You are on page 1of 9

Banghay-Aralin sa Filipino 9- Integrasyon ng ICT

Noli Me Tangere-Kabanata 7
Pag-uulayaw sa Asotea
TUKLASIN
I. Kasanayang Pampagkatuto
Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nailalahad ang alaala ng kamusmusan na nagbibigay-halaga sa mag-irog;
B. Naisasadula ang pag-uulayaw sa Asotea;
C. Napapahalagahan ang kultura at ugaling Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at
Maria Clara;
D. Nasusuri ang ilang simbolong ginamit sa kabanata;
E. Napapahayag ang sariling pananaw sa isang pahayag.
F. Nababakas ang mga bayan sa Europa at lugar na narating ng tauhan.

II. Paksang-Aralin:
Paksa
PANITIKAN : NOLI ME TANGERE
Kabanata 7- Pag-uulayaw sa Asotea
URI NG TEKSTO : Nobela
Sangguniang Aklat : Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal,
pinagaan ni Erlinda M. Santiago, 30-35
Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal
Pinagaan nina Lorna Reyes et. al, 24-27
Kagamitan : Video clip, LCD projector, laptop, speaker, ppt
Kasanayan : Nalilinang ang kasanayan sa paglalarawan ng
isang lugar at pagsasalaysay ng bahagi ng
nobela.

III. Pamamaraan/Yugto ng Pagkatuto:


A. Panimulang Gawain:
Pagdarasal, Pagbati, Pagtala ng liban, pagpapanatali ng kalinisan
at Malayang Pagsasalita

B. Pagganyak: “Table Analysis”


Magpapakita ang guro ng talahanayan ng “Ligawan: Noon at Ngayon”.
Tatawag ng dalawang kinatawang mag-aaral upang markahan ang bawat
pagbabago kung ito’y kanilang sinasang-ayunan o hindi. Hihingan ng opinyon
ang ibang kamag-aral ukol sa pagbabagong minamarkahan.

Gagamitin ang pointer options sa powerpoint ng guro sa pagsagot.

Ang tanging permanenteng bagay lamang sa mundo ay pagbabago. Sa pag-


usbong ng bagong milenyo, maraming kapansin-pansing pagbabago ang ganap na
nangyayari sa ating lipunan. At isa na rito ang panliligaw.

NOON NGAYON
* matagal ang panliligaw * mabilis...o meron pa ba?
* mag-iigib pa ng tubig ang lalaki para * ilibre ka lang niya ng frapuccino
sa babae sa Starbucks, ok na
* kailangan pang ligawan ng lalaki ang * kung ok siya sa kaibigan mo,
mga magulang ng babe pwede na

1
* sa bahay nagliligawan * sa telepono na lang
* sa Luneta namamasyal * sa Galleria
* 10:00 na, uuwi na yung lalaki * 10:00 na, parating na siya
* nakapomada pa ang lalaki para * mag-cap na lang siya, ayos na
maayos ang buhok
* nagsusulatan kayo * nagtetext
* kailangan haranahan ka ng lalaki * kailangan magpadala ng
mensahe sa text
* kailangan gawan ka ng tula * kailangang magsend siya ng
love quotes sa text
* kailangan magaling mangastila * kailangan magaling siya mag
Taglish
* kailangang magaling magsipa * kailangan magaling siya
magbasketball o soccer
* kilos Maria Clara ka kapag nariyan * umaasta kang Marian Rivera
ang manliligaw kapag nandiyan na siya
* mga lalaki lamang ang nanliligaw * hoy, mare! Sinagot ka na ba
niya? (Aba mahiya ka kung may
sagot ka sa tanong na ito!)

Bagamat maraming pagbabagong nagaganap sa istilo ng panliligaw mula


noon hanggang ngayon, sana'y manatili pa rin ang tunay na kabuluhan nito, ang
maipakita ng manliligaw ang sinseridad at malinis na paghahangad sa kanyang
nililigawan.

http://www.angelfire.com/weird/fotu/ligawan.htm

C. Paglalahad/Paglinang Ng Talasalitaaan: “Who Wants To Be A Millionaire?”


Pipili ng kinatawan ang bawat pangkat upang lumaban sa laro/gawain.
Magkakaroon ng apat (4) na kalahok (isa sa bawat pangkat) sa labanan . Uupo
sa harap ng laptop ang bawat isa sa loob ng tatlong (3) minuto upang sasagutin
ang bawat tanong na inihanda ng guro. Sa pamamagitan ng gawain o larong
“Who Wants to be a Millionaire” ay sasagutin ng mga mag-aaral ang mga
katanungang may kinalaman sa kabanata at pagpapalawak ng talasalitaan. Ang
may pinakamataas na makukuhang halaga ang siyang magwawagi.

