You are on page 1of 15

Kahulugan at

kalikasan ng
Akademikong
Pagsulat
Mga Batayang Kaalaman sa
Pagsulat
► Ang pagsulat ay ang sistemang paggamit ng mga
grapikong marka na kumakatawan sa espisipikong
lingguwistikong pahayag(Rogers, 2006).
► Ang pagsulat ay Sistema ng permanente o
malapermanenteng pananda na kumakatawan sa mga
pahayag (Daniels and Bright, 1996).
► Masistema ang pagsulat dahil bawat pananda ay may
katumbas na makabuluhang tunog at isinaayos ang
mga panandang ito upang makabuo ng
makabuluhang salita o pangungusap.
► Ang pagsulat ay nakadepende sa wika, kung walang wika,
walang pagsulat.
► Arbitraryo ang mga Sistema ng pagsulat.
► Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord at
pagprepreserba ng wika.
► Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat
(Fischer, 2001).
► Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.
► Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon ( Goody, 1987)
Akademikong Pagsulat
► Ang pagsulat ay isang pangangailangan. Nagsusulat ang tao
upang tugunan ang mga personal na pangangailangan.

► Nagsusulat ang tao hindi lamang upang magpahayag ng saloobin


at bumuo at magpatatag ng mga ugnayan, bagkus ay upang
mapabuti ang sarili.

► Nagsusulat din ang tao upang tugunan ang mga akademiko at


propesyonal na pangangailangan.
► Akademikong Pagsulat o Intelektwal na Pagsulat
isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng
pag-iisip.

► Manunulat
Mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring
pag-iisip. May kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o datos,
mag-organisa, mag-isip ng lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at
inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.
► Ilan sa mga Halimbawa ng Akademikong Teksto;
▪ Abstrak
▪ Bionote
▪ Panukalang proyekto
▪ Talumpati
▪ Sisntesis
▪ Repleksibong Sanaysay
► Bahagi na rin ng bawat propesyonal ang magsulat ng mga
tekstong tulad ng Katitikan ng Pulong (Minutes of the meeting),
Posisyong Papel, at Agenda.

► Itinuturing ding akademikong sulatin ang Photo Essay at Lakbay


Sanaysay o Travel Essay.
Mga katangian ng akademikong
Pagsulat
► Magkaiba ang Personal at Akademikong pagsulat.
Sa Personal na Pagsulat maaring impormal ang wika nito. Maari
ding magaan ang tono at kumbersasyonal ang wika.Madalas ay
maligoy ang paglalahad ng personal na pagsulat na karaniwan ding
nangangailangan ng hindi literal na pagbasa.

Ngunit dahil sa ang pagsulat ay patuloy na nagbabago, may ilang


manunulat na pinagsasanib ang mga kumbensiyon sa akademikong
pagsulat at malikhaing pagsulat sa pagbuo ng akademikong teksto.
Mga Pamantayan
► walang isang paraan sa pagsusulat ng mahusay na akademikong teksto.
Depende sa sitwasyon o kahingian, nagbabago- bago ang mga
pamantayan kung ano ang mahusay na estilo o nilalaman.

halimbawa, magkaiba ang pamantayan ng kolehiyo ng Agham at ng


Kolehiyo ng arte at literature sa mahusay na papel-pananaliksik (magkakaiba
ng paksa, ngunit may mga parehong pamantaya gaya ng sigasig sa
pananaliksik, organisasyon ng mga ideya , atbp.)

Ang mga guro ay may kani-kaniya ring hinahanap kapag binabasa ang
mga sanaysay ng kanilang mga estudyante.
► Ganito rin ang nangyayari sa iba’t ibang propesyon. May gabay sa
pagsulat ang mga mamahayag na kaiba sa gabay sa pagsulat na
sinusunod sa isang advertising agency.

► Magkakaiba rin ang kagustuhan ng mga empleyado, namamahala


sa laboratory, HR Head, manager at supervisor. Sa madaling salita
tuwing nagsusulat ng akademikong teksto, mahalagang alamin
kung sino ang magbabasa nito.
Mga layunin sa Akademikong Pagsulat

► Karamihan sa mga akademikong pagsulat ay may layunin na


Magpabatid, Mang-aliw at Manghikayat.

► Ang Impormatibong akademikong sulatin ay nagbibigay ng


kaalaman at paliwanag. Halimbawa: balita, lahok sa Encyclopedia,
ulat na nagpapaliwanag ng estadistika, papel na nagpapaliwanag
ng konsepto, sulatin tungkol sa kasaysayan, tesis at iba pa.
► Tanggap na sa kasalukuyan ang mga Personal o Malikhaing Akda
bilang mga halimbawa ng akademikong sulatin. Halimbawa sa mga
disiplinang nag-aaral ng panitikan, sining, kultura, at kasarian. Itinuturing
na akademikong teksto ang autobiography, diary, memoir, liham at iba
pa.
► Mayroong mga kritikal o akademikong akda na naisusulat sa paraang
malikhain gaya ng rebyu, pagsusuri o talang pangkasaysayan. Bukod sa
pagbibigay ng impormasyon, nagbibigay din ng aliw ang mga tekstong
ito sa mambabasa.
► Ang sulating nanghihikayat naman ay may layuning kumbinsihin o
impluwensyahan ang mambabasa na pumanig sa isang paniniwala,
opinion o katwiran. Halimbawa ng ganitong akademikong sulatin ang
konseptong papel, mungkahing saliksik, posisyong papel, manifesto,
editorial, talumpati at iba pa.
Mga gamit sa Akademikong Sulatin

► Depinisyon
pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino. Halimbawa, ang
pormal na depinisyon ng “kalayaan” mga salitang kasingkahulugan
nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito

► Enumerasyon
pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa
isang uri o klasipikasyon.halimbawa ayon sa lahi,uri,kulay, kasarian,
panahon, interes at iba pa.
► Order
pagsusunod- sunod ng mga pangyayari o proseso.halimbawa,
kronolohikal ng mga pangyayari sa Pilipinas mula 1896
hanggang1898, proseso sa pagluluto ng adobo at pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari na nagdulot sa paglubog ng barkong MV
Doña Paz.
► Paghahambing o Pagtatambis
pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tao, lugar,
pangyayari, konsepto at iba pa.

You might also like