Professional Documents
Culture Documents
Mga Kabanata Sa Noli Me Tangere
Mga Kabanata Sa Noli Me Tangere
1: Isang Pagtitipon[2]
Isang marangyang salusalo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na populár sa
taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kaniyang bahay na nasa Kalye Anloague (na
ngayo'y Kalye Juan Luna) na karatig ng Ilog Binundok.
Ang paayaya ay madalíng kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo
sapagkat ang mayamang Kapitán ay kilalá bílang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukás
ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at
sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabíng iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Punô ang bulwagan. Ang
nag-iistima sa mga bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng maybahay.
Kabílang sa mga bisita sina tenyente ng guardia civil, Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si
Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay
kararating lámang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino.
Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kaniyang
paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng
tabako. Nailabas ni Padre Damaso ang kaniyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo.
Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababà. Lumitaw rin sa usapan ang panlalait ng mga
Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Padre Damaso.
Kung kaya’t iniba ni Padre Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng
makapagsilbi sa loob ng dalawampung taon bílang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na
ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng tenyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan
Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tenyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Padre Damaso. Ito umano ang nag-utos
na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na laláki na napagbintangang isang erehe ng
pari dahil lámang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kayâ inutos nito ang
paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bílang parusa. Nagpupuyos sa gálit ang pari
kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.
Iniwanan na ni tenyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Padre
Sibyla na pakalmahin ang loob ni Padre Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan
pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya
Victorina.
2: Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan (nakasuot ng itim). Binating
lahat ni kapitán ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay
bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Padre Damaso ay namutla nang makilala si Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kaniyang kaibigang namatay at
kararating lámang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni
Ibarra, sa kaniyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagama't siya ay
kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng
kaniyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero,
ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa
tenyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tenyente at Ibarra.
Nagpapasalamat ang tenyente sapagkat dumating ang binata nang walang anumang masamáng
nangyari. Basag ang tinig ng tenyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging
mapalad sa kaniyang ama. Ayon sa tenyente ang ama ni Ibarra ay isang táong mabait. Ang
ganitong papuri ay pumawi sa masamáng hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng
kaniyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tenyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang
mag-isa si Ibarra sa bulwagan nang walang kakilala.
Tulad ng kaugaliang Alemán na natutuhan ni Ibarra buhat sa kaniyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kaniyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae
ay hindi umimik sa kaniya. Ang mga lalaki lámang ang nagpapakilala rin sa kaniya. Nakilala niya ang
isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.
Malápit nang tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay
Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.
3: Ang Hapunan
Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha,
mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Padre Sibyla samantalang banas na banas
naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang
isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap
at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente
sapagkat natapakan ang kola ng kaniyang sáya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kaniyang
buhok.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari
kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor
ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si
Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tenyente at nagkunwarinng iaalok ang upuan. Pero,
tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan ng dalawang pari.
Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lámang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero,
kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing “Huwag
mo akóng alalahanin.”
Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupuyos ng damdamin ni Padre Damaso, ang
ihain ang tinola. Paano puro úpo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kaniya. Ang kay Ibarra
ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitán ang manok
para kay Ibarra.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malápit sa kinaroroonan niya.
Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitóng taóng nawala sa
Pilipinas. Bagama't, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kaniyang bayan. At sa halip,
siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang táong nakapagbalita tungkol sa
masaklap na sinapit ng kaniyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala
ng tenyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kaniyang
amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na
kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
"Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon," tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang
kaniyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupunntahan niya ang
ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng
bansang kaniyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa
kaunlaran.
Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng
kabuhayan, politika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at
kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.
Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang
pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lámang ang nakita o natutuhan ni
Ibarra, siya ay nag-aksaya lámang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito.
Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
Kalmado lámang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lámang niya ang mga sandaling madalas
na pumunta sa kanila si Padre Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-
kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.
Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong
kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik
kinabukasan din.
Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyang-diin niya na ang gayong
pagkilos ng binata ay tanda ng kaniyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na
ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-
aral sa Espanya.