Maaagang nagsimba at umuwi ng $1,000,000


maaga si Maria Clara dahil alam niyang $500,000
darating si _______ $100,000
$50,000
Sigurado ka $10,000
na ba? $5000
$1000
$500
Oo Hindi $200
$100

Crisostomo Ibarra Padre Damaso

Kapitan Tiyago Sinang

Nagtungo ang dalawa sa asotea $1,000,000


upang doon mag-ulayaw? $50,000
$500,000
$100,000
$50,000
Sigurado ka $10,000
na? $5000
$1000
$500
Oo Hindi $200
$100

mag-away magpahangin

magsumbatan mag-usap
2
Talasalitaan:
1. nagpapasikdo- nagpapatibok
2. napatda-natigilan
3. natatalos-nakaaalam
4. mag-ulayaw- mag-usap
5. nagtulos- nagtirik

Pagsubok:
1. Maagang nagsimba at umuwi ng bahay sina Maria Clara dahil alam niyang
darating si Crisostomo Ibarra.
2. Lumabas sila sa asotea upang doon sila mag-ulayaw na magkasintahan.
3. Ang tanging alaala ni Maria Clara kay Ibarra ay ang liham.
4. Samatala, ang alaala ni Ibarra kay Maria ay isang dahon ng sambong.
5. Sa naturang liham, napaloob ang dahilan kung bakit sa Europa pinag-aral si
Ibarra ng kanyang ama.
6. Si Tiya Isabel ay binilinan ni Kapitan Tiyago na pagbakasyunin si Maria sa San
Diego.

D. Pagtatalakay

Panoonood ng video.
Ang mga mag-aaral ay manonood ng isang video (Dalton SAYTEK 2014 Kab 7)
ng Kabanata 7 (Suyuan sa Asotea). Matapos manood ay sasagutin ang gabay
na tanong.
Mga Gabay na Tanong:
1. Bakit maagangnagsimba sina Maria Clara at Tiya Isabel nang umagang
iyon?
2. Bakit kailangang magbakasyon si Maria Clara sa lalawigan?
3. Paano pinatunayan nina Ibarra at maria Clara na hindi nila nilimot ang
isa’t isa?
4. Ilahad ang mga alaala ng kanilang kamusmusan na nagbigay-ligaya sa
kanila.
5. Bakit biglang natigilan si Ibarra nang binabasa ni Maria Clara ang sanhi
ng pag-aaral ng binata sa ibang bansa?

E. Pagbibigay ng input ng guro


http://www.joserizal.ph/no09.html

Kabanata VII
Suyuan sa Asotea

Buod

Kinabukasan, Maagang –
maaga pa ay nagsimba na sina Maria
at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa,
Nagyayang umuwi na si Maria.

Pagkaagahan ay nanahi si
Maria upang hindi mainip sa
paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis
ng mga kalat ng sinundang gabi. Si
Kapitan Tiyago ay Binuklat naman
ang mga itinatagong kasulatan.
Sumasasal sa kaba ang dibdib ni
3
Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla
siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon o sa San
Diego.

Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon


sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.

Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga


damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa
beateryo.

Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang


tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra,
karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos
ng sarili bago harapin si Ibarra.

Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin.


Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang
puso.

Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na


nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa
pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni
Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa
kanyang alaala.

Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina


na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya,
ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na
limutin na niya si Ibarra.

Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro,


pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging
mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria.
Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob
na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.

Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi


ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim
na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na
ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa.
Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.

Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra


sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang
tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang
sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay
handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang
pambayan.

Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil


sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo
ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas
ay undas na."

Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan


ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila
sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra
at umlis na ito.

4
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at
inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San
Roque at San Rafael.

