You are on page 1of 4

SCHOOLS DIVISION OF CAUAYAN CITY

Villa Concepcion High School – Rogus Extension


Rogus, Cauayan City, Isabela
IKALAWANG MARKAHANGPAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9
PANGALAN: _______________________________________ BAITANG AT SEKSYON: _____________
PAARALAN: _______________________________________ ISKOR: _____________
I. Basahin at unawain ang bawat tanong at pilitin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa linya bago ang bilang.
PAALALA: Lahat ng sagot ay nakasulat gamit ang malaking titik.
_____1. Isa sa mga mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng macroeconomics ay ang konsepto ng demand na idinidikta o
nagmumula sa mga konsyumer, alin sa mga sumusunod ang tamang pakahulugan sa konsepto ng demand?
a. ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
b. ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang presyo.
c. ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung a g konsyumer ay makakabili ng lahat
ng kanilang pangangailangan.
d. ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.
_____2. Ayon sa batas ng demand, anong uri ng relasyon o ugnayan mayroon ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto?
a. magkasalungat b. magkatulad c. magkahambingd. magkasing-uri
_____3. Bakit na sa tuwing bibili ang isang indibiduwal sa isang tindahan, unang una nitong itinatanong ang presyo ng produktong
ibig niyang bilhin?
a. dahil wala itong halaga para sa mga mamimili
b. dahil ito ay hindi makaaapekto sa produktong ibig bilhin
c. dahil ang presyo ang pangunahing pinagbabatayan
d. dahil ito ay direktang naka-ugnay sa produktong nais bilhin.
_____4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa konsepto ng substitution effect?
a. kapag tumaas ang presyo, bibili ang mga konsyumer ng mas kaunting produkto
b. kapag tumaas ang presyo, bibili ang mga konsyumer ng mas maraming produkto.
c. kapag tumaas ang presyo, hahanap ang mamimili ng mas murang produkto.
d. kapag tumaas ang presyo, hahanap ang mamimili ng mas mahal na produkto.
_____5. Ang ikalawang konsepto na nagpapaliwanag sa magkasalungat ng ugnayan ng demand sa presyo ay ang income effect. Alin
sa mga sumusunod ang isinasaad ng income effect?
a. mas malaki ang presyo kapag mataas ang halaga ng kinikita
b. mas mataas ang halaga ng kinikita kapag mababa ang presyo
c. mas mababa ang presyo kapag mababa ang halaga ng kinikita
d. mas mababa ang halaga ng kinikita kapag mababa ang presyo
_____6. Anong uri ng salik ang nakakaapekto sa demand kapag nahihikayat kang bumili dahil sa tinatangkilik iyo ng nakararami?
a. Banwagon effect b. Panlasa c. Kita d. Presyo
_____7. Ano ang nangyayari sa demand para sa isang partikular na produkto kapag tumaas ang kita ng isang tao o mamimili?
a. tumataas din ito b. ito ay bumababa c. hindi naaaprektuhan d. walang ugnayan
_____8. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang ginagamit ng mamimili sa pagpili ng produktong bibilhin?
a. kung naayon sa paningin c. kung naaayon sa pandama
b. kung naayon sa panlasa d. kung naayon sa pang-amoy
_____9. Ang pamilya Raquel ay naghanda para sa pagdiriwang ng pista sa kanilang nayon. Ngunit naubusan sila ng mabibiling soft
drinks para sa kanilang handa, kaya sila ay bumili na lamang ng juice. Alin sa mga sumusunod ang uri ng produktong
naipakita ng juice sa sitwasyon?
a. complementary b. substitute c. inversely d. directly
_____10. Ano ang mangyayari sa demand kapag inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng produkto?
a. tataas b. bababa c. walang epekto d. di gagalaw
_____11. Alin sa mga sumusunod ang dapat na gawin kapag halimbawang may pagtaas sa kita?
a. maging matalino sa paggasta nito c. unahing bilhin ang mga bagay na iyong gusto
b. maging maluho at bilhin ang gusto d. ibili ang mga ito sa mga nais sa produkto
_____12. Kapag may mga produktong mataas ang presyo at hindi kaya ng kita na ito’y bilhin, ano ang nararapat na gawin ng isang
mamimili?
a. huwag ng bumili ng produkto c. humanap ng alternatibong produkto
b. hayaan na lamang ang produkto d. bilhin ang produkto sa presyo nito
_____13. Ang perfectly inelastic na demand ay may coefficient na zero, ibig sabihin ay walang nagaganap na pagtugon ang quantity
demanded kahit na tumaas ang presyo. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. may mga produkto tayong kaya nating hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito, makabibili parin tayo ng
alternatibo para rito.
b. kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman kailangan, maaring ipagpaliban muna ang pagbili nito.
c. may mga produkto na kahit tumaas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong pamalit.
d. may mga produktong walang epekto sa atin kahit na di natin ito bilhin.
_____14. Si Jurel ay nakaugalian nang bumili ng bananacue tuwing recess. Nang minsang tumaas sa tatlong piso ang paborito
niyang bananacue ay hindi muna sya bumili at sa halip ay naghanap na lamang ng ibang mabibili sa canteen. Ano ang
ipinahihiwatig ng quanity demanded ni Jurel para sa bananacue?
a. ang quantity demanded ay inelastic c. ang quantity demanded ay unitary
b. ang quantity demanded ay elastic d. ang quantity demanded ay perfectly inelastic
_____15. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan nang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito
ay tungkulin ng isang prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produktong kayang ipagbili ng mga prodyuser?
a. demand b. produkyson c. supply d. ekwilibriyo
_____16. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng produkto. Halimbawa,
may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa
bilang na ito ay 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00.
Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas?
a. 6,000 b. 10,000 c. 20,000 d. 30,000

