na ang pagiging

konserbatibo. Ngunit sa panahon ngayon, mapapansin na patuloy nang lumilitaw ang

mga isyung may kinalaman sa iresponsableng pakikipagtalik. Karaniwang nauuwi ito sa

hindi ginustong pagbubuntis, abortion, watak na pamilya, sexually transmitted diseases

(STD), at marami pang iba. Ang mas nakalulungkot pa ay madalas ang kabataan ang

napapabilang dito.

Isa sa mga malubhang problema na hinaharap ng Pilipinas taon-taon ay ang

pagtaas ng populasyon. Ayon sa istatistika, ang populasyon ng Pilipinas noong taong

2000 ay nasa 76.50 milyon at umabot sa 88.57 milyon noong taong 2007 na

nangangahulugan ng 2.04 porsyento ng pagtaas ng ating populasyon mula 2000-2007.

Malaki ang population growth rate na ito para sa isang maliit at mahirap na bansa tulad

ng Pilipinas. Ngunit, isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng pagtaas ng populasyon sa

ating bansa ay ang pagsabak ng mga Filipino sa premarital seks at kadalasan, ang

nagiging sanhi nito ay ang maagang pagbubuntis ng mga kabataang babae o ang

kawalan ng seks edukasyon sa kurikulum. Ang seks edukasyon ay makakatulong para

maiwasan ang maagang pagbubuntis lalo na sa mga kabataan at para maiwasan na rin

ang mga sexually transmitted diseases. Ito rin ay pagkakataon sa paaralan na

matalakay ang responsableng asal kaugnay ng seks.


Maraming maitutulong ang seks edukasyon sa problema sa paglaki ng

populasyon at pagkalat ng sexually transmitted disease sa ating bansa. Ngunit, sa

kasamaang palad, hindi sumasangayon ang mga konserbatibo ng lipunan at ang

katolikong simbahan na ipatupad ito sa kurikulum. Ang iba’t ibang kultura sa loob at

labas ng bansa ay mayroong sari-sariling pananaw sa moralidad ng seks ng mga hindi

pa naikakasal. Ang iba ay sinasabi na ang seks ay opsyonal o depende sa tao kung

pipiliing maagang masangkot sa nasabing aktibidad ngunit ang iba ay itinatanggi ang

seks sa mga hindi pa naikakasal.

Ang iba’t ibang dahilan kung bakit hindi sumasangayon ang katolikong

simbahan na ipatupad ito ay dahil hindi ito angkop sa Pilipinas na kilala bilang isang

relihiyosong bansa at ang puwedeng epekto rin daw ng seks edukasyon sa mga

kabataan ay baka mas mahikayatin sila na sumali premarital seks. Kung walang

tamang patnubay, mananatili na ang pag-unawa ng mga Filipino o kabataan sa seks ay

makakakuha sila ng kaluguran mula dito ngunit hindi nila alam ang tunay na resulta -

ang proseso ng pagpapaanak.

Nais na maging gabay ang papel na ito upang makatulong na makahanap ng

solusyon sa pagtaas ng populasyon ng Pilipinas. Maaari rin itong maging gabay sa mga

magsasaliksik na kaparehas din sa paksang ito. Ang papel na Ito ay makakatulong din

upang mabigyang kaalaman ang mga tao sa pagiging handa. Importante ang pag-aaral

sa seks edukasyon at oras na upang maipatupad din ito sa Pilipinas.

You might also like