Nang gabíng iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at
leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salusalo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging
at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.
4: Erehe at Filibustero[3]
Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may Liwasan ng
Binundok . Sa maraming táong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kaniyang
dinatnan.
Sa paggala-gala ng kaniyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kaniyang
balikat. Si tenyente Guevarra, na sumunod sa kaniya upang paalalahanan na mag-ingat din
sapagkat nangangamba siyang bakâ matulad siya (si Ibarra) sa sinapit ng kaniyang ama. Nakiusap
si Ibarra na isalaysay ng tenyente ang tungkol sa búhay ng kaniyang ama sapagkat tunay na wala
siyang nalalaman dito.
Sinabi ni Ibarra na sumulat and kaniyang ama sa kaniya may isang taon na ang nakakalipas.
Nagbilin si Don Rafael (ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya
makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kaniyang mga gawain.
Ganito ang salaysay ng tenyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan.
Bagama't siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga kastila.
Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasamâ sa
Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila at
pari. Ilang buwan pa lámang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra, si Don Rafael at Padre Damaso ay
nagkasira. Di-umano, d'i nangungumpisal si Don Rafael.
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pa siya
ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan.
Pero hindi naman totoo.
Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng "ba, be, bi, bo, bu" na labis
na ikinagalit nito. Pinukol ng kaniyang tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang sinampal na
tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatyempo namang nagdaraan si Don Rafael.
Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa gálit at si Don Rafael ang kaniyang
hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lámang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal.
Malala ang kaniyang pagkakabuwal sapagkat ang kaniyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato.
Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo si Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kaniya
ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigatna parusa.
Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kaniyang dibdib. Pinaratangan din siyang nagbabasá ng
mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring
binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
Gumawa siya (tenyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na
tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abogadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang
lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.
Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si Don Rafael ay malápit nang lumaya dahil
sa tapos nang lahat ang mga kasong ibinintang sa kaniya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban
na kaniyang dinanas ay hindi nakayanan ng kaniyang pisikal na katawan.
Hindi na niya natamasa ang malayang búhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng
hininga si Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay ang tenyente. Inabot nito ang kaniyang kamay kay Ibarra at sinabing si
Kapitan Tiyago na lámang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng
kuwartel nang maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra.
8: Mga Alaala
Ang kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila.
Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kaniyang kahapisang nadarama. Sa
pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kaniyang nahihimlay na diwa ang isang
alaala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-
ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga
bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga
karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit
sa dalawang bilanggo rin ay kaniyang naalala.
Sa patuloy na pagsusuyod ng kaniyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong
Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya
ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang mga
pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga paring
nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Padre Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong
noon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si
Ibarra.
Napadaan din siya sa Fabrica de Tabacos de Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging
kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang
amoy ng tabako.
Nang madaan siya sa Jardin Botanico saglit na napawi ang kaniyang mga magagandang gunita.
Pumasok sa kaniyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito
upang iyon ay malasin. Itinoon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na
naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader.
Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng kaniyang naging guring pari
bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito
ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang karunungan
upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas
upang humanap ng ginto. Kung kaya’t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan
upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila. (dayuhan).
16: Sisa
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San
Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero,
si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras
din bago narating ang kaniyang tirahan mula sa kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa
buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang
ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kaniyang asawa, naipagbili ni Sisa
ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito noong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kaniyang
pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na paguwi ng kaniyang asawa, nakakatikim pa siya ng
sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kaniyang
bathala at ang kaniyang mga anak ay anghel.
Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas
ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang
hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio.
Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan
ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya
ang mga ito sa simbahan.
Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang
kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung
nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang
sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak.
Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kaniyang dalawang
anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kaniyang walang pusong asawa.
Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang
darating na gutom ang kaniyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa
sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng
kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng
malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin
siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.
17: Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang
dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kaniyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga
guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba
siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto
siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento
si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas ina, na huwag sabihin kanino
man ang dahilan ng kaniyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog
siya sa puno.
