Professional Documents
Culture Documents
Lyka Rivera 2BSA - 3 Activity 2 Mabangis Na Lungsod Pagsusuri Pagsusuring Pangnilalaman 1. Ipakilala Ang Mga Sumusunod Na Tauhan: A. Adong
Lyka Rivera 2BSA - 3 Activity 2 Mabangis Na Lungsod Pagsusuri Pagsusuring Pangnilalaman 1. Ipakilala Ang Mga Sumusunod Na Tauhan: A. Adong
2BSA – 3
Activity 2
MABANGIS NA LUNGSOD
PAGSUSURI
PAGSUSURING PANGNILALAMAN
b. Bruno
Si Bruno ay isa sa mga tauhang binubuhay sa isip ng mga mambabasa
bilang isang malaking balakid sa pagkamit ng pangunahing tauhan sa mga bagay
na minimithi nito. Kung bansagan ba sa ngayon ay kontrabida. Isang tauhan na
tulad din ng iba ay may sariling binabalagtas na kwento, ngunit mas pinipiling
maging isang napakalaking tinik sa kwento ng iba. Isang tauhan na maraming
beses ng binato ng galit at siya namang nambabato ng galit sa iba. Sa gitna ng
dagat ng tiyak na kasamaan, siya ang bangis na higit na kinatatakutan ni Adong.
c. Aling Ebang
Si Aling Ebang ang mumunting liwanag sa napakadilim at napakalamig na
buhay ni Adong. Ang tanging tauhan na nagpahalaga, nakinig at nagbigay pansin
sa mahinang paghingi niya ng pagsagip. Isang tauhang maihahambing ang
kwento sa buhay na naranasan ni Adong. Bagamat kinapos din sa kakayahang
tumulong, mababatid na malaki ang ginampanan nito sa kwento at pagkatao ng
batang bida.
PAGSUSURING PAMPANITIKAN