_____17. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito
ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
a. Demand b. Ekwilibriyo c. Produksiyon d. Supply
_____18. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang
nagpapaliwanag nito?
a. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid
b. Pagtatakda ng price ceiling at price floor upang magkaroo ng gabay sa presyo ng mga bilihin
c. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
d. Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo.
_____19. Alin ang nagpapaliwanang kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?
a. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas kaya’t ang supply ay nagkukulang kung kaya may pagtaas ng
presyo
b. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapgkat
pareho naman silang nakikinabang dito.
c. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso sapagkat hindi matatawaran
ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.
d. Tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito.
_____20. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay may kakayahang
maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o serbisyo na tutugon sa ating mga pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar kung
saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga
produkto?
a. Department Store b. Pamilihan c. Talipapa d. Tiangge
_____21. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan dahil sa dami ng
nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang mga sumusunod ay katangian ng estrukturang ito maliban sa
a.Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser b.Magkakatulad ang produkto (Homogenous)
c.Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon d.May kakayahang hadlangan ang kalaban
_____22. Ang isang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied ay sa pamamagitan nito. Ang _______ ay ang
matematekong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
a. Supply Schedule b. Supply Curve c. Supply Function d. Wala sa Nabanggit
_____23. Ito ay talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t-ibang presyo.
a. Supply Schedule b. Supply Curve c. Supply Function d. Wala sa Nabanggit
_____24. Isinasaad ng _____na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto. Kapag
tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili.
a. Batas ng Demand b. Batas ng Supply c. Batas ni Duterte d. Batas ng Pamahalaan
_____25. Kompyutin gamit ang supply function sa ibaba:
Qs=0+10P, kapag ang P=3, ano ang magiging Qs?
a. 10 b. 20 c. 30 d. 40
_____26. Ang mga sumusunod ay Iba pang mga Salik na nakaaapekto sa Supply maliban sa isa.
a.Pagbabago sa Teknolohiya b.Pagbabago sa Bilang ng mga nagtitinda
c.Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon d.Pagbabago sa demand at Supply sa Presyo ng produkto
_____27. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo.
a. Pamimili b. Pamilihan c. Pamahalaan d. Pangulo
_____28. Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ilalim ng ganitong sistema, walang sino man sa
prodyuser at konsyumer ang maaaring makakontrol sa takbo ng pamilihan particular sa presyo.
a.Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon b.Pamilihang May Ganap na Kompetisyon
c.Pamilihang May Kompetisyon d.Pamilihang Walang Kompetisyon
_____29. Ito ay ang uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung kaya’t
walang pamalit o kahalili. Dahil dito, siya ay may kakayahang impluwensiyahan ang pagtatakda ng presyo sa pamilihan.
a.Monopolistic Competiton b.Monopolyo c.Monopsonyo d.Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon
_____30. Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. Sa
ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer na maimpluwensyahan ang presyo sa pamilihan. Ang mabisang
halimbawa ng ganitong anyo ng pamillihan ay ang pamahalaan na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod sa mga pulis,
sundalo, bumbero, traffic enforcer at iba pa.
a.Monopolistic Competiton b.Monopolyo c.Monopsonyo d.Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon
_____31. Ang ______ ay ang paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing
pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito.
a. Trademark b. Monopsonyo c. Monopolyo d. Oligopolyo
_____32. Ito ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng
magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo.
a. Trademark b. Monopsonyo c. Monopolyo d. Oligopolyo
_____33. Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano kalaki ang magiging pagtugon ng quantity
demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito.
a.Price Elasticity of Demand b.Price Elasticity of Supply
c.Price Elasticity d.Price of Demand and Supply
_____34. Sa ilalim ng ganitong uri ng estruktura ng pamilihan, maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa
pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer.
a. Monopolyo b. Oligopolyo c. Monopolistic Competition d. Wala sa nabanggit
_____35. Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa. Alinsunod sa itinadhana ng Artikulo II Seksyon 4 ng
1987 konstitusyon ng Pilipinas, Alin sa mga sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?
I. Huwag pagdamutan ang Sambayanan
II. Pangalagaan ang Sambayanan
III. Pagbigyan ang Sambayanan
IV. Paglingkuran ang Sambayanan
a. I at II lamang b. II at III lamang c. II at IV lamang d. I at IV lamang
_____36. Ayon sa kaniya, bagama’t ang pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya, may mga pagkakataong
nahaharap ito sa pagkabigo o market failure. Sino ang tinutukoy sa pahayag?
a. Nicholas Gregory Arthur c.Nicholas Gregory Mendeeliv
b. Nicholas Gregory Mankiw d. Nicholas Gregory Mandew
_____37. Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas
sa mga produkto at serbisyo.
a. Price Ceiling b. Price Floor c. Price Market d. Market Failure
Para bilang 38-40, tignan ang graph sa ibaba.