LINANGIN
F. Paglinang Ng Aralin:
Pangkatang Pagsasadula: Isasadula ang pag-uulayaw sa asotea nina Ibarra at
Maria Clara. Gagamit ng iba’t ibang pamamaraan sa pagtatanghal. Bibigyan
lamang ng limang (5) minuto sa paghahanda at pagtatanghal.
Pangkat 1- modernong sayaw
Pangkat 2- jingle
Pangkat 3- patulang suyuan
pangkat 4- harana

Ang bawat pangkat ay magtatanghal o ipapakita nga kanilang gawa sa


klase. Matapos ay magbibigay input o feedback ang guro sa mga ipinakitang
gawain.
Ano ang kaya ang sitwasyon ng lipunan sa panahong ito? Pangatwiranan.

PAG-UNAWA
G. Malayang Talakayan
Pagsusuri ng pahayag. Ipapaliwanag ng guro ang ilang simbolismo ng
kabanata at ang kanser ng lipunan sa pamamagitan ng pagbunot ng mag-aaral
ng bawat pahayag/simbolo.
Bubunot ang mag-aaral sa “Fish Bowl” ng isang pahayag at susubukan
itong ipaliwanag.

1. Aklat dasalan na sinulat ni Jose Mach na nalimbag noong


1878, naging popular noong kapanahunan ng mga Espanyol sa Pilipinas

2. Nagawang nailarawan sa bahaging ito ang labis na pananabik ng


isangdalaga sa pagdating kaniyang kasintahan na nawalay sa kaniya sa
loob ngmaraming mga taon

Sa pagamit ng pananalita ay parang maayos ang pahiwatig ni Kapitan


Tiyago, subalit sa malalim na pagsusuri rito ay higit itong isang anyo ng
insult at pailalim na pagbabala sa dalaga. Una wala na si Padre
Damasosa San Diego at ang batang kura roon ay isang banal.Sa
nakalipas nakabanata ay maalala natin ang paraan ng pagdagil ni Rizal
sa mga prayle sapamamagitan ng paglalarawan ng alagang baboy ni San
Antonio angkatotohanan ang halos pakahulugan ng salitang banal sa
satirikong pamamaraan ni Rizal ay baboy

5
Cefiro - sa alamat ng Griyego ay diyos ng hanging kanluran
nanagbabadya ng pagsapit ng tagsibol, makikita sa itaas ang isang
paglalarawan. Makikita ang mapagpahiwatig na mga pangungusap ni
Rizalsa kakayahan ni Cefiro na malaman ang di karaniwang himig ng gabi
at itinatagong hiwaga ng mga birheng kagubatan.

Sa edad na 18-19 na taon si Rizal habang nag-aaral sa Unibersidad ng


Santo Tomas ay lumipat siya sa isang boarding house kung saan ang
kaniyang kasero ay mayroong isang anak na dalagitang
13 taong gulang palamang at may pagkakataon na nakakalaro niya ang
dalagitang ito ng larong sungka ang dalagitang ito ay walang iba kundi si
Leonor Rivera

Iba pang simbolismo:


Chloe- Si Chloe ay kasintahan ni Daphnis sa maalamat na
mitolohiyangGriyego. Ang magkasintahan ay kapwa mga pastol sa pulo
ng Lesbos atnakatira sa gitna nang tahimik na parang at nabubuhay ng
walangkamalayan sa kasalanan.

Baltazar/Balagtas - makikita ang pagiging labis na popular ng makata


sakapanahunan ni Rizal at maging si Rizal ay sumipi ng mga kaisipan
niBalagtas. Ngayon ay nakilala mo na ang nais sabihin ni Rizal sa
Kabanata 2 noong sabihan ni Ibarra ang isa niyang kausap na makatang
nagpanatiling aking pag-ibig sa bayan.

liham- Mahalaga ang sulat na ito sa kabuuan ng nobela dahilan sa ito ay


gagamitin laban kay Ibarra. Tingnan ang mga nilakihang mga
pangungusapna nagtataglay ng mapangahas na kaisipan para sa bayan.
Tandaan na sabahaging ito ay mayroong nang dalawang sulat na tayong
natatalakay dito ang nawawalang sulat ni Pray Damaso (Kabanata 1) at
ang sulat ni Ibarrana nasa pag-iingat ni Maria Clara.