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng
dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng
sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad lamang
nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na
sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama
tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang
kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.
Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin
ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa
kaniyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang
napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kaniyang sinabi kung ano ang
balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa
pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin
siyang pastol ng kaniyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra
na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.
Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa
pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kaniyang sasakahin kung saka-sakali.
Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing
mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito
sapagkat hindi isinama ng anak sa kaniyang mga balak ang kanilang ama.
23: Pangingisda
Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang
babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay
mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga
bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara,
alpa,akurdiyon at tambuli.
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at
Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay
binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang
kanilang kuwentuhan.
Nag-tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil
dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang
pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Marai. Si albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo
ang mga dalaga.
Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may
matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito
ay si Elias.
Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi
nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda.
Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang
mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.
Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalokm.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda.
Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa.sSgawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero,
pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.
Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si
Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria
Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’
Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may
tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni
Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kaniyang buhay dito.
Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kaniya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga
magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari
ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan.
24: Sa Gubat
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng
almusal. May inabot na sulat ang kaniyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang
liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kaniyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan.
Sa may di-kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa
mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala
ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra
nang hindi siya makikita nito.
Tuwang-tuwa si Padre Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga
ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama
nito tungkol sa sa kaniyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kat Padre
Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni
Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.
Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Padre Salvi. Naging
maigting ang pagtatalo nina Padre Salvi at Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang
mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kaniyang dalawang sakristan.
Namagitan na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na
siya na ang kukupkup kay Sisa. Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong
biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay
siya sa kaniyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: "Ang
pangarap ay nanatiling pangarap lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong
ng Kapalaran.
Mula sa kaniyang bulsa, inilabas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang
kaniyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay
kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa
kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan.
Dumating si Padre Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking
Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang
kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang
pangahasan ang hindi kaniya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang
kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.
Sa darating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong
tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa
masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam
sa mga taong kaniyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginagulad ng
mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa
alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.
Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng unti-unting lumalaganap ang dilim sa
paligid. Magtatakipsilim na.
27: Sa Takipsilim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiago ang pinakamalaki.
Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na
kaniyang mamanugangin. Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa
pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.
Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin
at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas
may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at esmeralda at kapirasong
kahoy na mula sa bangka ni San Pedro.
Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiago at Ibarra. May mga ilang kaibigang dalaga si
Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay
pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago maghapunan si
Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiago si
Ibarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon
siyang hinihintay na bisita.
Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna kina Iday at
Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama
siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Simang.
Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra kay at pinuri
naman si Maria. Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya
na sumama ito sa kaniya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa
monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang
ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi.
Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa
saliw ng kaniyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang
mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa
pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.
Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na
agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kaniyang mga kasama. Kinuha ng
ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kaniyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may
harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng
mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha.
Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin.
Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si
Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon
naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta.
Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol.
Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulang-
palad.
Pahabol:
Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. Paalam
29: Kinaumagahan
Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog.
Muling narining ang tuong kampana at mga paputok.
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging
si Pilosopong Tasio lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tenyente mayor.
Sumagot ang Pilosopo na “Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga
kabaliwan.” Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si
Don Filipo at sumang-ayon sa pananaw na itoni Tasyo subalitwala siyang magawa sa
kagustuhan ng kapitan at ng kura.
Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman
ng mga hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain.
Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre
Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi
siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalamat
nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot
ng babaing nangangasiwa sa kumbento.
Siya ay pinahiram ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-
almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak.
Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at
inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon
kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na
abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap.
Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz.
Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo
sa halip na si Padre Sibyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at
tugtuging pangsimbahan.
Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago. Nakadungaw sa
bintana ang alkalde, si Kapitan Tiago, si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salvi ay
hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kaniyang matuwid na
pagkakatayo.
35: Usap-Usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong
San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa
ang lahat na kung naging matinpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni
Kapitan Martin na walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad.
Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kaniyang
ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kaniyang itinanggi at minamahal na si Maria. Kaya,
hindi niya itiniloy ang balak na kitlan hininga si Padre Damaso.
Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan
bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kaniyang ama. Nanindigan
naman ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga
prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak
ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.
Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng
simbahan. Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili kay Ibarra at sinabing karangalan niya
ang magkaroon ng anak na magtatangol at mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong
ama. Sakmal naman ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka na hindi matuloy ang
pagpapatayo ng paaralan sapagkat bawa’t isa sa kanila ay naghahangad ng anak na
makatapos ng pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng simbahan
sapagkat tinawag na pilibustero ng prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga
magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero.
38: Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang
inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol.
Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde,
ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol
sa harap ng kaniyang bahay upang pagdausan ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi
ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili
na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.
Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak.
Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang
mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik
o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para
gamiting pang-ilaw sa prusisyon.
Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San
Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na
Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.
Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula
sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may
bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at
Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw
ng kaniyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit
na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan
ng kasintahan. Saglot na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng
Kapitan-heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang
pagkawala nina Basilio at Crispin.
48: Hiwaga
Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at
Bruno. Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiago upang ibalita na siya ay
hindi escomulgado at dalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito
sa kura at nagsasaad na inaalis na ang excomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat
boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kaniyang pamangkin si Maria ang
kastilang si Linares. Tinawag ni Isabel si Maria at pinatuloy si Ibarra.
Ngunit biglang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng kasintahan si
Linares na nasa balkon. Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak na abaniko. Sa may
paanan nito ay nandoroon si Linares na nagkukumpol ng rosas at sampaga. Namulat si Linares
ng makita si Ibarra samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang
tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si
Linares ay waring napapatda at hindi makapagsalita.
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kaniyang diipinasabing pagdalaw. Nakatingin
lamang sa kaniya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kaniyang labi.
Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw. Tumango ang
dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang
kaniyang isip. Sa paglakad niya, humantong siya sa ipinapagawang paaralan. Binati siya ni Nyor
Juan at mangagawang dinatnan niyang abalang gumagawa. Binigyang diin ni Ibarra sa mga
dinatnan na wala ng dapat ipangamba sa kaniya ng sinuman sapagkat siya ay hindi na
eskomulgado. Pero, tinugon siya ni Nyor Juan na hindi nila pinapansin ang excommunion
sapagkat silang lahat ay pawang eskomulgado.
Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod si Elias at ipinahiwatig sa
pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa kaniya. Dahil dito, inutusan ni
Ibarra si Nyor Juan na kunin at ipakita sa kaniya ang talaan nito ng mga obrero upang kaniyang
tignan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni
Elias na nais niyang makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong mamangka sila
sa baybay ng lawa sa bandang hapon upang pag-usapan ang isang napakahalagang bagay.
Tumango lamang si Ibarra nang makitang papalapit na sa kanila si Nyor Juan. Si Elias naman
ay lumayo na. Nang tignan ng binata ang talaan ng mga obrero, wala ang pangalan ng pilotong
si Elias.
54: (Pagbubunyag)[7]
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong
humalik sa kaniyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay
at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si
Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga
kambing ng kura na naninira sa kaniyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang
buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang
gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa
kaniya na nagsabi sa kaniya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito
nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga
insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento.
Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay
ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay.
Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang
pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni
Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad
naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya
kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kaniyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural
at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga
aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya
ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya
ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang
relasyon nito sa kaniya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra
na iyon ang kaniyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang
Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang
buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit,
saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang
hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng
bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at
dokumento.
58: Isinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento,
kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad.
Palubhasa wala silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain
ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kaniyang silid
at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga
bantay upang kulahatin ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman
ay lalong nawalan ng silbi.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad
umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng
kaniyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang
tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol
na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal.
Amy isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may
pakana at kasalanan ng lahat. Ang suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao.
