You are on page 1of 3

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim.  May katutubong kultura ang mga
Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa.  Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-
asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang
magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.  Lagi
siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.  Nalimutan ng datu ang mag-asawa.  Siya ay pinayuhan
ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na
magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay.  Naging pihikan ang datu dahil
sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan.  Sa tulong ng matiyagang pagpapayo
ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu.  Ngunit hindi lamang iisang dilag
ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa.  Dahil sa wala siyang itulak-
kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin.  Siya ay batang-bata at napakalambing.


Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa.  Mahal na mahal din siya ng datu kaya
ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya.  Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si
Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu.  Sa ganito, magmumukhang kasinggulang ko
lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin.  Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin
ng puting buhok ang asawa.  Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa.  Maganda, mabait si Farida ngunit
kasintanda ng datu.  Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu.
Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.
Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu.  Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu.


Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa.
Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala
ang kanyang sarili.

Kalbo! Kalbo, ako!  sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Ang Talon ng Maria Cristina

Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa lalawigan ng Iligan sa Mindanao. Ito rin
ay tinatawag na “twin falls” sapagkat ang daloy ng tubig ay hinati ng isang bato sa bingit ng
talon. Ito ay matatagpuan sa Iligan na tinatawag din na “City of Majestic Falls” dahil masisilayan
din dito ang 20 talon. Bukod sa ganda na makikita dito, may malaki ring tulong ang talon sa
pamumuhay ng mga tao sa bayan ng Iligan. Ang talon ay pinagmumulan ng enerhiya na
magagamit sa pangkabuhayan ng mga tao. Dahil sa pagbibigay nito ng enerhiya na tumutulong
sa pangkabuhayan ng mga tao, nagbibigay ito ng malaking tulong upang umunlad ang bayan.
Tumutulong rin ito sapagkat maraming turista ang nagpupunta dito upang masilayan ang
kagandahan ng talon. Hindi masasayang ang lahat ng gastos at pagod sapagkat bukod sa Maria
Cristina Falls, marami pang maaring puntahan dito katulad ng iba’t ibang talon at ang malinis at
magandang Bucana Beach.

Sa sobrang laki ng naitutulong ng Talon ng Maria Cristina sa pamumuhay at turismo ng


Iligan, dapat ay panatilihin natin itong malinis at maganda. Dapat ay iwasan natin ang polusyon
sa tubig sapagkat maapektuhan ang ating magagandang tanawin at pag naapektuhan ang ating
mga tanawain, mauubusan rin tayo ng pagkukuwaan ng ating mga kailangan at mababawasan
ang kita na maari nating kitain upang umunlad ang ating bayan. Ang Turismo din natin ay baba
sapagkat kakaunti na lamang ang turista na maaring dumayo sa ating bansa. Dapat magkaroon
tayo ng disiplina sa pagtatapon ng ating mga basura sapagkat kung wala tayong disiplina sa
pagtatapon, maaring maging madumi ang ating mga magagandang tanawin sa ating bansa. Kung
magtutulungan tayong panatilihing malinis ang ating kalikasan, siguradong magiging maunlad
ang ating bansa sapagkat maraming turista ang dadayo sa ating bansa upang makita ang iba’t
ibang magagandang tanawin.

1. BATAY SA BINASA, ANO-ANO ANG MGA MAGPAPATUNAY NA MAHALAGA ANG


TALON NG MARIA CRISTINA SA MGA TALAGA ILIGAN?
2. ANONG EBIDENSYA MULA SA BINASA ANG NARARAPAT GAWIN UPANG
LALONG MAKILALA ANG TALON NG MARIA CRISTINA?
3. ANO-ANO ANG MGA PATUNAY ANG NAGLALARAWAN SA TALON NG MARIA
CRISTINA?

You might also like