You are on page 1of 5

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Panimula

Tunay nga na ang Pilipinas ay may napakayaman at makulay na mga tradisyon at

kultura. Bawat rehiyon at probinsiya ng ating bansa ay may kaniya-kaniyang mga

kultura.

Isang kilalang lugar sa Pilipinas ay ang Ilocos Norte. Ito ay isang probinsiyang

may napakalawak na barayti ng produkto na maaaring bilhin ninuman. Ang bawat bayan

dito ay may kaniya-kaniyang produkto na kanilang ipinagmamalaki at taas-noong

ipinakikilala sa iba pang lugar. Sa kagustuhan ng ating pamahalaan na maitaas pa at

lubusang mas makilala pa ang mga produkto, dito nila naisipang gumawa ng isang

programang tutulong sa pagpapalaganap ng ating kultura at mga produkto.

Ang “One Town, One Product” ay isang programa ng gobyerno para isulong ang

pagnenegosyo at lumikha ng trabaho. Sa tulong ng OTOP, ang mga chief executive ng

bawat lungsod at munisipalidad ang mamumuno sa pagkilala, pagpapatayo at pagsulong

ng isang produkto o serbisyo kung saan ito ay may lamang sa iba. Ang Philippine

Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Trade Committee ay naglalayong magtatag

ng mas aktibong paglahok ng pribadong sektor at magbigay ng mas maraming tulong ng

sektor sa negosyo para magkaroon ng balanse sa gitna ng lokal at internasyonal na

kalakalan.
Sa yugto ng kasaysayan sa negosyo, malaki na ang naiambag ng ating mga

produkto. Sa katunayan, isa na ang Ilocos Norte sa mga probinsiyang kilala sa pagtitinda

ng mga may kalidad na prdukto at hindi matutumbasang pagpapakita ng kanilang

pagkakakilanlan bilang isang probinsiya. Hindi nila ipinagdadamot ang kanilang kultura

bagkus ito ay ginagamit din nila upang mas iaangat pa ang kanilang pagkakakilanlan

bilang isang probinsiya.

Sa kabilang banda, hindi rin naman maiiwasan ang pagkahumaling natin sa mga

banyagang produkto. Masasabing wala namang masama dito ngunit ang ating mga

produkto ay unti-unti na nating nakakalimutan dahilan na din sa pag-usbong ng mga

makabagong teknolohiya sa mundo.

Tunay nga na ang OTOP ay may malaking epekto sa ating probinsiya. Ang bawat

pangunahing produkto sa bawat bayan ay may kaniya-kaniyang kaibahan at kagandahan.

Ngunit kahit may programa ng ganito, hindi pa rin natin minsang magawang bumili ng

mga produktong sariling atin. Samakatuwid, ang pag-aaral sa epekto ng “One Town, One

Product” sa mga konsyumer sa prodyuser sa probinsiya ng Ilocos Norte ay napapanahon

upang matignan kung ito ba ay may mabuting dulot pa rin hanggang ngayon.

Paglalahad ng Layunin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang mailahad ang mga epekto ng OTOP sa

mga konsyumer at prodyuser sa mga piling bayan sa probinsiya ni Ilocos Norte.

Sinikap ding sinagot ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tiyak na

katanungan:
1. Anu-ano ang mga pangunahing produkto sa probinsiya ng Ilocos Norte sa

mga bayan ng:

a. Bangui

b. Batac

c. Burgos

d. Dingras

e. Pasuquin

f. San Nicolas

g. Sarrat

2. Ano ang mabuti at masamang epekto ng programang “One Town, One

Product” sa mga konsyumer at prodyuser sa Ilocos Norte?

3. Ano ang saloobin ng mga konsyumer at prodyuser sa Ilocos Norte kaugnay sa

programang “One Town, One Product” ng ating gobyerno?

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makakalap ng mga datos at impormasyon

tungkol sa paksang nilahad at unti-unting malilinawan at masasagutan ang mga tanong na

nais nang karamihan na mabigyang linaw.

Sa mga mananaliksik, ang resulta ng pananaliksik na ito ay magbibigay ng

kaalaman sa kanila at mapunan ang mga katanungang sa simula pa lamang ay naglalaro


sa kanilang isipan. Malaki ang magiging kontribusyon nila sa paglalahad ng mga bagay-

bagay na patungkol sa kanilang paksa.

Ang mga konsyumer ay makakalikom ng impormasyon na magiging sapat na

batayan sa higit pagpili nila sa ating mga sariling produkto kaysa sa mga banyagang

produkto. Samantala, ang mga prodyuser ay magkakaroon din ng dagdag kaalaman gaya

ng paggamit ng programang OTOP para sa kanilang pansariling ikakaunlad.

Marami ang maibibigay na kaalaman ang sulating pananaliksik na ito hindi

lamang upang mapunan ang pansariling kuryosidad o interes ng mga mananaliksik kundi

para na din sa nakararami.

Saklaw at Delimitasyon sa Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa pag-aaral ng mga epekto ng OTOP sa

mga konsyumer at prodyuser sa mga piling bayan sa probinsiya ng Ilocos Norte.

Sinasakop nito ang mga mabubuti at masasamang epekto nito. Dito mailalahad ang mga

tunay na kaisipan tungkol sa epekto ng OTOP sa mga konsyumer at prodyuser sa mga

piling bayan sa probinsiya ni Ilocos Norte. Ang pananaliksik na ito ay limitado lang sa

pitong bayan ng Ilocos Norte. Ang mga bayang ito ay Bangui, Batac, Burgos, Dingras,

Pasuquin, San Nicolas at Sarrat.

Ang mga kinapanayam sa pananaliksik na ito ay ang mga konsyumer at prodyuser

ng mga kinikilalang produkto sa mga piling bayan sa Ilocos Norte. Kinapanayam ng mga

mananaliksik ang isang konsyumer at isang prodyuser sa bawat bayang napili.


Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Epekto. Ito ang mga benepisyo at kasahulan na nararanasan ng mga prodyuser at

konsyumer sa programang OTOP.

Ilocos Norte. Isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa

Luzon.

Konsyumer. Gumagamit sa mga produkto sa mga bayan ng Ilocos Norte.

One Town, One Product (OTOP). Isang programa ng gobyerno na naglalayong

magbigyan ng tungkuling makabuo ang bawat bayan ng iisang produkto.

Prodyuser. Gumagawa ng mga produkto sa mga bayan ng Ilocos Norte.

You might also like