Samantalang si Nyor Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan
si Ibarra.
Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng
mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton.
Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon,
mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.
Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na ilaban
ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang
kaniyang asawang si Doray ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang
sibil. Nang makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot
takot na hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng
kaniyang pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang
si Albano ay naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos
ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan
ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang kaibigan.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may
sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga
kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod
sin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata
ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kaniya.
Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa
kaniyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang duwag. Pati
ang kaniyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng
erehe ng dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kuwento
ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang
kasay sayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa kaniyang pangitain.
Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan
Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kaniya. Doon
nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at
magandang kinabukasan.
Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na
pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin ang papalaong kariton
na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan,
nagisnan ng isang pastol patay na si Tasyo sa may ointuan ng kaniyang bahay.
63: Nochebuena
May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang
bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa
pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na
gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga
itlog ng manok, gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at
batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa
nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang
naglalaro. Nang utusan ng matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis,
sinabi niya kay Basilio na may dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang
matagpuang sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay
nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay pinayagan ng
matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa para sa kaniyang inang si Sisa.
Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw
bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na
masayang-masaya ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wla
man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan
Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa
mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman
nananakit ng kapwa.
Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay Maria
subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag ang
magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang balita na ang
pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kaniyang ina. Paika-ika niyang
tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng
walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa.
Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang
ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito
tumigil sa pagsunod sa inang tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto
ng libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na
binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan
ng ina. Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.
Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng
kaniyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay
sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita
ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kaniyang taynga sa
dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kaniyang ina.
Buong higpit na niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks,
pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa
kaniya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay.
Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa
halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa
bangkay ng kaniyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang
kanilang katawan. Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na
nakabaon sa may punò ng balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao
upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang
araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si
Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at
nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang 'di nakikita ang
pagbubukang-liwayway ng bayang kaniyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lámang
daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabí. Sa pagkakatingala niya sa langit,
kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa.
Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking
siga na nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa
ang gumawa ng siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.
64: Katapusan
Magmula nang pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila.
'Di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan,
siya ay nakitang bangkay sa kaniyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, samâ ng loob o
bangungot ang sanhi ng kaniyang ikinamatay.
Sa kabiláng dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay
nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara.
Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.
Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitán Tiago ay dumanas
ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat nang husto, naging mapag-isip at
nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya
Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lámang mabuhay
mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kaniyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang
kaniyang inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas
tuwing takipsilim ay makikita siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal,
napabayaan niya ang kaniyang katawan at kabuhayan. Ang kaniyang dáting marangyang
tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na
siyang nalimot ng mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa kaniya, siya na isang tanyag at
dáting iginagalang.
Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo
niyang siya’y taga-Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero. Si Don Tiburcio ay hindi na
niya pinakikilos. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya natatawag bílang “doktor” para
manggamot. Wala na rin siyang ngipin.
1,001 n one nights!!
Ang Kitāb alf laylah wa-laylah ( ;كتاب ألف ليلة وليلةIngles: One Thousand and One
Nights; tuwirang salin: Ang Isang Libo't Isang Gabi), kilala rin sa Ingles bilang
The Arabian Nights' Entertainment (tuwirang salin: Arabong mga Gabi ng
Paglilibang), ay ang 1,001 kuwentong isinalaysay ni Sharazad sa loob ng
1,001 gabi upang maligtas ang kanyang sarili mula sa kamatayan. Inilahad
ito ng prinsesang naging reyna at asawa ni Shahryar, isang haring
nahumaling sa pagpapatay ng asawa at susundan pagkatapos ng
pagpapakasal sa ibang babae. Mga tradisyonal ang mga kuwento at nagmula
sa maraming bahagi ng Gitnang Silangan at Dulong Silangan. Nasa Arabe ang
unang nakasulat na kopya na nagawa noong mga 1000 AD. Kabilang sa mga
kuwento ang Sindbad ang Mandaragat at Aladdin. -repost