You are on page 1of 2

Ang palabas na Heneral Luna ay ikinuwento ang buhay ng bayani ng Pilipinas na si

Heneral Antonio Luna at ang mga pangyayari noong gyera ng mga Pilipino laban sa mga
Amerikano. Ang pagkakalahad sa kwento ng palabas ay magaling at maayos dahil ipinakita
ng mga eksena ang pagkakasunod-sunod at kung bakit nagresulta sa mga pangyayaring
ipinakita. Ang kwento ay angkop sa mga pangyayari sa kasaysayan noong panahon ni
Heneral Luna ngunit may mga pangyayari sa kwento na hindi tama batay sa kasaysayan ng
Pilipinas, tulad ng pagkamatay ni Jose Bugallon na nabaril habang sumusugod sa mga
Amerikano at hindi habang nakikipaglaban sa hukay at ang pagligtas ni Koronel Roman kay
Heneral Luna dahil ibang koronel ang pumigil sa pagpapakamatay ni Heneral Luna. Ang
kwento ng pelikula ay nagpokus sa pulitika, mga maliliit na bagay at mga pangyayari noon
tungkol sa buhay ni Heneral Luna, ngunit ipinakita pa rin ang mga mahahalagang pangyayari
at labanan noong digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Higit pa rito, naging
matagumpay ang kwento sa pagbuo ng pag-aabang ng mga manonood sa susunod na
mangyayari lalo na sa eksena bago at pagkatapos ng pagpatay kay Heneral Luna. Nagawa ito
sa pamamagitan ng paglalagay ng mga masasaya at nakatutuwang mga pangyayari at
pagpasok ng komedya at aksyon sa pelikula upang maakit ang mga manonood sa kwento at
mga eksena. Matagumpay ring naipakita ng kwento ang misteryo at mga kuro-kuro tungkol
sa pagpatay kay Heneral Luna. Kahit na nagpakita ng tumbalik ng mga pangyayari ang
kwento, hindi ito naging sanhi upang maguluhan ang mga manonood at ito ay nagdulot ng
masmalinaw na pagkakaintindi sa kwento ng buhay ni Heneral Luna. Ang kwento ay hindi
lamang ipinakita ang mga pangyayari, pamumuhay at damdamin ng mga Pilipino noong
panahong iyon, kundi nagpapakita rin ito ng mga aral na magagamit natin sa buhay natin at
isyu ngayon.

Ang tagpuan ng pelikulang Heneral Luna ay angkop sa mga eksena at kasaysayang


ipinakita. Angkop rin ang tagpuan sa taon o panahong ipinakita ng pelikula pati sa klima ng
Pilipinas. Binigyang pansin at maganda ang pagkakaayos sa bawat tagpuan ng eksena at ang
mga dekorasyon pati ang mga kagamitan ay angkop sa panahong iyon. Naipakita nang
mabuti ang mga pangyayari sa palabas dahil sa maayos na depiksyon ng direktor at ng mga
prodyuser sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang tagpuan ay ipinakita ang mga makasaysayang
lugar kung saan nangyari ang mga kaganapan sa buhay ni Heneral Luna. Naipakita nang
maayos ng tagpuan ang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino noon. Ang tagpuan ng
palabas ay naging sangkap din upang mawili ang mga manonood at maging bahagi ng
pelikula at kasaysayang ipinalabas ng Heneral Luna.

You might also like