You are on page 1of 1

MI ULTIMO ADIOS/ HULING PAALAM/LAST FAREWELL

Ang tulang kilala ngayon sa pamagat na “Ultimo Adios” o “Huling Paalam” ang likhang-guro
o obra maestra ni Rizal. Ang orihinal sa kastila ay isinalin na sa mga pangunahing wika sa
daigdif, tulad ng Ingles, Prances, Aleman, Italyano, Nippongo, Malyo, at marami pang iba,
gayon din sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas, tulad ng Tagalog , Ilokano, kapampangan,
Pangasinan, Bikol, Sugbuhanion, Hiligaynon, at iba pa.

Maraming nagsalin ng tula sa Tagalog, nguni’t ang pinakakaraniwang bigkasin at siyang


matatagpuan sa Luneta ay ang salin ni Jose Gatmaytan na matutunghayan dito. Ang kahuli-
hulihang tulang ito ni Rizal ay tigib ng kalungkutan pagka’t maiiwan na niya ang kaniyang
mga minamahal sa buhay at mawawalay na siya sa kaniyang bayan. Sa harap ng
kamatayan, wala siyang hiniling para sa sarili; ang lahat ay para sa kapakanan ng kaniyang
mga kababayan at ng kaniyang bayan.

Paalam na, sintang lupang tinubuan,


Bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.

Inihahandog ko ng ganap na tuwa


Sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
Naging dakila ma’y iaalay rin nga
Kung dahil sa iyong ikatitimawa.

Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban


Handog din sa iyo ang kanilang buhay,
Hirap ay di pansin at di gunamgunam
Ang pagkaparool o pagtagumpay.

Bibitaya’t madlang mabangis na sakit


O pakikibakang lubhang mapanganib,
Pawang titiisin kung ito ang nais
Ng baya’t tahanang pinakaiibig.

You might also like