Kanser ng Lipunan
o Pagiging sentimental
o Palabra de Honor

H. Paglalahat
Hindi mapakali si Maria Clara dahil magkikita na sila ni Ibarra. Pagkaraan ng
pitong taong paghihiwalay, muling nagkita ang magkababata’t magkasintahang
Crisostomo at Maria Clara. Nag-usap sina Maria Clara at Crisostomo sa asotea
at nagpalitan ng mga alaala (dahon ng sambong at ang lumang liham). Madaling
nagpaalam si Ibarra dahil siya ay pupunta sa San Diego

6
ILIPAT
I. Paglalapat
1. Sa tulong ng mapa, bakasin ang mga bayan at sa Europa at mga lugar dito na
narrating ni Ibarra.

2. Pumili ng isang lugar sa Europa. Magsaliksik ng lugar na pinuntahan ni Dr.


Jose Rizal dito at alamin ang kanilang pamumuhay. Alamin din ang pakikipagsapalaran
na kaniyang pinagdaanan at buhay pag-ibig. Magkakaroon kayo ng pagsasatao ng
“Pag-ibig ni Rizal sa Europa”.

Gagamitin ang Rubriks sa Pagsasatao.

Rubrik sa Pagsasatao

Iskala ng Pagmamarka: 5 ( Natatangi) 4 (Napakahusay) 3 (Mahusay)


2 (Kasiya-siya) 1 (Hindi kasiya-siya)

PAGTATAYA
PAMANTAYAN
1. Reyalistiko at natural ang pagganap sa
katauhang binibigyang buhay.
2. Angkop ang ekspresyon ng mukha sa
ipinakikitang emosyon o sa damdaming
pinalilitaw.
3. Umaakma ang gmait ng tinig sa edad,
saloobin at kaisipan ng tauhang
ginagampanan.
4. Mahusay at malinaw ang pagbibitiw ng
mga pahayag kaya’t nauunawaan.
5. Maayos ang blocking sa paggalaw ng
tauhan.
6. May angkop ng kasuotan at
pangkalahatang anyo ng tauhan sa
kanyang papel na ginagampanan.
7. Nakapukaw ng interes at kawilihan sa mga
manonood ang pagsasatao.

J. Pahalagahan ang Kaisipan:

Sagutin ang mga gabay na tanong upang masuri ang pagpapahalagang


na nais iparating ng kabanata.

Gabay na Tanong:
1. Anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinamalas ni Ibarra?ni Maria
Clara?
2. May pagkakaiba ba ang paraan ng panunuyo noong araw sa panunuyo
ngayon? Patunayan. Alin sa dalawang paraan ang higit na kasiya-siya?
Bakit?

K. Ebalwasyon
7
“who-goat lines”

Magbibigay ang guro ng konsepto mula sa


Kabanata 7 at tatawag ang guro ng mag-aaral mula
sa bawat pangkat na na nais magbigay ng “ hugot
lines”. Matapos magbigay ng mag-aaral ng linya ay
lalapit sa Roleta (The Big Wheel) at paiikutin ito para
sa kanyang puntos. Pagsasamahin ang puntos ng
bawat mag-aaral ayon sa kaniyang pangkat.

Halimbawa:

Bakit mo ko iniwan?
Tulad nga ng sabi ni John Lloyd, pa’nu ba ‘yun?  Kaya tayo iniiwan ng mga
taong mahal natin kasi may paparating pa, yung magmamahal sa’tin at
magpaparealize sa’tin kung bakit naging mali yung dati. Paparealize rin satin
kung pa’no tyo dapat mahalin.

pag-iisip ni Maria Clara


Iniisip….
Minsan sagot
Madalas IKAW

Masaya si Maria Clara


Minsan pipilitin mo na lang talagang maging masaya kahit sa loob-loob mo na ay
sobrang sakit na.

pagmamahal
Sana ang LOVE parang traffic light din, para malaman natin kung we should GO
for it, WAIT for it or STOP for it. To avoid HEART ACCIDENT

8
IV. Takdang-Aralin:

1. Gamit ang facebook set-up, maglalagay ang mag-aaral na kanilang komento


sa pahayag.

2. Basahin ang Kabanata 08- Mga Gunita/Mga Alaala


Anu-ano ang nakita ni Ibarra?Bakit nawala ang magaganda niyang
gunita?
Sanggunian: Noli Me Tangere ni Jose Rizal, pinagaan ni Erlinda M. Santiago,
pahina 36.

You might also like