You are on page 1of 53

Kagawaran ng Edukasyon

Pagsulat sa Piling Larang

Ihinanda ni: MICHAEL L. MARCELINO, MAT-FILIPINO


• Nabibigyang-kahulugan
ang pagsulat/
akademikong pagsulat
• Nakikilala ang akademikong pagsulat
ayon sa:
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo
Nagagamit ang iba’t ibang
akademikong sulatin sa
aktwal na pamumuhay ng
mga mag-aaral.
Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat
* Kahulugan ng Akademikong Pagsulat
* Mga Halimbawa ng Akademikong
Pagsulat
Pangkatang
Gawain
Panuto:
1. Ang bawat grupo ay susulat ng mga
sumusunod:
Pangkat 1(Makata)
* Tagapagpakilala ng panauhing
pandangal sa “Buwan ng Wika.”
Pangkat 2: (Tula)
* Diary sa unang araw nila bilang
mag-
aaral sa Senior High
Pangkat 3: (Matapang)
* Pagsulat ng Balitang Karaniwan
Pangkat 4: ( Alab)
* Pagsulat ng Liham Paanyaya
Pangkat 5: Probinsyano
* Pagsulat tungkol sa napuntahan
nilang
lugar na di-makakalimutan
2. Bawat pangkat ay magkaroon ng
taga-
ulat na siyang kakatawan ng grupo.
3. Ilalahad ng 2 minuto ang natapos
na
gawain.
4. Sumigaw ng “Bingo” hudyat na
tapos na
ang grupo
1. Anong makrong kasanayan ang inyong
ginamit na paglalahad ninyo ang inyong mga
gawain?
1. Anong makrong kasanayan ang binibigyan-
diin sa Grado 12 sa Senior High School
Paksa:
* Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat
* Kahulugan ng Akademikong Pagsulat
* Mga Halimbawa ng Akademikong
Pagsulat
“Kapag tumigil sa pagsulat ang
isang tao, tumitigil na rin siya sa
pag-iisip.”
7/21/2014
Iba’t Ibang Kahulugan Pagsulat
Ayon kay Rogers, 2005

“Ang pagsulat ay ang masistemang


paggamit ng mga grapikong marka na
kumakatawan espisipikong lingguwistikong
pahayag.”
Ibig sabihin, may natatanging simbolo (mga titik,
bantas, at iba pang marka) para sa bawat ponema o
tunog, at ang mga simbolong ito ang ginagamit sa
pagsusulat ng mga pahayag.
Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa
anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao/mga tao sa layuning
maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.
-Bernales et.al. 2001)
Ayon kina Daniels at Bright, 1996

“Ang pagsulat ay sistema ng permanente


o malapermanenteng pananda na
kumakatawan sa mga pahayag.
Ano ang AKADEMIKONG
PAGSULAT?
Akademikong Pagsulat
o Intelektuwal na Pagsulat

Isang uri ng pagsulat na


kailangan ang mataas na antas
ng pag-iisip.
Akademikong Pagsulat
o Intelektuwal na Pagsulat

 Ang mahusay na manunulat ng


akademikong teksto ay may
mapanuring pag-iisip.
Akademikong Pagsulat
o Intelektuwal na Pagsulat

 May kakayahan siyang mangalap ng


impormasyon o datos, mag-organisa ng mga
ideya, mag-isip nang lohikal, magpahalaga sa
orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa
ng sintesis.
Mahalagang Konsepto ng Akademikong Pagsulat
ayon kay KAREN GOCSIK (2004)

Ginagawa ng mga iskolar at


para sa mga iskolar.
Mahalagang Konsepto ng Akademikong Pagsulat
ayon kay KAREN GOCSIK (2004)

Nakalaan sa mga paksa at


mga tanong na pinag-
uusapan ng o interesante sa
akademikong komunidad.
Mahalagang Konsepto ng Akademikong Pagsulat
ayon kay KAREN GOCSIK (2004)

Nararapat na maglahad ng
importanteng argumento.
Mga Layunin sa Akademikong Pagsulat

 Magpabatid
Ang impormatibong akademikong
sulatin ay nagbibigay ng kaalaman at
paliwanag.
Halimbawa nito ang balita, lahok sa
encyclopedia, ulat na nagpapaliwanag sa
estadistika, papel na nagpapaliwanag ng
konsepto, sulatin tungkol sa kasaysayan,
tesis, at iba pa.
Mga Layunin sa Akademikong Pagsulat

 Mang-aliw
Mapanatili ang kawilihan na
ipagpatuloy na ang pagsusulat.
Tanggap na sa kasalukuyan ang mga
personal o malikhaing akda bilang
mga halimbawa ng akademikong
sulatin.
Halimbawa:
Disiplinang nag-aaral ng panitikan, sining, kultura, at
kasarian, itinuturing na akademikong teksto ang
autobiography, diary, memoir, liham at iba pa.