Talaan ng Demand ng Bulaklak


(2014)

Enero Pebrero Marso Abril

_____38. Alin sa mga sumusunod ang ipinapahiwatig ng graph?


I. Mas kokonti ang bumibili ng bulaklak sa buwan ng Enero kaysa sa buwan Marso
II. Ang Buwan ng Pebrero ang may pinamaraming bumili ng Bulaklak
III. Mas marami ang biniling bulaklak sa buwan ng Abril kaysa sa buwan ng Marso
IV. Pantay lang ang nabiling bulaklak sa buwan ng Enero at Abril
a. I at III lamang b. II at IV lamang c. I at IV lamang d. I at II lamang
_____39. Alin sa mga sumusunod ang isinasaad ng graph na buwan na may pinakamataas na demand ng bulaklak?
a. Enero b. Marso c. Pebrero d. Abril
_____40. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa mga konsyumer
dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang
pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto
o serbisyo?
a. Price Ceiling b. Price Floor c. Price Market d. Market Failure
_____41. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan dahil sa dami ng
nagbebenta o dami ng konsyumer.
_____42. Ang mga sumusunod ay katangian ng estrukturang ito maliban sa
a.Malayang kalakalan sa bilihan b.May kakaibang produkto
c.Maraming prodyuser at konsyumer d.Malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon
_____43. Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya naming kabuuang gastusin ay Php21,000.00, magkano ang
maaari nyang ilaan para sa pag-iimpok?
a. Php1,000.00 b. Php2,000.00 c. Php3,000.00 d. Php4,000.00
_____44. Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang
pagtuunan mo ng pansin?
a. Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki.
b. Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita rin ng malaki
c. Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo
d. Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap/konsyumer ang napakataas na presyo
_____45. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gusting bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.
a. Demand Curve b. Demand Function c. Demand Schedule d. Wala sa nabanggit
_____46. Ito ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demand.
a. Demand Curve b. Demand Function c. Demand Schedule d. Wala sa nabanggit
Para sa bilang na 47, basahin ang sitwasyong nasa loob ng kahon at buuin ang maaaring kahinatnan nito batay sa iyong sariling
pagkaunawa.
Matagal nang magsasaka si Mang Francisco. Isang araw ay nabalitaan niyang ang presyo ng kaniyang
produktong palay ay binibili lamang sa murang halaga. Ang presyo ay hindi kayang mabawi kahit puhunan niya
sa binhi at fertilizer. Ano kaya ang maaaring mangyari kay Mang Francisco?
____47. Ano kaya ang maaaring mangyari kay Mang Francisco?
a.Maaaring mamatay si Mang Francisco b.Maaaring malugi si Mang Francisco
c.Maaaring maghirap si Mang Francisco d.Lahat ng nabanggit
Para sa bilang, 41-45. Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama ang mensahe ayon sa mga
salitang nakasalungguhit.
_____48. Mayroong tatlong pangunaking actor sa pamilihan ang konsyumer, prodyuser at ang produkto.
a. Tama b. Mali c. Maaari d. Wala sa nabanggit
_____49. Ang prodyuser ay may kakayahang kontrolin ang presyo sa pamilihang may ganap na kompetisyon.
a. Tama b. Mali c. Maaari d. Wala sa nabanggit
_____50. Kapag mataas ang presyo, ang mga prodyuser ay nahihikayat na magbawas ng supply lalo na sa mga pangunahing uri ng
produkto.

Inihanda ni: Pinagtibay ni:


JULIUS M. RAQUEL JENALYN O. LAGGUI
Guro sa AP 9 School Head

You might also like