You are on page 1of 1

Kasaysayan ng Oas

Ang munisipaliad ay itinatag noong kolonisasyon ng Espanya sa Bikol Peninsula.


Noong 1605, binago ni Padre Baltazar de los Reyes ang 12 nangungunang mga
katutubo ng lugar sa Kristiyanismo, kung saan ito ang bumubuo ng pamayanan na
kilala ngayon bilang Oas. Karamihan sa mga apelyido ng pamilya ay nagsisimula sa
“R”, tulad ng Resaldo, Ricaforte, Reario.

May tatlong mga kwento na nagsasabi sa pinagmulan ng pangalan ng Oas:

1. Ang pagkakaroon ng maraming lawa o iba pang mga anyo ng tubig ang
nagudyok sa mga unang kolonista na bigyan ito ng pangalan ng “Oasis”.
Hindi nagtagal tinawag ng mga katutubo ang lugar sa pamamagitan ng
pangalan na ito at kalaunan ay pinaikli ito sa “Oas”.

2. Mayroong dam sa kabila ng makitid na bahagi ng isang local na ilog. Ang


dam na ito ang nag-iisang nagbibigay tubig sa malawak na mga lugar o
kabukiran kabilang ang mga malalapit na bayan ng Libon at nagresulta ng
magandang ani. Maingat ang mga tao sa anumang pagkasira o pagtagas sa
dam sa panahon mg malakas na pag-ulan. Ang isang tagapagtawag ang
nagbibigay hudyat sa mga tao sa pamamagitang ng pagtawag o pagsigaw ng
“nawaswas” sa mga oras ng ganitong hindi inaasahang pangyayari para rin
sa agarang pagkilos ng mga tao. Mula noon, ginamit ng mga mamayan ang
pangalang ito sa lugar at sa kalaunan ito ay pinaikli.

3. Ang mga kolonistang espanya na umabot sa particular na seksyon ng Bikol


Peninsula ay tinanong ang pangalan ng lugar mula sa humigit-kumulang na
600 na mamamayan na nakatira doon, “como se llama este sitio?” na may
kilos pa ng kanilang kamay. Inakala ng mga mamamayan na ang tanong ng
mga kastila ay “Onan kading lugar kadi, maiwas?” (Anong lugar ito,
napakalaki?) sa kanilang sariling dayalekto. Sagot naman ng mga
mamamayan, “si, Señores. Labi nikading iwas. Labi nikading iwas.” (Oo
ginoo, ito ay Malaki at maluwag.). Mula noon, ang mga unang nanakop na
Kastila ay pinagtibay sa kanilang opisyal na census ang pagkakaroon ng
“isang mayamang lambak na may luntiang bundok ng mga palay” na kung
saan ay ang maliit na bayan ng Oas sa Bikol.

Reference :
Albay Tourism E-Data. (2017, October 12). Retrieved from
https://rsso05.psa.gov.ph/Albay-Tourism/Oas/Oas.html

You might also like