Mayroong ring mga kritikal o akademikong akda na naisulat


sa paraang malikhain gaya ng rebyu, pagsusuri, o talang
pangkasaysayan.
Mga Layunin sa Akademikong Pagsulat

 Manghikayat
Ang sulating nanghihikayat naman
ay may layuning kumbinsihin o
impluwensiyahan ang mambabasa
na pumanig sa isang paniniwala,
opinyon, o katwiran.
Halimbawa:

Konseptong papel, mungkahing saliksik,


posisyongpapel, manifesto, editoryal,
talumpati, at iba pa.
Mga Katangian ng Akademikong Sulatin

 Pormal ang tono


 Karaniwang sumusunod sa tradisyonal
na kumbensiyon sa pagbabantas,
grammar, at baybay.
Mga Katangian ng Akademikong Sulatin

 Organisado at lohikal ang


pagkakasunud-sunod ng mga
ideya
 Hindi maligoy ang paksa
 Pinahahalagahan ang kawastuan
ng mga impormasyon
Mga Katangian ng Akademikong Sulatin

 Karaniwang gumagamit ng mga


simpleng salita upang maunawaan
ng mambabasa
 Hitik sa impormasyon
 Bunga ng masinop na pananaliksik
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Mga hulwarang maaaring gamitin upang maging


malinaw ang daloy ng mga ideya:

 Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa


konsepto o termino.

 Halimbawa, ang pormal na depinisyon ng


“kalayaan,” mga salitang kasingkahulugan nito, at
etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito.
.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

 Halimbawa, ang pormal na depinisyon ng


“kalayaan,” mga salitang kasingkahulugan
nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng
salitang ito.
.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Enumerasyon – pag-uuri o
pagpapangkat ng mga halimbawang
nabibilang sa isang uri ng
klasipikasyon.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Halimbawa:
ayon sa lahi, uri ng kulay, kasarian,
panahon, interes, at iba pa.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Order – pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari o
proseso.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Halimbawa:
Kronolohiya ng mga pangyayari sa
Pilipinas mula 1896 hanggang 1898,
proseso ng pagluluto ng adobo.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Paghahambing o Pagtatambis –
pagtatanghal ng pagkakatulad o
pagkakaiba ng mga tao
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Halimbawa:

(Benigno Aquino III at Rodrigo Duterte),


lugar (Coron at El Nido), pangyayari
(EDSA I, EDSA II, EDSA III)
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Sanhi at Bunga – paglalahad ng


mga dahilan ng pangyayari o bagay
at ang kaugnay na epekto nito.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Halimbawa:
Dahil sa kawalan ng disiplina sa
pagtatapon ng basura (sanhi), laging
bumabaha sa kalakhang Maynila (bunga).
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Problema at Solusyon – paglalahad ng


mga suliranin at pagbibigay ng mga
posibleng lunas sa mga ito.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Halimbawa:

Edukasyon ang sagot sa kahirapan.


Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Kalakasan at Kahinaan – paglalahad


ng positibo at negatibong katangian ng
isa o higit pang bagay, sitwasyon, o
pangyayari.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat

Halimbawa:
Mga kalakasan at kahinaan ng programang
K to 12 sa sistema ng edukasyon sa
Pilipinas.
1. May kaugnayan ba ang ang pagsulat sa
akademikong pagsulat?

2. May kaugnayan ba ang akademikong


pagsulat sa akademikong sulatin?
Anyo ng Akademikong Sulatin
Pamumuna Anotasyon ng bibliograpi
Manwal Artikulo sa journal
Ulat Rebyu ng mga pag-aaral
Sanaysay Meta-analysis
Balita White paper
Editoryal Liham
Encyclopedia Korespondensiya opisyal
Rebyu ng aklat, pelikula, o Autobiography
sining-biswal Memoir
Tesis Plano ng pananaliksik
Disertasyon Konseptong papel
Papel-pananaliksik Mungkahing pananaliksik
Pagsasalin
Akademikong Pagsulat
o Intelektuwal na Pagsulat
Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto:
 Abstrak
 Bionote
 Panukalang proyekto
 Talumpati
 Sintesis
 Replektibong sanaysay
 Katitikan ng pulong (minutes of the meeting
 Posisyong papel
 Photo essay
 Lakbay-sanaysay o travel essay
Balikan ang Pangkatang Gawain
Maraming Salamat
(AJAH….)

You might also like