You are on page 1of 2

Ang Pag-iibigan nina Maria at Igat

(Dulang Maranao)

May isang mag-asawa na may anak na babaing nagngangalang Maria. Isang araw, inutusan
nilang manatali sa bahay ang anak at umigib ng tubig habang sila ay gumagawa sa bukid.
Nagpunta si Maria sa isang bukal.
Maria: Ano kaya ang nagyari at marumi ang tubig na sinasalok ko? Di bale na,basta pupunuin ko pa rin
ang aking sag-ab.
Hanggang napuno ni Maria ang kaniyang sag-ab. Papaalis na siya nang may tumawag sa
kaniyang pangalan.
Igat: Ako ang nagsasalita, huwag kang matakot!
Maria: Ano ang kailangan mo saakin?
Igat: Nagtatapat ako ng pag-ibig sa iyo, at nangangakong iibigin ka.
Maria: Bakit ako? Totoo ba ang sinasabi mo?
Igat: Upang maniwala ka, pupunta ako sa inyo sa Biyernes ng gabi.
Naghiwalay ang dalawa, pinagbilinan ng Igat ang dalaga na alisin ang lahat ng mga bagay sa
silong ng bahay na maaaring masira ng tubig.
Igat: Darating ako at dadalawin kita habang may baha kaya huwag mong kalilimutang gawin ang mga
sinabi ko. Kinaumagahan ng Sabado, mauna kang magising sa mga kasambahay mo sapagkat ako’y doon
naghihintay sa iyo sa may pintuan ng inyong bahay.
Maria: Oo, maghihintay ako.
Umuwi ng bahay si Maria na punong-puno ng awa at pag-ibig sa Igat.
Kinagabiihan ay bumagyo nang malakas. Ulan, hangin kulog at kidlat ang pumunit sa kalangitan at sa
himpapawid.

Maria: Nakakatakot naman ang ulan na ito, ang lakas!


Ana: Oo nga, sobrang lakas ng bagyo.

Tanging si Maria lamang ang nakababatid ng mga nagyayari. Kinausap ni Maria ang ama.

Maria: ‘Tay, kunin na natin ang lahat ng mga bagay na nasa silog kasi masisira ito o baka maanod ng
baha.
Ama: Oo, kukunin natin upang hindi masira.

Dahil sa pagod ng gabing yaon, hindi nagising nang maaga si Maria kinabukasa.

Ama: Gising na, anak! Napakabait ng Diyos sa atin. Biniyayaan tayo bilang ganti sa masamang panahon
kagabi.
Maria: Ano pong biyaya ang sinasabi ninyo?
Ama: Nang buksan ko ang pinto ngayong umaga, may napakalaking igat na roon. Kaya pinatay ko.
Hayun, ibinabad ko sa palayok sa kusina. Hala mag- ayos ka na diyan at tulungan mo ang iyong ina na
mailuto ang igat uang maging ating pananghalian.

Maria: Opo, tutulungan ko na si Inay mamayang magluto.

Atubili man, naalala ni Maria ang lahat ng bilin sa kanya ng igat. Pagkaalis ng mga magulang ni Maria
papuntang bukid, nakita niya ang dugong na nagwawala sa pintuan.

Maria: Buti na lamang tumutubo na ang mga mais at pagkakataon ko nang magbantay. Ibabaon ko ang
tela, kasama ng laman nito sa gitna ng bukid.

Pagkalipas ng isang lingo, mat tumubo sa lugar ng pinagbaunan ng laman at buto ng igat.

Ama: Ano ba itong tumutubo rito? Mabuti pa putulin ko na lang kasi nakakasagabal.

Maria: Huwag po, ama! Para na ninyong awa.

Naguguluhan man, pinagbigyan ng ama ang anak. Lumipas pa ang isang taon, namunga na ang puno.

Maria: Kakainin ko ang bunga. Kaya lang wag na.

Ama: Ako nalang ang kakain. Naku! Bakit ganito? May dalawang mata at isang bibig tulad ng isang tao
na nakaukit nang maliwanag sa niyog.

Kinagabihan, napanaginipan ni Maria na nauna siyang nagising sa kaniyang mga magulang nang
umaga pagkaraan ng bagyo, na ang igat daw ay nagbagong-anyo at naging tao. At gaya ng kaniyang
ipinangako, hiningi nito ang kaniyang kamay upang siya’y pakasalan.

You might also like