You are on page 1of 5

Sa kasalukuyan, 4 sa bawat 5

taong may impeksyon ng


COVID-19 ay makararanas ng
hindi malalang sintomas, gaya
ng lagnat at tuyong ubo.
Sa kasalukuyan, humigit-
kumulang 95% ng mga taong
nagkasakit ng COVID-19 ay
gumaling na o bumubuti na
ang karamdaman.
Sa ngayon, ang mga
kabataan ay hindi gaanong
naapektuhan ng COVID-19 at
kadalasang hindi malala ang
kanilang sintomas.
Habang kadalasan ay hindi malala ang COVID-19,
mabilis naman itong kumalat. Kailangan nating
magtulungan upang maprotektahan ang mga
maaaring maapektuhan:
• Manggagawang pangkalusugan
• Mga taong edad 60 pataas
• Mga may dati nang karamdaman gaya ng sakit sa
puso o baga, diyabetis o mahina ang immune
system
Protektahan ang sarili at ang iba
laban sa COVID-19:
• Linisin nang madalas ang mga kamay gamit ang
sabon at tubig o hand sanitizer na may alkohol
• Takpan ang pag-ubo at pagbahing gamit ang
looban ng siko. Hugasan ang kamay
pagkatapos.
• Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at
bibig
• Panatilihin ang 1 metrong pagitan sa iba

You might also like